Chapter 1

11 0 0
                                    


Jem's POV

Omggggggg!!!! First day ng first year college ko. And Im so veryyy EXOited 😂😂😂 naligo agad ako pagkatapos umupo ako sa dresser ko para ayusan ang mukha ko. First day ko sa klase kaya dapat maayos ako no!

Naglagay lang ako ng BB cream, saka nature republic balm. Sinuklay ko ang buhok ko saka inayos konti ang bangs ko. Ngumiti naman ako ng natapos na ako.

"Kaya mo yan Jemaima, para kay mama, kay papa. Para kay Xiumin, kay Baekhyun, ayy pano na sina chanyeol? Ayyy Exo na nga lang. Hala, sina V pa pala! Naknang buhay naman to oh may BTS pa pala, mag Got7 ughh andami.". Napangiwi naman ako ng maalala isa pala akong, FANGIRL. KPOP FANGIRL!

To be specific, MULTIFANDOM. Alam niyo ba kung gano kahirap yon? Sobrang hirap pumili ng bias. Mas mahirap pa kesa sa math kainis.

"Jemaima! Bumaba kana diyan". Napabalikwas naman ako ng narinig kong sumigaw si Mama mula sa baba, kinuha ko naman ang bag ko saka tiningnan ulit sa salamin ang ayos ko saka na bumaba.


"Annyeong Eomma!". Bati ko kay mama sabay halik sa pisngi niya. Nakoo PURE PILIPINO ako ah, sadyang simula nung naging fangirl ako nakasanayan ko ng batiin si mama ng ganyan pero tinatawag ko pa naman din si mama at papa ng sa tradition natin.

"Nako ayan na naman yang mga korean na yan, diko naman maintindihan". Sagot naman ni mama sabay lagay ng pagkin sa plate ko.

"Ma naman eh ang Annyeong diba ay greeting yan like Hi, ang Eomma, Mama. Dapat kasi ma masanay kana alam mo namang after 10 years sa south korea na tayo titira diba?". Napatawa naman si Mama sa sinabi ko. Akala kasi niya, nila actually ni Papa na kalokohan lang yun.

"Hay nako ewan ko sayo kumain kana nga ng maihatid na kita". Tumawa naman ako saka kumain na ng biglang nag ring ang phone ni Mama.

Calling Papa.......

Bago pa makuha ni mama ang phone niya ay naunahan ko na siya.

"Yeoboseyo"^________^

[Jemaima!]

Napatawa naman ako kay papa. Si papa pala ay nasa abroad nasa Japan, pinalad kasi si papa na siya na ang mamahala nung company ng boss niya dito sa pilipinas.

"Joke lang Papsssyyy, kamusta kana diyan?"napatingin naman ako kay mama habang napagiggle ang cute kasi ng expression ni papa eh haha.

[okay lang. Ikaw Jemaima, first day mo ngayon kaya galingan mo ah. Umayos ka wag puro Kpop]

Napangiwi naman ako ng sabihin yun ni papa. Hindi naman sa against si Papa sa pagka fangirl ko gusto lang talaga niya na ipriority ko ang pag-aaral ko.

"Oo naman pa. Sus ako pa."napa good naman si papa saka na ako nag Iloveyou saka binigay kay mama ang phone niya saka ko pinagpatuloy ang pagkain ko.

Binaba na ni mama ang phone niya saka ngumiti. Asusss ano naman kaya ang pinag usapan nila ni Papa? Hahaha.

"Tara na Jema, baka malate kapa". Tumango naman ako saka kinuha ang bag ko saka sumakay sa kotse.


*****
Empire University.

Woaaahhh, pagkapasok palang ng car namin grabe ang ganda ng school nato. Well nasa private school naman ako nung HS pero iba to. Ang laki ng school.

Huminto ang kotse sa tapat ng gate patungo ng campus saka ko binuksan at nagpaalam kay mama.

"Galingan mo ah!". Nag thumbs up naman ako sabay takbo papasok sa loob.

Hinubad ko ang bag ko pa inspeksyunin ng guard saka na ako tuluyang pumasok.

"Woahh, daebak".nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang kabuuan ng school nato. Grabe ang laki talaga kung malaki sa labas mas malaki kapag nasa loob kana talaga! Di kaya ako maligaw dito?

Wait? Hanggang 14th floor to? Ayyy no worries may elevator naman pala. Wiw

Kinuha ko ang slip ko sa bag ko ng pagtingin ko sa harap ko may dumaang, KOREANO!!! Goshhhh spell NGA-NGA? Hahhaha pwe alam niyo na yun.

OMO! Nakakita ako ng Koreano and he's so damn hot like Oh Sehun! Diko pa tinatanggal ang tingin ko sa kanya kahit mukha na akong tanga ng makita ko ang medyo vintage siya na wall na may nakasabit na malaking clock.

7:45.

7:4--

Hala! 8am ang first class ko sht diko pa alam saan ang room ko! Ughhhh naman oh. Pero atleast nakita ko ang kamukha ni Sehun 😝

F408?

"Aigoo, san naman kaya tong room nato?"napakamot lang ako sa ulo ko habang tinitingnan ang bawat room na madaanan ko.

Tumitingala lang ako, naman eh kasalanan ko bang sa taas talaga nila nilagay ang room number? Tingin ng tingin lang ako sa taas ng may nakabangga ako.

"Ah ssibal". Napatabon naman ako sa bibig ko ng marealize anong nasabi ko.(fangirls over there alam niyo naman meaning niyan diba? Hahahah ✌🏻️ )

"Mwoeyo?"napatingin naman ako sa kanya na may gulat sa aking eyes, ang weird naman kung sa ilong diba? Haha

Pero weird, babae kasi siya pero mukha naman siyang pure pilipino. Pero ang accent kasi niya may pagka korean. Pero mukhang mabait naman.

"Ah eh, sorry , uhmm mianhaeyo". Nag bow pa ako sa kanya ng 90degrees baka koreana talaga to, pure di lang natin alam.

"Haha, nu kaba okay lang yun no. Bago ka dito no?"sabi naman niya sakin saka niya ako hinawakan sa kamay para tumigil na ako sa pag bow.

"Ah oo eh". Inayos ko namana ng bangs ko dahil sa pagbow ko kanina.

"Hulaan ko, fangirl?"haha napatawa naman ako saka tumango.

"Multifandom". Bigla naman siyang tumawa pero may poise padin siya.

"Nado".(me too). Bigla naman niyang hinawakan anga noo niya para punasana ng konting pawis ng makita kong 7:50 na ang oras.

"OMO, wait, alam mo ba kung asan ang F408? 8 kasi ang klase ko eh saka diko pa to kabisado". Bigla naman siyang napatigil sa pagtawa saka tumango.

"F means Fun building,4 is the floor and 08 is the room number since nasa 4th floor tayo ngayon pumunta ka nalang sa Fun building which is located sa harap nito". Tinuro naman niya ang right side namin and yeah may nakalagay na Fun B. Na caratola.

"Hanapin mo nalang ang room number 08".Ngumiti naman siya sakin ng matapos niyang sabihin yun.

"Aigoo, gomawoyo---"diko na natuloy ang pagsasalita ko ng sumabat naman siya.

"Hanna, 2nd year so you call me---"ako naman ang sumabat sa kaniya.

"Hanna, unni"nagtawanan naman kami saka na ako nag paala baka malate pa ako.


F408...

Yun!!!

Dahan-dahan ko namang binuksan ang door and, viola! Wala pang prof 😪😪 *sigh*

Naghanap agad ako ng upuan, woah ang dami pang vacant seats pero may pinili kong umupo sa may window second row.

Napatingin naman ako sa katabi ko naka nap lang siya sa upuan niya. Grabe first day of school natutulog. Sabagay college naman diba? Ahhaha. Diko namalayan tinitingnan ko na pala siya and take note mag napansin ako, mukha siyang si Hyungsik ng ze:a!

"Good morning class". Kasabay ng pagsalita ng prof namin na kadadating lang ay siya namang umayos siya ng upo at, I can't believe! My seatmate is a , k-korean! 😍😍


--------

Yiiiiieeee yan po ang first ud, sana magustuhan niyo ahhaha galing payan sa heart ko chos. Lul. Pero lahat ng feels natin mga fangirl anditowwww🙌🏻🙌🏻 hahaha
Vote|comment 👊🏻👍🏻

Before.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon