Chapter 22: Round I [Part 3]
[Brayden’s POV]
Pagkarating namin doon sa address na binigay ni Supremo, agad namin siyang naabutan na nakasandal sa motor niya at nagyoyosi. Humithit muna siya ng isa tsaka niya yun itinapon at tinapakan. Sabay harap samin.
“at dumating pa kayo?” seryosong sabi niya
Lagot!
“si Tosh kasi” turo ni Skye
“ako nanaman?” tsaka sila nagturuan nanamang dalawa.
“enough!” sigaw ni Supremo kaya napatahimik yung dalawang ungas. Ha ha ha. Buti nga.
“Magset up na kayo, in just a few minutes mag uumpisa na yung laban”
Kinuha ko na yung malaking bag tsaka inilapag sa gitna.
“wala ka bang bazooka dito sa bag Mikkel?” –Skye, tsaka kinalkal yung laman ng itim na bag.
“wala. Hindi mo sinabi kanina.”
“sayang!” –Skye
“uyy ano to?” sabay pakita ni Tosh ng itim na mukhang Granada.
Kinuha naman ni Supremo yung kulay itim na box, may tatlong F-S knife yun na laman. Isa isa niyang itinago yun sa katawan niya. Tsaka inilabas yung isa pang bag na nasa loob.
“ano yan Supremo?” –Toshiro
“teka? Nakalimutan ko bang sabihin na may perang involve dito?” takang tanong ni Supremo.
“how much?” –Spike
“5 Million” sabat ni Mikkel
What? 5 Million pesosesoses?
“winner takes all… madodoble naman yan pag nanalo tayo” –Supremo
“ang laki naman nun Supremo, pano pag natalo tayo?” –Skye
Nagtinginan naman lahat sa kanya, pfftt~
“a-ah eh… ang sabi ko if ever lang naman… may sinabi ba kong matatalo tayo? Kayo talaga. He he he”- Skye
Ayan kasi ang daldal hahahaha.
“kailangan pala talagang manalo tayo diyan, ang laki ng perang nakataya.” Sabay bulsa ko ng kamay ko sa jacket ko.
“dapat lang, dahil kung hindi…” –Supremo, sabay kasa niya ng baril.
*gulp*
Wala kaming pagpipilian kundi manalo.
[Spike’s POV]
Ang brutal talaga ni Kniven, takutin ba naman ang mga kolokoys. *smirk*
Eh kung tutuusin, barya lang naman yang 5 Million sa kaniya. *chuckles*
“tara na” tsaka namin sinundan si Supremo na maglakad papunta sa bandang harapan ng gusali.
Napansin kong sa bandang likuran pala kami nag entrance kanina kaya walang katao tao. Sa bandang harapan kasi, makikita mong maraming mga nakaparadang sasakyan.
Bumungad sa amin yung dalawang lalaking mukhang poste -___- ang lalaki kasi ng katawan.
May mga nakasukbit na matataas na kalibre ng baril sa kanila. Sila siguro yung bantay dito.