Nathalie's POV▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪
Nagising ako sa sakit na aking naramdaman sa aking batok, hinawakan ko ito at naramdaman kong nakabandage na ito agad kong liningon ang boung paligid nasa kwarto ako ni lola, huminga ako ng malalim, mabuti na lang at nasa bahay na kami ni catty, t-teka? Catty?asan si catty? Tumayo ako agad at papalapit na sana ng pinto, pero biglang sumakit ang batok ko,,.
"A-aray," yan ang nasabi ko, pagtingin ko sa aking hinigaan, nakita ko doon si catty na mahimbing na natutulog.
"Hay,, mabuti naman," sabi ko at biglang bumukas ang pinto at iniluwa dun si Lola..
"L-lola!" Mangiyak-ngiyak ko siyang niyakap, niyakap din ako ni lola at pinapatahan,.
"Ssshhhh, tama na andito na si lola, wag na iyak apo ko." Nakangiting sabi ni lola.
Tumigil na ako sa pag-iyak at kumawala sa kanya sabay ngiti,"Maraming salamat po Lola at tinulungan niyo kami, kasi po nawalan na po ako ng malay nun, kala ko may nangyaring masama na kay catty" sabi ko sa kanya,.
"Kaw talaga, diba sabi ko sa inyo nandito lang ako lagi para bantayan kayong dalawa" sabi niya na nakangiti pa rin.
Bigla namang napabalikwas ng bangon si catty at sumigaw, "Aaahhhh!, bitawan niyo ako aaahhh!" Sigaw niya, agad kaming lumapit ni lola sa kanya para pakalmahin, hinagod ko ang kanyang likod at niyakap naman siya ni lola,
"Tahan na cat2x, wala na sila" sabi ni lola habang yakap pa rin si catty, kumalma naman si catty at lumayo na sa pagkakayakap sa kanya ni lola,. At tiningnan ang boung paligid bago nagsalita.
"Lola? Asan na yung lalaking nagligtas sa amin?" Biglang tanong ni catty.
Kumunot naman ang noo ko at tinanong siya "Ano bang sinasabi mo na lalaki ang tumulong sa atin, si lola lang naman ang kasama natin dito sa bahay ah" sabi ko sa kanya, dahil pati ako ay naguluhan sa sinabi niya,
Nagsalita na si lola "Alam mo cat2x, baka namalikmata ka lang, magpahinga ka na lang ulit" sabi niya.
"Ou nga, baka epekto lang yan ng pagkakabugbog sayo" sabat ko naman.
"P-pero nakita ko talaga na lalaki ang nagligtas sa atin, nakahood pa nga siya nun yung kaparehas ng kay lo-----" naputol ang sinasabi niya at tiningnan ang sout ni lola, at nanlaki ang mga mata niya.
"Lola? Ikaw ang nagligtas sa amin?" Takang tanong ni catty, "pero paano, iba yung nakita ko eh" sabi niya
Napatingin na rin ako kay lola, dahil ako ay naguguluhan na din sa nangyayari, kung hindi si lola ang nagligtas sa amin sino?, Nakita kong bumuntong hininga si lola at tumayo sa paanan ng kanyang kama..
"Ako nga ang nagligtas sa inyo" sabi niya
"Sabi ko sayo eh" sabi ko sabay batok sa kanya ng mahina.
"Aray ko teh! ano ba sugat ko oh!," sabi niya na may pagkairita.,, "pero lola pano po nangyari yun" pahabol niyang tanong
"Alam kong hindi niyo pa alam ang kakayahan ko, kaya ipapakita ko nalang sa inyo" umatras si lola ng kaunti at nagsimula niyang igalaw ang kayang ulo sa kaliwa at kanan,
(0.0)
(0.0)
At tumambad sa amin ang isang halimaw na kulay yellow ang mga mata, matatalim na mga pangil, at mahahabang mga kuko at tenga, kaunting buhok at balahibo, pareho kaming nagulat ni catty sa aming nakita, at sabay din kaming sumigaw
BINABASA MO ANG
X-Academy
FantasySimple at isang masayang pamilya ang pinapangrap ni Nathalie, pero alam niyang malabo itong mangyari dahil na rin sa iba ang kanilang pamilya sa mga taong kanilang nakakasalamuha,.. At mas lalo pang naging magulo ang lahat ng ito sa pagkawala ng kan...