Chapter 3 - Paghahanap ng Regalo

6.5K 145 13
                                    

Chapter 3

7:30PM

Pagkatapos magpaalam ni Gabriel kay Edward at sa nanay niya. Agad na itong lumabas ng pinto. At naglakad palabas ng ospital.

Habang naglalakad si Gabriel biglang pumasok sa isip niya na malapit na ang Anniversary nila ni Margarette at kailangan niya itong bigyan ng regalo. Dahil nagbitaw siya ng pangako kay Margarette.

Dahil doon nagpasya siyang pumunta sa isang mall. Dahil ito ang pinakamalapit na lugar mula sa Ospital.

Pagkalabas niya ng Ospital. Agad na itong naghanap ng tricycle upang mas mapadali ang pagpunta nito sa Mall.

Hindi nagtagal nakahanap na rin siya ng tricycle at agad na rin itong sumakay.

Habang nasa tricycle. Chi-neck niya ang kanyang pitaka upang tingnan kung may sapat pa siyang pera para sa pagbili niya ng regalo para kay Margarette.

Pagbukas niya ng pitaka ay ayun meron pa siyang 1250 pesos. At sa tingin niya ito ay kakasya para sa pagbili niya ng regalo para sa kanyang girlfriend.

Ilang minuto ang nakalipas...

Narating na nila ang Mall. Agad na siyang nagbayad sa tricycle ng trenta pesos at agad na rin siyang bumaba ng tricycle. At pumasok na sa loob ng mall.

Habang nasa mall si Gabriel may nakita siyang bagay na nagpaakit sa kanya.

Maya-maya agad niya nilapitan ito.

"Miss magkano ito?, tanong ni Gabriel."

"Ah sir yan pong Kwintas ah sir tunay po yan 4500 po yan, sagot ng saleslady."

At dahil sa sinabi ng saleslady nagulat ito sa presyo. Dahil doon umalis nalang ito at nagikot-ikot pa.

Maya-maya may nakita si Gabriel na mas maganda sa nakita niya kanina.

At dahil doon nilapitan niya ulet iyon at nagtanong.

"Ah miss magkano ito, tanong ni Gabriel."

"Ah sir 9400 po yan gold po kasi yung kwintas na yan, sagot ng saleslady."

"Wala na bang tawad ito miss, tanong ni Gabriel."

At dahil sa sinabi ni Gabriel napatawa ang saleslady.

"Ha! Sir wa-wala pong tawad-tawad dito mall po ito gusto niyo po doon po kayo sa Divisoria o sa Quiapo doon pwede po kayong tumawad pero doon sir mga fake po ang benta doon, natatawang sagot ng saleslady."

"Ah ganun ba sige Miss salamat nalang, sabi ni Gabriel."

Dahil doon nagpasya siyang umuwi nalang at bukas niya nalang ipagpatuloy ang paghahanap ng regalo dahil pagod na rin ito at naisip niyang isisingit niya nalang sa oras niya bukas ang paghahanap ng regalo para kay Margarette dahil gabi na rin.

Agad ng lumabas si Gabriel ng mall at naghanap ng masasakyan.

Ilang minuto ang lumipas ngunit wala pa rin itong mahanap na masasakyan kaya nagkapagpasya siyang sumakay nalang ng taxi.

Ilang segundo ang lumipas ng biglang may lumapit sa kanyang taxi at nagtanong.

"Ah iho saan po ba kayo?, tanong ng drayber."

"Ah manong doon po sa First Street( lugar kung saan ang bahay nila), sagot ni Gabriel."

"Ah oh sige iho sakay na, sabi ng drayber."

Sa kalagitnaan ng daan.....

Ganun nalang ang kilabot na naramdaman ni Gabriel ng biglang nakita niya ang nakita niya nung nagdaang araw. Sa harap at nasagasaan nila ito. Nagulat siya ng biglang i-preno ng drayber ang taxi.

At dahil doon agad siyang nagtaka. Kaya tinanong niya ang drayber.

"Manong bakit niyo po itinigil?, kinakabahang tanong ni Gabriel."

"Iho may nasagasaan tayo. Isang babae at duguan ito., sabi ng drayber."

Ganun nalang ang kilabot na dumaloy sa katawan ni Gabriel.

"Manong na-nakikita niyo rin po?, natatakot na tanong ni Gabriel."

"Oo, iho. Isa kasi akong esperitista Sa tingin ko kailangan niya ng tulong iho. Hindi matatahimik ang kaluluwa niya kung hindi ito nakalibing., sabi ng drayber."

"A-ano pong ibig niyong sabihin?, tanong ni Gabriel."

"Iho may posibilidad na may nagawa tayong kasalanan sa kanya o may gusto siyang iparating na mensahe saatin., sabi ng drayber."

"Ah manong may sasabihin po ako sa inyo. Kasi po nagsimula po siyang nagpakita saakin nung unang punta ko sa ospital dahil ang nanay ko ay may sakit. At simula noon sunod-sunod na ang pagpapakita saakin nung babae., pagkwikwento ni Gabriel."

"Oh sige iho pumunta ka nalang sa aking bahay kung may oras ka at tatawagin natin ang kaluluwa niya., sabi ng drayber"

At ito pala ang address ko (sabay abot ng isang maliit na papel.)

"Ah oh sige po manong mauna na po ako sa inyo, pagpapaalam ni Gabriel at sabay baba sa taxi"

Pagkadating ni Gabriel sa bahay ay agad na itong dumiretso sa kama niya at natulog...

Kinabukasan...

Gumising na si Gabriel at nagluto ng almusal.

Pagkatapos nitong magluto ay agad na rin itong kumain.

Habang kumakain naisip niya yung sinabi sa kanya ng drayber kagabi.

"May kasalanan tayo sa kanya o may gusto siyang ipadating na mesahe?" Anong ibig sabihin nun., pagsasalita ni Gabriel sa kanyang sarili."

Pagkatapos niyang kumain ay agad na rin itong naligo.

Habang naliligo iniisip niya kung ano ba ang uunahin niya. Ang pagbili ba ng regalo para kay Margarette o Paghahanap ng trabaho.?

Pagkatapos niyang maligo ay agad niyang sinabi sa sarili niya na mas uunahin muna niya ang paghahanap ng trabaho kaysa sa paghahanap ng regalo dahil naisip niya na pag nakahanap na siya ng trabaho mabibili niya na ang mahal na regalo para kay Margarette.

Agad na siyang pumunta ng kwarto upang magbihis.

Pagkatapos magbihis ay agad na itong umalis sa bahay nila at naghanap ng masasakyan.

Sa kabutihang palad nakahanap agad siya ng masasakyan at hindi ito kagaya dati na ilang minuto pa ang lilipas bago siya makahanap ng masasakyan at isa pa maaga pa lang naman.

At pagsakay ng jeep agad na rin itong nagbayad.

Swi-nerte ng sakay si Gabriel dahil mabilis ang nasakyan nitong jeep.

10 minuto ang lumipas ay agad niya ng natunton ang nasabing Job Fair.

Agad ng pumara si Gabriel sa jeep at bumaba.

Agad na nitong pinasok ang nasabing kwarto.

Pagkadating niya doon ay maraming lamesa ang kanyang nadatnan ang sumalubong sa kanya ang malamig na hangin dahil sa nilalabas na hangin ng aircon.

At pumunta na siya sa isang lamesa ng napili niyang kompanya.

Pupunta na sana siya ng lamesa ng bigla siyang natigilan.

Calling...
Edward..

Abangan ang susunod na kabanata..

***MrAlien004***

Regalo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon