Chapter 9 - Pagkatuklas

4.9K 139 10
                                    

Chapter 9

Habang naglalakad nakita niyang nagkukumpulan ang mga tao sa bahay ng kaibigan niyang si Vincent.

At ng puntahan niya ito. Laking gulat niya ng makita niya ang kaibigan niyang si Vincent na nakabigti.

Maraming nagsasabi na marami daw silang naririnig na sigaw mula sa bahay ni Vincent kagabi. Ngunit hindi nila agad itong tiningnan dahil gabi na rin.

Kaya napag-isipan nilang tingnan ito kinabukasan at ng tiningnan na nila ito nadatnan na nila si Vincent na nakabigti.

Dahil doon labis na umiyak si Gabriel. Dahil halos kapatid niya na ito.

At si Vincent ang karamay niya sa lahat ng problema niya. Kaya masakit sa kanya ang nangyari sa kanyang kaibigan.

Ilang minuto ang nakakalipas...

Agad ng dumating ang sasakyan na maghahatid sa katawan ni Vincent sa Morgue.

Habang isinasakay ang katawan ni Vincent sa sasakyan.

Agad may napansin ni Gabriel na kakaiba.

Nakita ni Gabriel na merong nakasilip na papel sa bulsa ni Vincent.

Dahil doon agad kinuha ni Gabriel ang papel.

Nang makuha niya na ito. Agad niya itong binasa. Ganoon nalang ang naramdamang kilabot ni Gabriel ng mabasa niya ang nakasulat.

"INUNA KO NA ANG KAPATID MONG SI EDWARD. NGAYON NAMAN ANG KAIBIGAN MO. SINO NA KAYA NGAYON?"

Pagkatapos niyang mabasa iyon ay agad niya na itong pinunit at itinapon.

Nang maitapon niya na ito. Agad na itong dumiretso pauwi ng bahay nila.

Habang naglalakad ito hindi niya maiwasang umiyak dahil hindi niya na alam kung anong gagawin niya.

Maraming tanong ang nabubuo sa kanyang isipan na hanggang ngayon hindi niya pa rin ito masagot.

"Bakit ba siya nagagalit ng ganito sa kapatid ko?

"Ano bang kasalanan ng kapatid ko sa kanya?

"Bakit ang lahat ng mahal ko sa buhay nauubos?."

Ilang minuto ang nakakalipas...

Narating niya na ang kanilang bahay at sinalubong agad siya ng nanay niya.

"Gabriel anak bakit ka umiiyak?, tanong ni Aling Elena"

"Eh n-nay hindi ko na po alam kung anong gagawin ko, sagot ni Gabriel."

"B-bakit anak. Hindi kita naiintindihan, pag-aalalang sabi ni Aling Elena."

"N-nay kasi po ang kaibigan kong si Vincent. Nagbigti po siya, at may nakita akong papel sa bulsa niya at binasa ko. Nakalagay d-doon nay. Nakalagay doon na inuna niya na daw si Edward at sinunod niya na si Vincent sino daw ba ang susunod, naiiyak na sagot ni Gabriel."

"Kung ganoon anak. Kailangan na natin makipag-ugnayan sa mga pulis, sabi ni Aling Elena."

"Nay hindi TAO ang pumapatay. Nay isang HINDI MATAHIMIK NA KALULUWA ang pumapatay, sabi ni Gabriel."

"A-anak totoo ba yang s-sinasabi mo?, utal-utal na pagsasalita ni Aling Elena."

"Oo nay. Nagtanong po ako sa Espiritista. Kinausap po namin ang kaluluwa ng babae. Galit na galit ito, sagot ni Gabriel."

"A-anak t-tingnan mo... Nasa likod m-mo siya, takot na takot na pagsasalita ni Aling Elena at sabay pagtataasan ng balahibo nito."

Dahil doon sa sinabi ni Aling Elena. Dahan-dahang tumingin ito patalikod.

Regalo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon