Ang yabang yabang ko pa para sabihin na mapapansin ako. May girlfriend pala ang tao. Wala akong laban dun. Siyempre ayoko naman maging kabet.
"Anong nangyari sayo?" tanong ni Kristen na kararating lang.
"Saan niyo gusto mag tapsilog?" tanong ko kay Kristen.
"Anong tapsilog itong naririnig ko?" biglaang sabi ni Gail na kararating lang kasama si Tiffany.
Magkaklase kami at tanging si March lang ang wala dahil arts and design ang strand nito samantalang kami ay stem ang strand kung kaya magkaklase kami.
"Sabi ko saan niyo gusto?" ulit ko. Pinagkrus naman ni Gail ang kanyang braso. "Parang kahapon lang ah sabi mo mapapansin ka niya"
"I take it back" sabi ko at sinubsob ang mukha sa arm chair.
"May girlfriend yung tao. Ayoko maging kabet" dagdag ko at narinig ko pa ang pagsinghap ni Tiffany.
"Atras na tayo dyan, may girlfriend pala eh. Bale sa Go Tapsi na lang tayo kumain" sabi ni Kristen.
"Anong girlfriend? Paano mo nasabi?" kyuryusong tanong ni Gail at umupo sa tabi ko.
Inangat ko ang tingin ko sakanya. "I know his name already. Profile picture niya silang dalawa ng babae niya"
"Bongga. FBI ang gaga" komento ni Kristen kaya naman napatawa si Tiffany.
"Shut up, Kristen"
"Tingin nga" sabi ni Gail. Kinuha ko naman ang phone ko and I started typing his name. My hands seems so familiar with his name.
"Ridge Roux Torralvo" banggit ni Gail. Lumapit naman ang dalawa at tiningnan ang phone ko.
"Ay, maganda. Wala ka talagang laban. Back out na" sabi ni Kristen.
"So, ibig mong sabihin hindi ako maganda?" naiinis na tanong ko. "Wala akong sinabi, ikaw na nagsabi niyan" natatawang sabi ni Kristen. Inirapan ko ito.
"Mukhang 'di naman girlfriend" sabi ni Gail at inabot saakin pabalik ang phone ko. Napabuntong hininga na lang ako.
What if hindi nga girlfriend?
"Alam mo para alam natin, bakit hindi mo na lang siya tanungin" suhesyon ni Tiffany. "Feeling close ganon"
Nasa library na kami ngayon para saaming research. Kasama ko si Kristen dahil kagrupo ko ito.
Wala sa sariling binabasa ko ang mga librong nilagay ng leader namin. May ambag naman ako rito pero pinapahanap pa kami nito ng iba pang references.
Pinaglaruan ko ang ballpen at sinuyod ang mga taong nasa library. Main library ito kaya naman may mga college students din.
Napabaling naman ako sa pinto dahil bumukas ito at iniluwa nito si Ridge. He was wearing now the school uniform. He looks so clean and fresh.
Napaayos ako sa pagkakaupo. Sinundan ng mata ko ang bawat galaw niya. Pumunta ito sa mga bookshelf.
"References ang pinapahanap hindi si Ridge" bulong ni Kristen saakin. Binalik ko na lang ang tingin sa libro at pinilit maghanap pero tila may hinahanap ang mata ko. Agad ko siyang nakita na nakaupo na malapit sa bintana.
I think tama si Tiffany. Tanungin ko kaya. Dahan dahan ay tumayo ako. Bitbit ang folder na may laman ng research draft namin at isang libro. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Kristen.
"Subukan kong maghanap ng iba pang references" paalam ko at tumayo na. Sakto at madadaanan ko ang kanyang pwesto.
I could hear my heart beating so fast lalo na malapit na ako sa pwesto niya. Pagkalagpas ko ay saka ko lang namalayan na pinipigilan ko pala ang paghinga ko.
Binalik ko ang libro at basta basta na lang kumuha ng kung anong libro.
This is it, Maxine. Malalim ang paghinga ko habang papalapit sakanya. Tumayo ako sa harap ng mesa niya. Busy lang ito sa kung anong binabasa kung kaya tumikhim ako para mapansin niya.
Hindi naman ako nabigo at nag angat ito ng tingin. I see his hazel brown eyes looking at me. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"I-uhm... Hi, we are doing a research kasi uhm about the perceived stress in...college students?" tila hindi pa ako sigurado sa sinasabi ko.
He stared at me intently na para bang tinitingnan kung totoo ba ang sinasabi ko.
"What is it?" he said in his low tone voice.
Agad ko naman binuksan ang folder na hawak ko. I'm not even prepared on this. Sakto at may isang bond paper ang andun.
"I-i'll just ask you some questions if it is okay with you?"
Hindi ito sumagot. Silence means yes. Bahala na. Umupo ako sa upuan na nasa harap niya. The table is the only thing between us and even just sitting in front of him makes my heart beat faster.
"Name?" I asked him kahit alam ko na ito. Nakatingin lang ako sa blanko na papel. Alam ko na nagtataka na ito dahil sinong matinong estudyante ang magsesurvey na blanko.
Hindi ito sumagot kaya naman umangat ako ng tingin. I heaved a sighed. This is an embrassment. I'm not on my right state of mind.
Akmang isasarado ko na ang folder nang bigla itong nagsalita. "Ridge"
Medyo nag loading pa ako pero agad din nakabawi. I write his name on the paper.
"Age and course?" I asked him. Nakita ko kung paano nito paikutin ang ballpen sa kanyang mga daliri.
"21. Architecture"
Ang iksi naman nito sumagot. Nahagip ko sa likuran ni Ridge si Kristen na nakatingin saakin.
"What?" I mouthed it to her.
"Come back here" that's what I've read in her mouth.
Bumalik ang tingin ko kay Ridge na nakatingin din pala saakin at nakapangkrus ang braso. Agad akong pinamulahan. Siguro iniisip nitong baliw ako.
Nakataas ang isa nitong kilay at akmang titingin sana sa likod niya pero inunahan ko na ito.
"Do you have a girlfriend?" wala sa sariling tanong ko.
I muttered a silent curse inside my head. Why did it even slipped in my mouth.
Ito ang sinasabi nilang sana kainin na lang ako ng lupa.
Tiningnan ko naman agad ang kanyang itsura. I see no reaction at all. Tila hindi man lang ito nagulat sa tanong ko.
"Ha, I mean...uhm you know... Since our topic is perceived stress in college students baka kasi ano yung girlfriend mo isa rin sa factor bakit ka naiistress" palusot ko at pilit na tumawa.
My friends will laugh at me pag nalaman nila ang katangahan kong ito.
I don't expect him to answer my question dahil hindi naman talaga appropriate yun. Sinarado ko ang folder.
"Uhm...Kulang pa pala ang questionnaire na andito. Balikan na lang kita pag meron na. Sige, una na ako" sabi ko at tumayo na.
Paalis na sana ako pero natigilan ako sa sinabi nito.
"I don't have a girlfriend"