Kabanata IX

8.2K 258 31
                                    

Kabanta IX


Nasa hospital ako, sa harap ng silid kung saan mismo ako naratay. Naririnig ko ang walang tigil na pag-iyak at ang komosyon mula sa mga doktor. Sinilip ko ang loob niyon at nadatnan ko si Papa, Psalm at ilang kaibigan ko na nagsisipag-iyakan. Ito marahil ang actual na nangyari noong nasa mahimbing pa akong pagtulog. Ilang nurse ang nagpalitan upang bigyan ako ng CPR. Isang diretsong linya na lamang ang nasa monitor tanda ng kawalan ko ng buhay.

Sa aking takot ay napaatras ako ng makita ko ang sarili kong nakahimlay at mayroong tubo sa bibig. Hindi lang iyon ang nakakatakot dahil nasa harap ko ang sarili kong kaluluwa, nakatingin sa akin at naiiyak. Anong nangyayari? Bakit napapaginipan ko ang lahat ng ito? Kitang-kita ko ang paghiwalay ng kaluluwa ko sa aking katawan.

 

"Ayoko pang umalis. Hindi ko kayang iwan si Papa." pagsusumamo sa akin ng kaluluwa ko.

"What do you mean?!" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hanggang dito na lang ako." mas lalong napahagulgol ang Auldey na nasa harap ko. Totoo bang nangyari ang lahat ng ito? Bago pa ako makapagsalita ay tumakbo na siya at nilamon ng puting liwanag. Halos mabingi ako dahil mas lalong lumakas ang iyak nila ng tumigil na ang mga doktor. Hindi ninyo ako maaaring sukuan! Pati ako ay naiiyak na lalo na ng muling magsalita ang doktor at umiling.

"Time of death. 12am. I'm sorry fo your l—-" bago pa niya matapos ang sasabihin ay humiga ako sa katawan ko, umaasang mababalik ang buhay ko sa akin.

 

Pawis na pawis ako ng magising. Yakap ko pa rin iyong picture frame at sa pagmulat ko ay medyo madilim na ang paligid. Mukhang malapit ng lumubog ang araw kaya naman talima akong bumangon. Nakakahiya at baka mamaya ay hinahanap na ako ng mga iyon. Sa paglabas ko ng silid ay agad kong nakasalubong si Tita Rowena. Agad akong napaatras, ayokong maparatangan na pagiging pakialamera.


"Pasensya na po Tita, nakatulog pala ako. Sorry po if dito na ako nakatulog." walang hingahan ko iyong sinabi hangga't hindi nakakasiguro na hindi siya naiinis sa akin. Nakahinga lamang ako ng maluwag dahil ngumiti siya at umiling.

"It's okay hija. You can use Allen's room. Matagal ng walang natutulog sa silid na iyan and I think it's about time para tuluyan ng mag-move on sa pagkawala niya." So, Allen pala ang pangala ng nagmamay-ari ng kwartong ito. Tama nga ba ang hinala kong kakambal siya ni Aaron? Bakas yata sa mukha ko ang maraming katanungan kaya naman hindi ko pa man nabibigyang boses ang mga iyon ay galanteng sinagot na ito ni Tita Rowena.

"Kung napansin mo ay may picture frame sa loob ng silid na iyan. Si Allen ay ang kakambal ng anak kong si Aaron at iyong babae ay si Victoria Vega ang fiancee ni Allen. Too bad ay pareho silang namatay sa car accident." mabilis na nagdaan ang kilabot sa aking katawan. Damn! Tumayo ata iyong mga balahibo ko sa may batok. Kaya naman pala kung anu-anong masamang panaginip ay dahil roon. Hindi na ako muling matutulog sa silid na iyon baka mamaya ay tuluyan na akong hindi magising sa bangungot.

"Ipapalagay ko na lang kay Psalm yung gamit mo roon. See you around, hija. Bukas ay ipapasyal ka ni Aaron rito sa bayan namin. Have fun!" You can't do this to me! Papalag pa sana ako sa gusto niyang mangyari ngunit umakyat na siya sa may hagdan. Damn it! Hindi ko yata kayang matulog sa silid kung saan dating tumatao ang matagal ng patay. Siguro ay aayain ko na lang si Psalm na magtabi kami sa iisang kama tutal ay madalas naman namin iyong gawin.


Malaki at malawak ang buong mansyon pero bibihira ko lamang makita ang kanilang mga tauhan. Tahimik sa loob ng bahay ni huni ng ibon ay wala kang maririnig. Inisa-isa kong tipahin ang bawat keyboards at kahit pa wala sa tono iyon ay nahikayat pa rin ako nitong tumugtog. May isang piyesa na paulit-ulit na tumutugtog sa aking isip at wala akong ideya kung paano ko nga iyon natugtog mismo sa piano. Wala sa sariling napangiti dahil parang may sariling buhay ang aking mga kamay. Ano nga bang title nito? Clementine? Nang masilayan ko si Psalm na nakakunot ang noo ay tumigil na ako at ngumisi sa kanya.


"Alam mo ba yung piyesang 'to Psalm? Madalas ko bang tugtugin?" mas lalo lamang kumunot ang noo niya kaya natawa na ako. Anong problema ng lalaking ito.

"Auldey, hindi ka marunong mag-piano. You hate instruments. Ilang beses kang pinilit ng Papa mo na isali sa piano lesson pero umaayaw ka, how come na bihasa ka sa piano? Who are you?" nanliliit ang mga mata niya sa akin habang ako naman ay napatigagal. He's joking, right? Agad akong tumawa dahil sa biro niya at saka paano ko naman malalaman ni hindi ko nga matandaan ang kalahati ng buhay ko.

"Stop making a fool out of me! It's just a piece of cake and besides isang piyesa lang naman ang alam ko." irap ko sa kanya at mabilis na tumayo upang lagpasan sana siya ngunit napatigil ako sa paglalakad ng matanaw ko si Aaron na nakahalukipkip sa may dulo ng hagdan. Kanina pa ba sila nanonood sa akin? Naroon siya at maganda ang tindig habang pinagmamasdan ako.

"Clementine ang tinugtog mo. Iyan ang iisang piyesang kayang tugtugin ni Clarisse." malamig niyang saad at umakyat na rin sa taas.


Pumikit ako ng mariin dahil ramdam ko ang pagkirot sa puso ko. Hindi ko lang alam kung pisikal ba iyong sakit na iyon o psychological lang. Ang lahat na lamang ng bagay ay nakapagpapa-alala sa kanya ng tungkol kay Clarisse mukhang ganoon nga kalawak ang pinagdaanan nila. I'm so exhausted! Imbes na mapahinga sa ilang oras kong tuloy ay pakiramdam ko ay mas bumigat pa ang katawan ko idagdag pa itong mga nangyayari sa paligid sa akin.

Psalm, huwag mo akong tanungin kung sino ako dahil hindi ko rin iyan makakasagot. Sa ating dalawa ay ikaw na mismo ang mas nakakakilala sa akin dahil hanggang ngayon tanong ko rin sa akin kung sino ba talaga ako. Bakit may ala-ala akong hind nagtutugma sa akin? I'm going insane! Lumipas pa ang bawat araw at tiyak na matutuluyan na ako. Kailangan ko na yatang kumunsulta sa doktor bago pa ako matuluyan. Tingin ko ay epekto ito ng mahabang pagkakatulog o di kaya ay sa anesthesia.


"Auldey, you are acting weird these past few days." Iyon ang huling binigkas ni Psalm bago ko siya tuluyang iniwan sa harap ng piano. Maski ako ay gulong-gulo na. Hindi ko nakikita ang sarili ko bilang si Auldey, mas nakikita ko si Clarisse sa akin. Ginagaya ko ba siya? Bakit ko nasasabi ang mga bagay na mayroon siya? Hindi ko maiwasang isipin iyong mga sinabi ni Impo at iyong panaginip ko. Kung kinain ng liwanag iyong Auldey na kaluluwa then sino akong humiga sa katawan ko noong namatay ako ng ilang segundo?!

"It's impossible. Am I being possessed? May isang kaluluwa pa kayang namamalagi sa akin?" frustrated kong inihilamos ang dalawa kong palad sa aking mukha. Gulong-gulo na ang utak ko. I need help at ngayon ay iisang tao lang ang maaaring makatulong sa akin. Si Impong Teresita.



itutuloy..


May update na yung Huling Sayaw. Thanks sa magandang feedback pero sana wala ng "Bitin" at "Update pa" I know guys. I want your thoughts about the story.

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon