Chapter 16: Challenge Accepted!

14 2 2
                                    


Chapter 16: Challenge Accepted


[Spike’s POV]


“tol ano bang pumasok sa utak mo at pinagtitripan mo yun?” tanong ko kay Supremo


“wala lang” tipid niyang sagot.


“wala? Baka naman sa huli ma-inlove ka diyan” asar ko sa kanya


“me?? Ha ha ha are you insane? Psshh she’s not my type”


Hindi daw. *chuckles*


Si Kniven yung tipo ng tao na ayaw ma-involve sa mga babae, para siyang si Mikkel, allergic sa babae, ang pinagkaiba nga lang nila, si Mikkel in love sa iisang babae kaya walang pake sa ibang babae kahit sexy at maganda pa ang maghubad sa harap niya, mas lilingunin niya pa yung kotse kaysa don, si Kniven naman never pang na in love. Wala lang, ayaw niya lang talaga. Kaya nga nakakapagtaka ngayon at may kinukulit siyang babae. Nakz! Tinamaan na yata tong bestfriend ko ah.


“so anong plano mo?”


“plano saan?”


“sa kanya, kay Mei.”


“hmm wala. Gusting gusto ko lang siyang asarin.”


“wow huh’ parang unbelievable yata yung narinig ko. Si Kniven Dreakerich Salazar magpapaka immature? Lagi mong napapagalitan sila Tosh at Skye about diyan, tapos ngayon ikaw ang gagawa. Now tell me, sinong insane sating dalawa?” natatawa kong litanya.


*blag!*


Biglang kumalabog yung pinto ng rooftop.


“look who’s here!” tsaka ko tinapunan ng mapang asar na tingin si Supremo.


“so nakapagdesisyon ka na sigu---“


*pak!*


What the fvck!


Hindi natapos ni Supremo ang sasabihin niya, pano ba naman kasi? Ikaw ba naman ang hatawin ng raketa ng tennis.


“buo pa ba ang mukha mo Supremo?” nagpipigil ako ng tawa habang itinatayo ko siya. Wew! Ayokong maging gf tong babaeng to, baka gawing tennis ball ang mukha ko. Sayang naman maraming iiyak na babae.


“kung akala mo matatakot mo ko gaya nila, well you’re wrong Mister.” Seryosong sabi niya, tsaka na umalis.


“fvck!” –Supremo, habang hawak hawak yung panga niya, napuruhan yata ang loko ah.


“ano ba kasing nangyari?”


“waah! Anong nangyari kay Supremo? Binugbog mo Spike?” biglang dumating si Brayden.


“bakit may nakasalubong kaming babaeng galit? Galing yata dito?” singit ni Mikkel


“yun yung prospect ni Supremo ano ka ba!” –Skye


“yun ba yung kinukwento niyo last time?” –Toshiro


“mismo” –Brayden


“don’t tell me siya din ang may gawa niyan?” –Mikkel


“pfftt~ actually, yeah” sagot ko.


Napa ‘waaahhh’ ‘fvck’ ‘wth’ at unli mura ang mga loko. Natatawa naman ako sa expression ni Supremo. Lolx! Napaka priceless.


“pano na yan Supremo mukhang basted ka na agad diyan” pang aasar ni Skye


*glare*


“gusto mo yatang magsuot ng barong na bukas sa likod ng wala sa oras Skye?”-Toshiro


Hahaha si Supremo talaga highblood.


“pustahan tayo hindi mo yan mapapaamo” hamon ko sa kanya


“Are you underestimating me?”


“naah. *chuckles* “


Tsaka niya ko sinamaan ng tingin


“I’ll make that girl fall in love with me whether she likes it or not *smirk* “


Mukhang sineryoso yata niya ang hamon ko ah.

The Bizarre Love Triangle [You Make My Kokoro Go Doki Doki II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon