Chapter 19: Game Plan
[Kniven’s POV]
“ilang araw ka na dito sa bahay niyo Supremo ah” –Toshiro
“bakit may problema ba?”
“ah..eh.. wala naman he he he” sabay kuha niya ng magazine sa table
“bakit hindi niyo na lang ipagawa yan kay Brayden? Diyan naman siya magaling eh”
“minamaliit mo ba ko?” sabay tingin ko sa kanya.
“hindi ah, ang galing galing mo nga eh, as in neseye ne eng lehet”
Stupid.
“para saan ba yan?” tanong niya ulit.
Aish! Ang daldal ng lalaking to. Pano ako makakapagconcentrate?
“Skull Head? Ano yan Supremo?” silip niya sa ginagawa ko
“sila yung una nating makakalaban”
“mukhang malakas sila.”
“tutal nangealam ka naman na sa ginagawa ko, ito yung profile nila. Review them one by one” sabay abot ko ng papel na kakaprint lang.
“ano ba ang rules?”
“rules? Theres only one rule in this game…”
“ayos yan, isa lang pala ang rule eh, ano naman yun Supremo?”
“patayin ang makakalaban mo.”
Bigla siyang napalunok sa sinabi ko.
“wala bang ibang way para manalo ng hindi pumapatay, you know world peace hehehehe”
“wala. Unless sumuko sila. and that’s impossible, they are trained to kill people”
“kalian ba ang laban?”
“the day after tomorrow”
….
“long time no see Supremo ah” bungad sakin ni Brayden sa hideout.
“bakit nawala ka ng 5 days? Akala ko pa naman natakot ka na sa deal natin.” –Spike, Isa pa tong lalaking to
“may inayos lang ako. Nakuha niyo na ba yung mga profiles ng makakalaban natin?” pag iiba ko ng usapan. Ayoko na munang pag usapan yung tungkol sa babaeng yun, may mas importante akong bagay na dapat gawin sa ngayon.
“about The Skull Heads?” –Skye, himala yata, he’s fvckin’ serious today.
“yeah. I told Toshiro to review their files”
“tapos ko na Supremo.”-Toshiro, while waving the papers.
“pinag aralan ko na rin ang mga rules and regulations sa underground fight na magaganap. may 8 groups na kasali sa laban, 3 members lang ang lalaban bawat round. One on one fight ang First at Second Round, sa final round wala pa silang inilalabas na rules. take note, hindi basta basta ang mga kasama dito. Lahat sila ay may mga sinusunod na boss. Parang sa laro lang ng Chess, ang boss ang masusunod, at yung grupo niya naman ang magiging mga piyesa na magpapatayan.” Sabay sandal ko sa upuan ko.
“but how about us? Wala naman tayong boss ah” –Mikkel
“well, I will be the boss”
[Spike’s POV]
“nasa rules ba na bawal lumaban ang boss? Kasi kung oo, ibig sabihin kaming lima lang ang lalaban?” –tanong ko
“nope. Wala sa rules yun, ang sabi dito basta iprotect yung boss, kasi kapag namatay ang head consider ng tanggal ang grupo”-Brayden
“ibig sabihin lalaban ka Supremo?”-Toshiro
“yes”
“wow! Playing boss ganon? Parang si Jaworski lang, playing coach sa PBA”-Skye
“ginawa mo pang basketball team ang RBK, ano tayo Ginebra? Never say die?” –Mikkel
Pfft~ akala ko pa naman problemado tong si Skye, ang seryo-seryoso kasi kanina pagkadating ng hideout
“shhh… kids behave” –sita ko habang nagpipigil ng tawa, si Supremo kasi mukhang tutubuan na ng angry vein sa ulo.
Bigla siyang nagkasa ng baril kaya napatahimik yung buong kwarto.
“totoo yan Supremo?” –Skye
Nakooo.
“gusto mo itry ko sayo?” nanlilisik ang matang nilingon niya si Skye.
Hahaha humirit pa kasi eh.
“Tosh, umpisahan mo na” –Kniven, habang hinihilot ang sintido niya.
“dahil Skull Head ang una nating makakalaban natin, ito yung mga members nila” sabay dikit ni Tosh ng mga pictures gamit ang push pin
“expertise: martial arts”
“kick boxing, karate, aikido, wing chun, ,jiu-jitsu, and judo. example lang yan ng mga alam nilang martial arts” singit ni Brayden habang naghahanap ng iba pang infos sa laptop niya.
“take note guys, pinupuntirya nila yung mga vital parts ng katawan ng tao para mas severe yung pinsala na makukuha ng kalaban nila”-Toshiro
“matindi pala yang mga yan ah” –Skye
“yup. Pwede kang matigok ng isang tira lang nila, ganun sila kalupit” Brayden
“anong plano mo Supremo?” –Me
“simple” matipid niyang sagot.
Nagsitinginan kaming lahat sa kanya para antayin yung sususnod na bibitiwan niyang salita.
“patayin silang lahat *smirk* “ sabay patong niya ng paa niya sa mesa.
