Chapter 1
Masayang nanonood ng tv ang nanay ni Gabriel.
Habang nanonood ito, nagpaalam si Gabriel na papasok na ito sa kanyang pinagtratrabahuan, sa isang Coffee Shop.
Minimum ang suweldo ni Gabriel doon kaya kahit papaano naitataguyod niya ang kanyang nanay at ang kanyang kapatid na si Edward.
Wala na kasi ang tatay nito. Namatay ang tatay nito dahil sa sakit sa baga na sanhi ng paninigarilyo nito.
"Nay papasok na po ako", masayang sambit ni Gabriel (ang panganay sa kanilang magkakapatid)
"Sige anak. Basta mag-iingat ka ha", sagot ni Aling Elena (ang nanay ni Gabriel)
Nang nakaalis na si Gabriel agad ng nagising si Edward, ang kapatid ni Gabriel. At sinamahang manood ng tv ang kanyang nanay.
Ilang Oras ang nakalipas.......
Biglang may kakaibang nangyari kay Aling Elena. Tila hindi ito makahinga.
At dahil doon agad naghanap si Edward ng tricycle upang maitakbo sa ospital ang nanay nito.
"Manong pwede po bang ihatid nyo kami ng nanay ko sa ospital pakabilis lang ho!", natatarantang sambit ni Edward.
Habang nasa daan halos maiyak na si Edward sa sobrang taranta.
Lumipas ang ilang minuto at narating na nila ang ospital. At agad naman itong sinalubong ng isang nars at pinaupo ito sa wheelchair upang hindi na ito mahirapan.
Agad ipinasok ang nanay ni Edward sa Emergency Room.
"Hanggang dito na lang po kayo Sir. Pasensya na po", sabi ng nars kay Edward
Dahil sa taranta ni Edward agad na nitong tinawagan ang kapatid upang ibalita sa kapatid ang nangyari.
Calling....
Gabriel
"Hello oh Edward bakit ka napatawag?
"Ku-kuya! S-si nanay kasi"
"Ba-bakit a-anong nangyari?"
Noong puntong iyon nakaramdam na si Gabriel ng kaba.
"K-kasi kuya si nanay tinakbo ko sa ospital pano ba naman biglang hindi nakahinga kanina. Hindi ko pa nga alam kung anong lagay niya ngayon"
"Edward saang hospital ba yan. Pupuntahan ko kayo"
"Sa ano kuya sa San Jeremias Hospital."
At agad ng naputol ang linya.
*----*-----*----*
"You're Fired", sigaw ng may ari ng coffee shop kay Gabriel.
"Sir pwede po bang bigyan nyo pa po ako ng pagkakataon hindi ko na po uulitin atsaka hindi ko naman po talaga sinasadya"
"Hinde umalis kana dito ngayon din! You're Fired", sigaw ng may ari.
"Sir naman nasa ospital pa po yung nanay ko ngayon!"
"Hindi ko na problema yan. PROBLEMA MO NA YAN GET OUT! wala na akong pakielam sayo alam mo bang importanteng kliyente ko yun tapos ano tinapunan mo ng kape. Napakatanga mo Gabriel!"
Dahil sa narinig niyang iyon. Sa tingin niya wala na talagang magpapabago sa isip ng kanyang amo. Pinili niya nalang na umalis. Kaysa naman makarinig pa siya ng masasakit na salita.
BINABASA MO ANG
Regalo (COMPLETED)
TerrorIsang Pagkakamali.. Isang Malaking Kasalanan Isang Paghihiganti... Hinding-Hindi mo ito matatakasan.. Pagbabayarin ka nito sa ginawa mo... REGALO "Hindi lahat ng regalo IKAKASAYA MO. Minsan IKAKASAMA MO. Story Completed: June 13 2015 All Rights Rese...