"Ano ang nangyayari sa akin? wala akong makita, asan ako? Tulong!, tulungan niyo ako!"
Catherine's POV
Nahihirapan pa rin akong makahinga dahil sakal-sakal pa rin ako ni tita anna, ano ba ang problema niya? wala akong alam na ginawang masama namin para gawin niya sa amin ito.
"AHHH! Tama na!!!!" sigaw ni ate nathalie,.
Tinignan ko siya at nakita ko siyang nakatayo at nakatingin sa taas, pero mas nagulat ako ng tumingin ito sa amin, kulay puti at nagliliwanag ang kanyang mga mata naglalakad siya palapit sa amin sa kanyang bawat hakbang kumakalat ang kulay puting liwanag sa kanyang boung mukha patungo sa kanyang leeg, braso at mga binti hanggang sa nabalot na siya ng puting liwanag, nabitawan ako ni tita anna dahil na rin sa nakita niyang pagbabago kay ate nathalie.
"Paano nangyari ito?" sabi ni tita anna na halatang gulat na gulat sa nasaksihan
Nakalapit si ate nathalie sa kanya pagkatapos ay sinakal niya ito at inangat sa ere, nagpumiglas si tita anna pero hindi niya ito magawang makawala sa pagkakasakal nito , hinagis siya ni ate at tumilapon ito sa sa malayo at bumangga ito sa malalaking bato, tinignan ko si ate ginalaw niya ng kanyang ulo kagaya ng ginawa ni lola, bigla siyang nagliwanag, tinakpan ko ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag nito, ng mawala ang liwanag at muli kong dinilat ang aking mga mata at tinignan si ate pero iba na ang kanyang anyo niya nagmistulang mga pakpak ang kanyang mga kamay malaki ang mga ito, kasing puti ito ng mga ulap at kumikinang, mahaba ang kanyang puting buhok na umabot hanggang sa kanyang talampakan, lumingon ito sa akin, nagitla ako sa aking nakita, medyo humaba ang kanyang tenga kulay puti ang bou niyang mukha ang kanyang ilong at tikom ang kanyang bibig, pero,,.........pero WALA SIYANG MGA MATA! natakpan ko ang aking bibig ng parehong kong kamay at napaatras ng kaunti, bakit?....bakit ganyan ang itsura niya?
Nakatayo na sa pagkakadapa si tita anna, at alam kong nasaktan siya sa ginawa ni ate sa kanya, liningon siya ni ate at pinagaspas ang kanyang mga pakpak, lumipad siya patungo kay tita anna,,
"Kahit nagawa mong magpalit ng anyo hindi mo pa rin ako matatalo!!"sabi ni tita anna pagkatapos ay lumipad din siya at sinalubong si ate, sobrang bilis nilang dalawa, hindi ko sila makita ng maayos,,,,di nagtagal ay may bumagsak sa isang sulok pagtingin ko ay si tita anna pala at pinipilit nito na makatayo, siate naman ay nananatiling nakalipad sa ere, tumayo ng matuwid si tita at tinapat ang dalawang kamay kay ate lumabas dun ang isang bilog na usok mas malaki ito sa una niyang binato sa amin, binato niya ito kay ate paniguradong masasaktan si ate pagnataaman siya nito..
"Ate!! umilag ka!!" sigaw ko sa kanya pero nananatili lang itong nakalipad sa ere, tumama ang bilog na usok sa kanya at naglikha ng isang malakas na pagsabog.
"ATE!!!!"
Nakatayo ako sa gulat at pupunta na sa kinaroroonan ni ate pero hindi siya bumagsak, nananatili pa rin siyang nakalipad sa ere, pagtingala ko ay nakapaloob siya sa kanyang mga pakpak hindi siya nagalusan man lang..
"I-imposible! dapat ay b-bumagsak kana!" gulat nasabi ni tita anna
Bumukas ng malapad ang mga pakpak ni ate at pagkatapos ay pinagaspas niya ang kanyang mga pakpak at tinapat niya ito kay tita anna sa bawat pagaspas ng kanyang mga pakpak lumalabas ang mga malalapad na balahibong matutulis at kumikinang na parang mga patalim papunta kay tita anna, pero nakailag ito, sinugod ni ate si tita anna biglang kumapal ang mga pakpak nito na parang mga katana, ito ang ginagamit niya sa pag-atake kay tita, sa bawat tatamaan ng mga pakpak nito ay nahahati, sobrang talim ng mga pakpak niya at sobrang tibay din nahihirapan na din si tita sa pag-ilag sa mga ito, bumalik ang dating itsura ng mga pakpak ni ate at lumipad ito, pinagaspas nito ang kanyang mga pakpak patungo kay tita anna sa pagkakataong ito tinamaan niya si tita anna sa kanyang mga kamay, paa, hita at mga pakpak.
BINABASA MO ANG
X-Academy
FantasySimple at isang masayang pamilya ang pinapangrap ni Nathalie, pero alam niyang malabo itong mangyari dahil na rin sa iba ang kanilang pamilya sa mga taong kanilang nakakasalamuha,.. At mas lalo pang naging magulo ang lahat ng ito sa pagkawala ng kan...