Chapter 8
Pagkatapos niyang ilagay ang kwintas sa kanyang aparador ay agad na niyang ipinagpatuloy ang pagbibihis.
Pagkatapos nito magbihis ay agad na itong pumunta sa sala upang palitan ang kanyang nanay sa pagbabantay sa burol ng kanyang kapatid.
"Nay magpahinga na po kayo. Ako nalang po magbabantay dito, sabi ni Gabriel."
"Sigurado ka anak?, tanong ni Aling Elena."
"Opo nay. Kasi po alam ko wala pa po kayong pahinga, sagot ni Gabriel."
"Sige anak. Ikaw na bahala jan, sabi ni Aling Elena."
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon agad ng dumiretso si Aling Elena sa kwarto para magpahinga. At si Gabriel naman ay umupo katabi ng isang babae na nakikiramay din.
Ilang minuto ang lumipas...
Agad may tinanong ang babae kay Gabriel.
"Iho may nararamdaman ka bang kakaiba dito sa bahay niyo?,tanong ng babae."
"Ah wala naman po. Bakit po?, tanong ni Gabriel."
"Iho kasi isa akong esperitista. At meron akong nararamdaman na hindi tama dito sa bahay niyo, sagot ng babae."
"A-ano po iyon?, tanong ni Gabriel."
"Doon iho tumingin ka doon sa pintong iyon, sabi ng babae."
Pagkatapos sabihin ng babae iyon ay agad tumingin si Gabriel.
Nang tingnan niya iyon. Agad nalang nagtaasan ang balahibo ni Gabriel ng makita niya iyon.
"Ano iho nakita mo, tanong ng babae."
"O-opo isang babae na nakabigti at wala na i-itong buhay, kinakabahang sagot ni Gabriel."
"Sa totoo lang po yan ang lagi kong nakikitang babae. P-pero ngayon po iba po eh. Nang makita ko po yung babae mas lalo po akong kinabahan, sabi ni Gabriel."
"Iho may gusto siyang iparating sayong mensahe, sabi ng babae"
"Ano pong m-mensahe, tanong ni Gabriel."
"Iho gusto niyang magpatulong sayo, sagot ng babae."
"Iho mas mabuti nalang na pumunta ka nalang doon sa bahay ko dahil doon mas matatawag namin ng asawa ko ang espirito ng babae at makakausap natin siya.
"Sige po pupunta po ako sa bahay niyo bukas, sagot ni Gabriel."
"Sige iho, sabi ng babae."
Pagkatapos ng pag-uusap na iyon agad tinext ni Gabriel si Vincent.
New Message: Gabriel
Vincent bukas ha, sabi ni Gabriel.
New Message: Gabriel
Pre bakit dika nagre-reply, sabi ni Gabriel.
New Message: Gabriel
Pre baka wala kang load wahaha, sabi ni Gabriel.
Ngunit nakailang text na si Gabriel pero wala pa ring sumasagot sa kanya.
"Bakit kaya hindi nagrereply yun?, tanong ni Gabriel sa sarili"
"Pupuntahan ko na nga lang siya bukas sa bahay nila, sabi ni Gabriel sa sarili."
Ilang oras ang nakakalipas..
Agad ng umalis ang mga nakiramay at agad ng natulog si Gabriel.
BINABASA MO ANG
Regalo (COMPLETED)
TerrorIsang Pagkakamali.. Isang Malaking Kasalanan Isang Paghihiganti... Hinding-Hindi mo ito matatakasan.. Pagbabayarin ka nito sa ginawa mo... REGALO "Hindi lahat ng regalo IKAKASAYA MO. Minsan IKAKASAMA MO. Story Completed: June 13 2015 All Rights Rese...