This chapter is dedicated to lovelyangeljselle29 maraming salamat!
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Nathalie's POV
Nagising ako ng maaga para ihanda ang aking sarili sa aming pag-alis,agad akong pumasok sa banyo at naligo nag-ayos ng ibang gamit nagpaganda para naman di nakakahiya, pagkatapos ko sa lahat gawin ang mga dapat kong gawin ay lumabas na ako na aking kwarto at pumunta sa sala, nadatnan ko si catty at lola na nakaupo sa sala, himala nauna pang magising si catty kaysa sa akin, pumunta na ako sa kanila.
"Good Morning!" bati ko sa kanilang dalawa, lumingon sila sa akin at ngumiti.
"Good Morning din apo" sabi ni Lola, "Handa na ba lahat ng mga gamit mo?" tanong nito sa akin.
"Opo, kagabi pa po La" masigla kong sabi sa kanya.
"Okay sige, kumain kana at maya-maya ay aalis na din tayo"sabiilola sa akin
"Sige po," agad na akong pumunta sa kusina para kumain, nakahanda na lahat siguro katatapos lang nila, umopo na ako at nagsimulang kumain, habang kumakain ako ay lumapit si catty at umupo sa aking tabi,.
"Ate, ano sa tingin mo? maganda kaya yung school na lilipatan natin?" tanong niya sa akin habang nilalaro niya yung maliit na bolang gawa sa goma, alam kong kinakabahan siya dahil ginagawa niya lang yan pagsobrang kaba ang nadarama niya.
"Ano ka ba, wag kang matakot o kabahan diyan, andoon naman ako eh, and besides naroon din ang tita natin na sinasabi ni lola, kaya wala kanang dapat ipag-alala" sabi ko sa kanya para naman kumalma siya,,
Nakita kosiyang huminga ng malalim bago magsalita,,"Siguro nga tama ka te, napaparanoid lang siguro ako sa nangyari sa atin" sabi niya
"Sabi nga ni lola, wala tayong dapat problemahin dahil siguradong ligtas daw tayo dun" sabi ko sa kanya, pero maski ako ay kinakabahan din, parang hindi magiging madali ang lahat sa aming magkapatid sa lugar na iyon.
Pagkatapos kong kumain ay linigpit ko na ito at nagtungo na kami ni catty sa sala para puntahan si lola,,
BINABASA MO ANG
X-Academy
FantasySimple at isang masayang pamilya ang pinapangrap ni Nathalie, pero alam niyang malabo itong mangyari dahil na rin sa iba ang kanilang pamilya sa mga taong kanilang nakakasalamuha,.. At mas lalo pang naging magulo ang lahat ng ito sa pagkawala ng kan...