Chapter 3: Attacked!

7 0 0
                                    

Catherine's POV


▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

Catherine's POV


Matapos kumain ay pumunta na kami sa aming sunod na klase, habang nagtuturo ang guro namin, napansin ko na tulala si ate nat2x, hanggang sa iba pa naming subjects ay ganun pa din siya, simula nung ikwento niya sa akin yung na-encounter niyang mutant sa labas ng diciplinary office, siguro my tama na si ate dun, naku!,, masama yan, di pa naman niya alam ang itsura niya,, tsk tsk tsk.


By the way I am Catherine Velozo Garcia, young sister ng ate nat2x, actually 1 year lang ang gap namin pero nirerespeto ko pa din siya, hehehe, magkaklase din kami dahil sabi ni lola mas maganda kung sabay kaming gagraduate, sya nga pala di ko pa pala nasasabi ang kakayahan ko,,,,,


AHEM,,!! I have the ability to generate electricity all over my body, I can also summon thunder ang lightnings but I'm still practicing about that, sabi ni Lola namana ko daw ang kakayahan ko kay Papa, Ang ability naman ni ate Nat2x ay telekenisis, or yung sinasabi nilang MIND OVER MATTER, bihira lang daw ang magkaroon ng ganoong klase ng kapangyarihan, kaya rin niyang mabasa ang iniisip ng ibang tao, diba bongga!?


Natapos na ang boung klase namin para sa araw na ito, kaya nagdecide nadin kaming umuwi na lang ni ate, dahil medyo gabi na, mabuti na lang at bumalik na sa dati si ate, hindi na niya masyadong iniisip yung mutant daw na nakabunggo niya,.


Sa aming paglalakad ay nagkwekwentuhan lang kami, tawanan, asaran, at kung anu-ano pa, mga ilang minuto na lang ay makakauwi na kami ng biglang may humarang sa dinadaanan namin kaya napahinto kami, may lumitaw na mga nilalang na nagpaka-cloak at may mask ang kanilang mga mukha palapit sila ng palapit, tatakbo na sana kami kaya lang may humarang sa amin, mga 10 na sila at napapalibutan nila kami,,,,,,


"Sino kayo? At ano ang kailangan ninyo sa amin?" Tanong ni ate sa kanila, pero walang sumasagot sa kanila, patuloy lang sila sa paglapit sa kinaroroonan namin, "Catty, humanda ka, mukhang mapapalaban nanaman tayo nito", sabi no ate, tumango na lang ako, pero sa loob ko talagang sobrang kaba ang aking nararamdaman, parang may iba sa mga lalaking kaharap namin,....

Isa-isa na silang sumugod, nahawakan ako sa kamay ng isa sa kanila pero sinipa siya ni ate kaya nabitawan ako at natumba yung lalaki, sabay kaming sumugod ni ate, suntok dito suntok doon, sinuntok ni ate sa mukha yung isa at sinipa naman niya sa tagiliran yung isa pa, pareho lang din ang ginagawa ko,.


Pero isa lang ang napapansin ko, parang hindi sila tinatablan ng mga suntok namin, parang wala silang nararamdamang sakit, parehas kaming napaatras ni ate dahil pareho kaming nasipa at napasandal sa pader, walang ibang tao sa paligid dahil medyo patago ang kalye na dinaanan namin papunta sa school, habol hininga kami ni ate, dahil nauubos na ang lakas namin sa pakikipaglaban sa kanila.

"Ate, pano na yan? Hindi natin sila matatalo kung puro pisikal na pag atake lang ang gagawin natin" sabi ko kay ate habang hinahabol ko ang aking paghinga, "Alam ko yun, pero ang problema ko lang ay di ko pa kontrolado ang kapangyarihan ko, di gaya ng sayo" sabi niya na medyo hinihingal din.....


Sumugod na ulit yung mga lalaking nagpakamaskara, naghanda na kami ni ate, napaghiwalay kami ni ate siya dun sa kanan ako sa kaliwa, nasuntok ako sa aking mukha, kaya napaupo ako sa lupa, naramdaman ko ang pagdugo ng kabilang bahagi sa aking labi, tumayo agad ako at sinuntok yung lalaking nakasapak sa akin, nagulat ako na hindi manlang ito natinag o napaatras manlang, nakatayo lang nito kaya bigla akong napaatras,,,,,,,,,,anong klasing nilalang ang mga to?, tanong ko sa aking sarili, susugod na sana yung lima sa akin, napahawak nalang ako sa aking mukha para hindi masira ang aking beautiful face, hinihintay ko na lang ang paglanding ng kanilang mga kamao sa aking katawan.,,,

Pero wala akong naramdam na tumama sa akin, pagtingin ko nakalutang silang lahat sa ere, pagtingin ko kay ate ay nakatutok ang kanyang dalawang kamay sa limang nakalutang na lalaki at nagpupumiglas pa ang mga ito, nakahiga narin ang mga kalaban niya, malakas talaga si ate nat2x sabi ko sa aking sarili, nakita ko na dumudugo yung ilong niya, hudyat na nanghihina na siya at hindi na niya kaya pang gamitin ang kapangyarihan niya, ginamit niya ang bou niyang lakas at hinagis sa pader yung mga lalaki at napaluhod sa lupa, lalapit na ako sa kanya, nang may tumayo na nakamaskara sa kanyang likuran at may hawak na batuta para hampasin si ate sa likod na kasalukuyang nakaluhod pa rin sa lupa at nakayuko,.


"ATE SA LIKOD MO!", sabi ko habang patakbong palapit sa kanya, pero huli na hindi niya nagawang lumingon dahil na rin sa lakas ng pagkakapalo sa kanya kaya nawalan siya ng malay,.

"Ateeeee!!" Sigaw ko, tinutok ko ang isang palad ko sa lalaking pumalo sa kanya at nagpakawala ng malakas na boltahe ng kuryente, tumama iyon sa kanyang mukha at nasira ang sout nitong maskara pagkatapos ay natumba, agad aking lumapit ka ate an pinaharap sa akin.


"Ate? Ate! Gumising ka" tawag ko sa kanya habang niyuyugyug siya, hawak ng isang kamay ko ang batok niya at tila may nararamdaman akong maiinit na likidong dumadaloy doon, pagtingin ko, maraming nang dugo ang nagkalat sa likod niya dahil sa lakas ng pagkakapalo sa kanya, dala na din sa pagkabigla ay nabuhat ko siya, at papaalis na kami ng harangin kami ng 4 na nagpakamaskara, anak ng,! Hindi ba sila titigil?

Napaatras ako bigla pagtingin ko sa aking likuran nakatayo na rin ang iba pa nilang kasama, pati na yung natanggalan ng maskara, Nagitla ako sa pagharap nito sa akin, hindi ako makapaniwala sa aking nakikita ang itsura ng lalaki ay isang naaagnas na bangkay, ibig sabihin lahat sila ay katulad niya?, mas lalo akong napaatras  habang buhat si ate, hindi ko napansin na nakasandal na ako sa pader, nacorner na nila kami, ano na ang gagawin ko,?

"Wag kang mag-alala ate nandito pa ako, ako bahala sayo" sabi ko sa kanya at dahan-dahan ko siyang binaba at pinasandal sa pader, wala pa rin siyang malay, kailangan ko siyang madala sa ospital agad, pero paano?, hindi ko kakayaning matalo ang mga to...

Naghanda na ako sa kanilang pag-atake, pinadaloy ko na lahat ng kuryente sa aking katawan, patungo sa aking mga palad medyo kumikislap-kislap pa ito, isa-isa na silang sumugod tinapat ko sa kanila ang aking mga palad, isa-isa silang tinatamaan at tumatalbog.

Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa, pero nakakaramdam na ako ng pamamanhid sa parehong kong kamay, humihina na rin ang kuryenting tumatama sa kanila, wala na akong magagawa kailangan ko silang labanan ng mano-mano, bahala na si batman kailangan ki nang madala si ate sa ospital.

Ilang minuto na rin ang lumipas at sobrang pagod at hingal na hingal na ako sa pakikipagsuntukan sa mga bangkay na ito, hindi ko rin mabilang kung ilang beses na rin nila akong nasuntok, pero talagang hindi sila napapagod, hindi ko namalayan ang paghampas sa akin ng isa sa kanila sa aking likuran, napadapa ako sa lupa sa may paanan ni ate, biglang nanlabo ang aking paningin, pero may naaaninag pa rin ako kahit kunti, nakita kong malapit na sila sa amin, hindi ko na maigalaw ang aking katawan dahil na rin sa sobrang pagod at sa dami ng suntok na aking natamo, ano na ang gagawin ko?.


Nang hahawakan na ako nang isa sa kanila, biglang may umatake sa kanilang likuran, hindi ko makita kung babae ba o lalake, basta isa-isa niyang tinatanggal ang bawat ulo ng mga lalaking nakamaskara, kahit na nanghihina ay namangha ako sa nilalang na nagligtas sa amin, lumapit ito sa akin pero hindi ko pa rin makita ang mukha nito dahil may sout itong hood, naramdaman ko nalang na binuhat niya ako at pati na rin si ate.

"S-salamat" tanging nasabi ko bago ako tuluyang nawalan ng malay tao.

X-AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon