Chapter 6: Mr Happy Go Lucky and The Sticky Note Girl
[Skye Andrew Gascon's POV]
kanina pa ko dito, masusuka na yata ako sa dami ng nainom ko eh, wew!
"pero kuya Skye pangit ba ko?" sabay tungga niya ulit ng isang baso.
"hindi ah, sinong may sabi niyan at ipapasalvage ko"
ang sabi ni Spike ihahatid ko lang tong batang to, pero nag pumilit namang makipaglasingan.
"pero kasi.. ayaw niya sakin eh, bakit ayaw niya? sabi mo hindi ako pangit?" medyo tipsy niyang sabi, sabay bagsak ng ulo sa counter ng bar.. K.O.!
lagot ako nito *face palm* patay talaga ako kay Supremo.
"lagot ka diyan pare, bakit kasi hinayaan mong magpunta diyan?" -si Brayden, kausap ko sa phone habang minamaneho ang sasakyan ko.
"gago hindi ka nakakatulong" bulyaw ko sa kabilang linya"
"iyak ka na tol dali" pang-aasar sakin ni Mikkel, mga loko at naka-loud speaker pa yata ako.
"tss, asan na ba si Spike?" tanong ko, wala talagang kwentang kausap tong mga to.
"ewan ko? baka nasa babae niya, parang di mo naman yun kilala." -Brayden
"bilisan mo na diyan, sunod ka na lang dito sa bahay namin" -Mikkel
"bakit?"
"wala lang, party party lang. panalo kasi sa race si Mikkel. sunod ka ha? sige na, bye!" sabay baba ng phone.
"anong gagawin ko sayo? *sigh* " sabay lingon ko sa tabi ko.....
Im Skye Andrew Gascon, 5th member ng RBK. Sa Payne University din ako gaya ng iba. Gwapo, matalino, mayaman.. Ano pa bang hahanapin niyo? nasa akin na ang lahat!
(author: no comment hahaha. )
walang laglagan author XD.
only son, at nag iisang tagapagmana ng CG Company.
lumaki akong nakukuha lahat ng bagay na gustuhin ko, kapag may bagong gadgets asahan niyo na meron ako agad niyan, lahat ng uso, wala pang isang linggo sigurado na kong kasama na yan sa koleksiyon ko. Kung anong gusto ko, gagawin ko. But despite all that thing, may isang bagay akong hindi makuha kuha.. alam niyo kung ano yun??
Ang atensiyon ng daddy ko..
Pero hayaan na nga lang natin yun, ang problema ko ay itong batang to.
Nang biglang tumunog ang phone ni KD..
*Kuya Kniven Calling... *
Patay kang Skye ka!
[Kath Chuckz Santiago's POV]
"Kath yung pinapagawa ko ha dont forget" utos sakin ng isa kong classmate sa Chemistry Subject.
"o-oo Syd" sabay ayos ko ng eyeglasses ko.
"yung akin din Kath"
"oo nga yung sakin din" pahabol pa nila.
*sigh* alam ko na tinetake for granted lang nila ako, pero anong magagawa ko? Kapag hindi ko yun ginawa, hindi nila ko magugustuhan.
"oo gagawin ko yun lahat" tsaka ako tumayo sa upuan para sumabay sa kanila, kaya lang..
"oh anong ginagawa mo?" tanong sakin ni Sydney.
"ah.. eh.. sasabay sana ako sa inyo." nakayuko kong sagot.
"sinong nagsabing pwede kang sumabay samin?" -Apple
"kapag nagawa mo na yung project namin tsaka ka na sumabay"
"s-sige" wala akong nagawa kundi tignan lang sila na naglalakad palayo sa akin.
Ako nga pala si Kath Chuckz Santiago, madalas sa madalas eh ganito ang nangyayari sakin araw araw. Yung tipong mabait sila sayo kapag may kailangan ka, tapos pag wala na chupi ka na. Pero sanay naman na ko, ganun na talaga siguro ang kapalaran ko.
*tttuugggssshhh*
biglang may bumunggo sakin mula sa likuran.
"haharang harang kasi sa daan eh" parinig nung nakabunggo sakin.
*sigh* ano pa nga bang bago?
"waaahhh talaga? may mini concert sila?" habang tumitili pang sabi ng isang babaeng palabas sa kumpol ng mga tao sa harap ng bulletin board.
ano kayang meron?
nakisiksikan na lang din ako para mabasa yung post.
"THE 6th STRING'S MINI CONCERT THIS COMMING FRIDAY NIGHT?" sabay takip ko ng bibig, napalakas yata yung basa ko kaya nagsi-irap yung mga nakapaligid sakin.
To be honest, crush ko yung isang member nila doon, pero siyempre alam ko namang hindi niya ko magugustuhan. Hello! mukha na nga akong manang sa mga salamin ko, isama mo pa tong pananamit ko. I admit, hindi ako fashionista hindi din ako pala-ayos. kaya nga college na ko at NBSB pa rin ako.
*tuuugggsshhh*
"aray ko po!" daing ko. For the second time nabangga nanaman ang kawawang si ako, ganun na ba talaga ako ka-lampa?
"sorry Miss" sabay alalay sakin patayo mula sa pagkakasemplang ko sa sahig.
pag angat ko ng mukha..O___O speechless ako!