Chapter 23: Round I [Part 4]
[Mikkel’s POV]
Bigla akong napatingin sa kabilang dako ng Glass Capsule.
Bigla kasing may nahagip yung mata ko na taong pamilyar sa akin.
Lumabas ako sa kumpol ng mga taong nanunuod ng laban.
“uy tol san ka pupunta?” –Toshiro
“diyan lang” tsaka ako tumingin sa mga maglalaban.
si Skye na pala ang susunod.
“hindi ka manonood?”
“hindi na. alam ko naman kung sino ang mananalo” tsaka na ko tuluyang umalis.
Kailangan ko siyang maabutan…
[Toshiro’s POV]
Ano kayang problema non si Mikkel? Parang nagmamadali kasing umalis. Tss
Napatingin na lang ako sa dalawang naglalaban sa gitna.
“Skye Bilisan mo na diyan para ako na ang susunod” bulong ko habang nakahawak sa glass. Baka kasi mapansin na ni Mama na tumakas ako, lagot ako nito.
Panay iwas naman yung kalaban, nakakabadtrip naman yan oh.
“takot naman ata yung kalaban niya, iwas ng iwas” irita kong kumento
“naah. Inaasar niya lang si Skye, mukhang nagpabackground check din yung boss nila” seryosong sabi ni Spike.
Inaasar?
Napatingin naman ako kay Skye… oo nga, mukhang galit na siya sa pag ilag ilag ng kalaban niya.
Patuloy pa rin sa pag atake si Skye, pero wala eh, ang bilis talagang umilag ng loko.
Maya maya pa, hawak hawak na ng kalaban niya yung braso niya at pinipilipit na, balak yatang putulan ng braso wew!.
Tang*na! anong ginagawa mo Skye???
[Skye’s POV]
Langya! Namimilipit na ko sa sakit ng kanang braso ko, buti na lang at natamaan ko yung ano niya, kaya ayun patas lang kami ha ha ha.
Pero langya talaga, parang lantang gulay tuloy yung braso ko na nakalupaypay, parang di ko maramdaman ang mga daliri ko.
“alam mo? idol mo siguro si Mayweather? Takbo ka kasi ng takbo!” tsaka ko ulit inundayan ng patalim gamit ang kaliwang kamay ko, buti na lang kaliwete ako.
Kaya lang bigla niya kong sinikmuraan.
Aarrgghh!
Parang lalabas yata yung kinain ko kanina. Masyado siyang mabilis gumalaw.
Sunud sunod yung pagsugod niya, may naiilagan naman ako, pero mas marami yung nasasalo ko kaysa sa naiilagan.
Yung gwapo kong mukha syet!
Kung kaya ni Brayden ipanalo yung kanina, mas kaya ko naman siguro to? Pero asar ang bilis kasi ng walangya.
“pagod ka na ba?” nakangising sabi niya, nagulat na lang ako nung nasa likuran ko na siya.