Kabanata 5

3 1 0
                                    

Another day. Another moment with Ridge. Nakangiting pumunta ako sa school. I can still remember his sweet gesture yesterday.

Nasa canteen na sila Kristen at hinihintay na ako. Pag upo ko ay agad ko silang binati.

"Good morning!"

"Nag milo ka ba? Tanginang energy mo 'yan" sabi ni Kristen na tila kulang sa tulog dahil kitang kita ang kanyang eyebags.

"Coffee?" tanong bigla ni Kaiser na kararating lang at may bitbit na starbucks.

"Saamin ba 'yan?" tanong ko sakanya dahil anim na starbucks ang hawak nito.

"Oo, inutusan ako ni Tiffany" sabi nito at nilapag na ang kape. Agad ko naman kinuha ang isa. Umupo naman si Kaiser sa tabi ko dahil ito na lang ang natitirang bakante.

"Mukhang mas madami pa ang estudyante dito sa canteen kesa sa classroom" sabi ni Kaiser habang nakatingin sa mga estudyante.

Tiningnan ko rin ang mga estudyante at saktong nakita ko naman si Ridge pero may kasama ito na prof.

"Si Ridge oh" sabi ni March kaya naman nakatingin din ang iba kong kaibigan.

"Favorite niya rin kumain dito noh?" sabi ni Tiffany. "Favorite naman talaga dahil bukod sa masarap ang pagkain, nandito rin ang crush niya na medtech" sabat ni Kaiser habang sumisim ng kape. Pansin ko naman ang pagsiko sakanya ni Tiffany.

Medtech? So, meron siyang gusto kaya ba lagi siya rito kumakain? Ngayon ko lang din narealize na malayo nga ang AE department dito sa premed department pero siya ay walang palya na dito kumakain.

"Gago, sorry" sabi ni Kai nung may mapagtanto. "Erase mo na lang sinabi ko, Max" dagdag nito.

"Wala na low energy na ito. Saan mo ba 'yan nakalap na chismis, Kai?" tanong ni Kristen.

Napakamot naman si Kaiser sa kanyang batok. "Narinig ko lang sa mga kaklase niya. May laro kasi that time sa classroom nila tapos ang tanong sakanya ay kung may crush daw ba siya at anong course tapos ang sabi niya meron tapos medtech daw. Hindi ko alam kung totoo yun ha pero mukhang hindi naman" mahabang sabi ni Kaiser.

I don't why but I feel something in my heart. Kung kahapon ay pag bilis ng tibok ng puso ang nararamdaman ko ngayon naman ay kirot.

Napatingin ako sa gawi ni Ridge. Wala na itong kasama at mag isa na sa table. Nakita kong napatingin ito saakin kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Tangina mo, Kai. May nasasaktan" sabi ni March at tumingin saakin. Ngumiti naman agad ako para hindi nila mapansin "Gaga, ayos lang" sabi ko at sinimsim na ang kape.

Buong umaga ay nasa isip ko lang ang nalaman ko kay Kaiser. Sabagay mas gugustuhin niya nga naman yung kasing edad niya kesa saakin na Grade 12 student.

"Hanap na kayo table. Kami na lang ni March mag oorder" utos saamin ni Gail.

Agad naman nakahanap si Tiffany ng table. Pag upo namin ay saktong nakita ko si Ridge na may hawak na tray. Napansin ko rin na nagsilabasan na ang mga medtech students.

Sino kaya ang crush niya dyan? Hindi ko maiwasan na pagmasdan ang mga babaeng medtech. Halos lahat ay magaganda. Hindi ko maiwasan ikumpara ang sarili ko.

Hindi ko na muli tiningnan si Ridge. Pinagkaabalahan ko na lang ang pag scroll sa phone ko samantalang si Tiffany at Kristen ay nag uusap naman.

"Si Ridge oh" sabi ni March na may hawak na tray. Binaba naman nito ang mga pagkain ganon din ang ginawa ni Gail.

Napansin kong tumingin sila Kristen sa gawi ni Ridge. "Ay teh, nakatingin dito. Doon ka ba maglalunch?" tanong ni Kristen saakin. Agad naman akong umiling "Hindi muna, dito na lang muna ako. Gutom na gutom ako eh" agad ko naman kinuha ang pagkain ko.

"Sus, 'yan ba talaga ang dahilan?" pag uusisa ni March. Hindi ko na lang ito sinagot at nag umpisa na kumain.

"Uy, teh kanina pa dito nakatingin mukhang hinihintay ka" bulong ni Kristen saakin habang kumakain. "Hayaan mo lang" sabi ko at tinuloy na ang pag kain.

Halos dalawang araw ay ganon na ang ginagawa ko. Hindi na ako tumitingin sa gawi ni Ridge at sa tuwing makakasalubong ko siya sa hallway ay agad ako nag iiba ng landas. Alam kong napapansin niya iyon dahil nakikita niya ako.

Ang mga kaibigan ko naman ay alam kong nakakahalata na kaya minsan ay inaasar nila ako.

Natapos na kami kumain. Kami ni Tiffany na ang nagdala ng mga kinainan namin dahil clay go ang patakaran dito. Pagkalagay namin sa plato ay agad natigilan si Tiffany. Nakatingin ito sa likod ko saka tumingin pabalik saakin.

"Una na ako ha" sabi ni Tiffany at agad akong iniwan. Pag tingin ko naman sa likod ko ay nakita ko si Ridge na may hawak na plato mukhang maglalagay din.

Nakita ko naman agad ang mga kaibigan ko. Nagbulungan pa ang mga ito pagkatapos ay nag thumbs up saakin.

Akmang aalis na sana ako pero may isang kamay ang humawak sa braso ko.

"Let's talk" sambit nito at agad akong hinila. Nakita ko naman ang mga kaibigan ko na nakangiting kumakaway pa saakin.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante dahil hawak pa rin ako ni Ridge. Dinala niya ako sa university gazebo. Pagkapasok ay agad naman akong umupo. Pinagkrus ko ang mga braso ko.

"What? Ano ba pag uusapan?" tanong ko sakanya na nakatingala dahil nakatayo ito sa harap ko. Nakatingin lang ito saakin na magkasalubong ang makapal na kilay. Agad naman bumaba ang tingin nito sa legs ko na medyo nakabuka kaya gamit ang kanyang tuhod ay inusog niya ang legs ko para mag close ito.

"Sit properly, Maxine" sambit nito kaya naman umupo akong maayos.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot saamin. Akala ko ba mag uusap kami? Nakaupo na ito sa upuan at nakatingin lang saakin na tila pinag iisipan pa ang sasabihin.

"So, wala ka naman pala sasabihin bakit dinala mo pa ako rito?" pagtataray ko ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot.

"Wala talaga? Sige aalis na ako" tatayo na sana ako pero ito na ang naunang tumayo sa harap ko.

"Why are avoiding me?" tanong niya saakin sa medyo pagalit pa na tono habang mariin na nakatitig saakin.

"I'm not avoiding you. Pinagsasabi mo?"

"Oh, don't make me fool, Maxine..." sabi nito. I rolled my eyes on what he said.

"Just tell me why are you avoiding me?" sabi nito sa mas kalmado ng tono.

"Who's your crush in medtech?" agarang tanong ko para matapos na ito. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito.

"Medtech?" patanong na sabi nito. "Oh, don't make me fool, Ridge" pang gagaya ko pa sa linya niya kanina. "Meron kang gusto sa isang medtech, right? Don't lie to me" sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.

I saw how he licked his natural red lips. "So, this is all about... Medtech, huh?" pansin ko ang pag ngisi nito.

"I just had a crush on her for just one day because the next morning my attention was on this one girl...one girl who keep on staring me while we are having a mass..." malambing na sabi nito habang nakatingin saakin.

Fuck. He knew...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Glimpse of Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon