Kabanata 2

1 1 0
                                    

"Tangina mo, Maxine" mura saakin ni Gail samantalang sila Kristen ay tawa nang tawa.

Kwinento ko sakanila ang nangyari kanina. Ayoko na siya makaharap. I accept my defeat. Manlilibre na lang ako ng tapsilog kahit rentahan ko pa yung kakainan namin para lang hindi na makita si Ridge.

"Sabihan ko nga leader namin na may gusto rito mag solo ng research" sabi ni Kristen kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.

"Pero atleast may napala ka. No girlfriend naman pala eh. Galaw galaw, Maxine" sabi ni March.

"Kung wala siyang girlfriend, sino yung babae sa profile niya?" tanong ni Tiffany.

"Baka pinsan? Kapatid?" sabi ni Kristen. Tumango naman si Gail "Baka nga"

Sakto at lunch break na namin. Sa premed canteen ulit kami kumain. Marami rami na ang tao buti at may isa pang table na available.

Kami ni Tiffany ang umupo para hindi maagawan ng upuan samantalang sila Kristen ay nag order na.

"Tiffany!"

Napalingon naman ako sa tumawag kay Tiffany.

"Kaiser"

Lumapit naman ito saamin. Kaiser is also quite famous in school. May itsura rin kasi ito. He won the Mr. Intrams last year. He is also the president of two organization in the university.

"Hi, Max" bati nito saakin. Tinanguan ko naman ito.

"Ngayon lang kita nakita rito ah" sabi ni Tiffany. "Busy eh" sabi nito.

Sakto at dumating naman sila Kristen na dala dala na ang aming pagkain.

"Hello Mr. Intrams" bati ni Gail kay Kaiser. Agad naman ngumisi si Kaiser "Shut up, Miss Best in Math" agad naman siyang hinampas ni Gail.

"Max, kita namin si Ridge nakapila dun oh" sabi ni Kristen.

"Ridge?" biglang sabat ni Kaiser. "Wow, sumasapaw Kai. Oo, ayun oh" sabi naman ni Kristen at tinuro nito kung nasaan si Ridge.

I saw him standing tall while waiting for his turn. His attention is on his phone again. The girls at the back are giggling.

"Ah, Ridge Torralvo" sambit ni Kaiser kaya naman napatingin kami sakanya.

"Kilala mo ang crush ni Max?" tanong ni March. "Anong crush?!" histerikal na sabi ko.

"Crush mo pala 'yun. Mukhang hindi na ako ang pinakagwapo rito ah" sabi ni Kaiser sabay hawak pa sa kanyang puso.

"Maghunos dili ka nga Kai" pambabara ni Kristen. "Whatever, Kristen. Runway model yan si Torralvo" biglang sabi ni Kai.

"Weh? Same kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Tiffany. "Oo, same manager namin. Kakalipat niya lang ngayong sem" sabi nito.

Napatango naman kami. So, he is a model. Well, he really fits to be a model.

"Oh, baka mainlove ka masyado" pang aasar ni Kaiser saakin. Akmang hahampasin ko na sana pero bigla itong tumayo.

"Aalis na ako. Magkakapasa ako sainyo eh. Anyways, punta kayo sa birthday ko sa sabado ha. See you" sabay takbo nito.

"Model pala. Kung ako sayo babakuran ko na 'yan" suhesyon ni Kristen. "Totoo. Marami pala siyang nakakasalamuhang babae" dagdag pa ni March.

Iniisip ko pa lang na may kasama siyang babae ay tila naiinis na ako. Hinarap ko agad siya at nakita kong nakaupo na ito sa isang mesa. Wala itong kasama at halos na dumadaan sa table niya ay napapatingin.

Nakalimutan ko, I should be hiding right now. Nakakahiya ang ginawa ko pero buti na lang talaga at wala siyang pakialam sa paligid niya.

Tumayo naman ako. Kita ko ang pagtataka sa mukha ng mga kaibigan ko. Alam kong nakakahiya ginawa ko kahapon pero bahala na. Dala ang pagkain ay umupo agad ako upuan na nasa harap ni Ridge.

Napatigil naman ito sa pagkain at umangat ng tingin. "Hi. Can I sit here?" I asked. Tumaas naman ang kilay nito. "You are already sitting" napasimangot naman ako. "Sungit" I whispered. Napatingin naman ako sa kaibigan ko at nakita kong nagtatawanan ang mga ito. I glared at them.

Naunang natapos si Ridge. Akala ko ay aalis na ito pero nanatili pa ito hanggang sa matapos ako at saka lang ito tumayo at iniwan ako. At least may kaunting respeto naman siya pinatapos muna ako.

Inasar pa ako nila Kristen dahil sa ginawa ko. Sabi pa nga nila ay may improvement daw ako.

Sa mga sumunod na araw ay lagi akong kumakain sa table ni Ridge at mukha naman nasasanay na siya kahit sa kadaldalan ko.

Biyernes ngayon. Excuse si Kristen at Gail ngayon dahil kasali ito sa Math and Science competition habang si March ay nasa klase niya at si Tiffany ay tinawag ng kagrupo niya sa research.

Wala ang prof namin binigyan lang kami nito ng isang gawain. Dala ang notebook nandito na ako ngayon sa gazebo ng school. Gusto ko rito gumawa dahil bukod sa mahangin ay tahimik pa. Papasok na sana ko pero nakita ko si Ridge na abala sa kanyang sketchpad.

Akmang tatalikod na sana ako pero huli na dahil nakita niya na ako.

The afternoon sunlight hits his skin. He squinted his eyes as he look at me.

"Akala ko walang tao. Pasensya sa istorbo" sabi ko at umatras.

"Where's the questionnaire you're talking about?" he asked me. Nakita kong sinarado nito ang sketchpad niya. He lazily rested his back on the cement chair.

"Yun ba... Ano wala pa binibigay yung leader eh" sabi ko. Rinig ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko. Mukhang hindi na ito maganda.

Bumagsak naman ang tingin niya sa notebook na dala ko.

"Dito sana ako gagawa nung activity kaso andito ka pero kung gusto mo ako maki upo ayos lang din saakin" nakangiti kong sabi. Ang kapal ng mukha ko pero ito lang chance para mas lalo akong maging close sakanya.

"You can do it here" maikling sabi nito kaya naman napaharap ako.

"Talaga?" tanong ko para sigurado pero wala na ako nakuhang sagot. I notice his the first button of his uniform was unbutton. Naiinitan siguro at mukhang t-shirt pa ang panloob niya.

Dahan dahan ay pumasok na ako. Medyo malayo ako sakanya. Binuksan ko ang notebook.

Kalma, Maxine. Ang laki na nga nung distansya namin pero ganito pa rin kalakas ang tibok ng puso ko.

Binasa ko agad ang unang tanong na pinapagawa ni Sir. Napapikit ako nung mapagtanto ko na hindi ko dala ang cellphone ko.

Tumingin ako kay Ridge at nakita kong nakapikit ito habang nakaupo. Nakapangkrus ang braso nito. His biceps is distracting me. Agad akong nag iwas ng tingin doon.

Tangina, halatang hindi mapapasaakin. Iniling ko ang ulo ko. Nakita ko naman ang kanyang phone na nakalagay sa mesa.

Tumikhim ako pero hindi nito narinig. I tried to fake cough loudly pero wala pa rin. Napagbuntong hininga ako at tiningnan ang tanong. Kung babalik ako sa classroom kaunti na lang oras ko. Ipapasa pa 'to sa president namin.

Paglingon ko ulit sakanya nakita kong gising na ito. I smiled lightly at him. Halatang may kailangan ako.

"Can I borrow your phone? Madali lang promise. Hindi ko dala kasi phone ko, kailangan ko mag research" I said pero tulad ng dati ay wala akong nakuhang sagot.

I pouted as I look away. Siguro late na lang ako magpapasa. Ganon na lang ang gulat ko dahil bigla nitong nilapit saakin ang phone niya.

Nasa Google na ito kaya madali na para saakin mag search. Tumingin naman ako sakanya at nakita kong pumikit na lang ulit ito.

I smiled. Mabuting tao naman pala. Sinong mag aakala na hawak ko na ang kanyang phone.

Mabilis ang pagtipa ko at kinopya agad ang nakasulat. Maya maya ay natapos din ako. Hindi ko naman ito makausap dahil mukhang nagpapahinga siya.

Ibabalik ko na sana ang phone niya kaso biglang lumabas ang notif. May nag text sakanya. Ate ang nakalagay dito.

"Uhm. Thank you pala" sabi ko sabay balik ng phone. Minulat naman nito ang kanyang mata at tumango lang.

"Maxine Misaki!" rinig kong sigaw ng kaklase ko. Napatingin naman ako dun at yun ang isa kong kagrupo sa research.

"Alis na ako. Thank you, Ridge. Bye" ngumiti pa ako sakanya at kumaway. Pagkalabas ko sa gazebo ay hindi ko na siya nilingon dahil hindi ko na rin kaya ang bilis ng tibok ng puso ko.

Glimpse of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon