Simula

10 1 0
                                    

I look at the crowded people hoping to see my friends. Nakita ko naman agad si Tiffany. She was waving at me.

"Ito na ang Miss half day" asar ni March saakin. Inirapan ko ito saka umupo sa tabi ni Tiffany.

"Pumasok ka pa talaga. May mass mamaya" biglaang sabi ni Kristen.

"May attendance?" tanong naman ni Gail.

"Meron ata" sabi ni Tiffany.  

"Aattend ba tayo?" tanong ko naman kaya napatingin sila saakin. "Hindi ka na nga pumasok kanina tapos balak mo na naman mag cutting" biglang sabi ni Tiffany.

Napahalakhak si March sa sinabi ni Tiffany kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Aattend tayo. Mag bagong buhay ka naman, Max" pabirong sabi ni Gail.

Wala na ako nagawa kaya naman tumingin na lang ako sa mga taong dumadaan. Karamihan ay college students ang andito dahil building naman talaga ito ng mga college. Kaming senior high ay nakikihati lamang sakanila.

"Hunting gaming ka ah" biglang sabi ni Kristen saakin na nasa tabi ko na pala. "Ikaw ang magaling dyan, 'wag mo akong idamay"

Nagpalipas pa kami ilang oras bago nag umpisa na ang mass. It is a university mass kaya kahit college ay kailangan mag attend.

Malaki naman ang aming dome pero dahil kasama ang college students ang iba ay naisipan na lang sa labas pumirmi dahil mainit sa loob.

"Mukhang puno na sa loob ah. Mainit pa" komento ni March habang tumitingkayad upang tingnan ang entrance.

"Chat mo na lang si pres. Sabihin mo dito na lang tayo sa labas" utos ni Gail kay Kristen kaya naman kinuha nito ang phone at nag simula na mag type.

"Tangina ang init" sabi ko at pinaypayan ang sarili gamit ang notebook na hawak ko. "Bibig mo, Max. Magmimisa." suway ni Tiffany.

Napagpasyahan namin na sa gilid mag pwesto kung saan malapit sa railings. Sumandal ako sa railings habang pinaypayan ang sarili. I roamed my eyes around the college students na nasa labas din. Madali lang naman malaman ang mga department nila dahil sa kulay ng id cord nila.

As my eyes roaming around, napatingin ako sa isang matangkad na lalake na nasa kabilang side namin. He was busy on his phone.

Hindi ito nakauniporme siguro ay dahil wash day ngayon ng college students. He's wearing a white polo shirt. His medium length hair become messy because of the sudden wind. Nakayuko ito kaya hindi ko makita ang mukha. Maya maya ay umangat ito ng tingin. All I can see is high nose and perfect jawline.

Napaayos ako bigla ng tayo dahil bigla itong tumingin sa gawi namin. And there I saw his face. His thick eyebrows and his cold eyes. Maputi rin ito kaya naaninag ko na medyo namumula ang pisngi nito dahil ata sa init. He looks like a younger version of Greek gods that I've read.

Lumipat agad ang tingin nito sa kanyang phone. I was disappointed, I want to stare at him more.

"Hoy, mukhang iba na ang sinasamba mo ah" biglang sabi ni Kristen kaya napatingin ako sakanya.

"Ingay mo, Kristen" sabi ko na lang at sumulyap muli sa gawi niya pero hindi na ito umangat ng tingin.

Lumipas ang ilang araw at hindi ko na ito muling nakita. I always search for him in the crowd but I can't see him anymore.

Kumakain kami ngayon sa canteen ng premed department. Masasarap kasi ulam dito. Pakainom ko sa tubig ay siya naman pagdaan ng lalakeng matagal na bumabagabag sa buong sistema ko at dahil dun hindi sinasadyang mabuga ko ang tubig.

"Tangina mo, Max. Ang dugyot" mura saakin ni March dahil nabugahan ko ito ng kaunting tubig.

"Uy, si pogi" sabi bigla ni Kristen kaya naman napaharap sila March sa tinitingnan ni Kristen.

"Alin dyan?" tanong naman ni Gail. "Bulag ka ba? Yung gwapo nga. Yung matangkad na maputi na mabango" halos gusto kong ipakain kay Kristen ang buong saging na hawak nito.

"Ah yan. Gago. AE department ah. Akala ko ba never ka magkakagusto kahit sinuman dito sa university natin" pang aasar ni March saakin.

Umiwas ako ng tingin. I remember that. Simula kasi highschool ay wala akong naging crush sa university na ito. Alam nila iyon at sinabi ko pang hinding hindi ako magkakagusto sa taong nandito sa university.

"Hindi ko yan gusto noh. Pass sa same university" sabi ko at pinagkrus ang braso. Tila hindi naniniwala ang kanilang itsura.

"AE department nga" kumpirmadong sabi ni Tiffany. Nakasuot kasi ang lalake ng red id cord.

"Malabong mapansin ka niyan. Mukhang suplado at marami kang kaagaw" sabi ni Gail habang sinusundan ng tingin ang lalake. Tiningnan ko naman ang ibang estudyante at ang iilan sa babae ay napapatingin sakanya sa tuwing dumadaan siya sa gawi nila.

"Mapapansin niyan ako" matapang na sabi ko habang sinusundan ng tingin ang lalake. Naramdaman ko naman na napatingin sila saakin.

"Weh? Hindi mo nga alam ang pangalan" sabi ni Kristen.

"Trust me" ngisi ko sakanila. Hindi ko alam saan ko nakuha ang confidence na ito.

"Hindi mo kaya" biglaang hamon ni Gail. "Kaya ko" sabi ko pa sakanila.

"Sige nga kung kaya mo dapat mapansin ka niyan ah. Saka sabi mo hindi mo gusto kaya dapat hindi ka mahulog" sabi ni Kristen. "Libre mo kami tapsilog pag talo ka" sabi ni Tiffany at sumang ayon naman sila March at Gail.

"G, pusta ko LV bag ni March pag nanalo ka" sabi ni Gail kaya naman siniko siya ni March. Napatawa ako sa sinabi nito "Dior bag ni March gusto ko eh" pang aasar ko. Inirapan naman ako ni March "Okay, if you win..." ngisi ni March saakin. Okay, I don't like this.

"Joke lang pala" back out ko sa sinabi ni March. Umiling naman ito. "Touch move, Max"

Pagkauwi ko sa bahay ay binuksan ko agad ang laptop ko. AE department. I search it on the Facebook. Naghanap ako ng mga taong nasa AE department. I know some pero hindi ko naman mga close ito. I'm just familiar with their faces.

Nakita ko naman ang isa sa sikat na basketball player sa school namin. He's an engineering student. Luckily hindi nakaprivate ang friendlist niya. Fucking 5,000 friends. Ano isa isahin ko ito?

Wala naman masama sumubok. From the top. I viewed all of their profile. Medyo nawawalan na ako pag asa dahil nasa letter P na ako at mukhang wala siya rito sa friendlist nito.

"Ayoko na, last na 'to" bulong ko sa sarili pero ganon na lang gulat ko dahil sakto pagbaba ko ay nakita ko ang isang pangalan. Madalian ko itong chineck and there I saw his profile. She's with a girl? Nakaprivate ang picture kaya wala kang makikitang reaction o comment man lang.

May girlfriend? Maganda ito. She looks like an angel. I check his photos pero wala na tanging profile lang. Wala rin siyang cover photo.

"Ridge Roux Torralvo..." I read his name again.

Mukhang manlilibre ako ng tapsilog ah.

Glimpse of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon