Kabanata XVIII

8.9K 289 72
                                    

Kabanata XVIII

"Si Impo....wala na siya"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Naging blangko ang utak ko sa pighati na nararamdaman. Paanong wala na si Impo?! Kailan lang ay magka-usap kami. Alam kong may edad na rin siya ngunit bakit biglaan? Nanginig ang bawat kalamanan ko sa isiping wala na nga siya. Masyadong biglaan para makatanggap ng ganoong balita.

Noon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako nang kabigin ako ni Aaron sa kanyang dibdib. Kahit na hindi naman kaanu-ano ni Impo ay tinulungan niya ako. Hanggang dulo ay nariyan siya sa tabi ko. Naninikip ang dibdib ko sa hinagpis at pagkabigla at ang tanging magagawa ko na lang para maibsan iyon ay ang pag-iyak. Ano ng gagawin ko ngayong wala na ang kaisa-isang tao na nagpa-abot sa ng tulong sa sitwasyon ko.
Inalo ako ni Aaron hanggang sa kumalma ako.

"Wala na si Impo... Aaron. Wala ng tutulong sa akin" nangunot ang noo ni Aaron.

"Tulong saan Auldey? Anong nangyari kay Impo?" Nagbuntong hininga ako at mas lalong napaiyak. Hindi na rin ako makapagpaliwanag ng mabuti dahil sa mga hikbi ko kaya naman umiling na lang ako. Sa ngayon ay tiyak na mahihirapan akong ipaliwanag sa kanya ang lahat.

"I don't know. Kailangan kong puntahan ngayon si Psalm. He needs me right now" humigpit ang yakap ni Aaron sa braso ko ngunit hindi ko na iyon pinansin.

"Tumila na ang ulan." Singit ni Aling Dolores na kanina pa tahimik. Tumango ako at inayos na ang sarili ko.

"Aaron, puntahan natin si Psalm ngayon. Mauuna na din po kami. Salamat po ng marami" naningkit ang mga mata ni Aling Dolores na sa tingin ko ay sinusuri ako. Marahil ay nagtataka siya. Bakit nga naman ako napunta sa katawang ito.

"Pwede bang bumalik ka sa akin sa susunod na mga araw?" Tanong niya sa akin. Ang totoo ay plano ko iyon.

"Opo naman." Pag sang-ayon ko. Muling nagbuntong hininga si Aling Dolores na ngayon naman ay kay Aaron nakatuon ang atensyon.

"Hijo? Pwede bang maupo ka muna saglit?" Nakangiti akong binalingan ni Aling Dolores saka hinila paupo si Aaron na ngayon ay nagtataka.

"Ano po 'yon?" Magalang pa ring tanong ni Aaron sa matanda kahit na alam kong naguguluhan siya. Ako man ay iyon ang nararamdaman.

Imbes na sagutin kami ay hinawakan ni Aling Dolores ang ulo ni Aaron at pumikit. Tahimik na nangungusap ang mga mata ni Aaron sa akin kaya naman nagkibit balikat na lamang ako. Baka naman dinadasalan lang ni Aling Dolores si Aaron.

Ang iniisip ko ngayon ay si Impo at ang naging malasakit niya sa akin. Itinuring ko na rin siya na parang sariling Lola at masakit ang biglaang pagkamatay niya. Nanghihingi ng tulong na tinignan ako ni Aaron subalit nagkibit-balikat ako at tipid na ngumiti. Kailangan ako ni Psalm ngayon. Silang dalawa lamang ni Impo ang kasama ko sa labang ito, nasasaktan ako para kay Psalm. Paano na lang kapag nalaman niyang hindi na makakabalik si Auldey kailanman? Ang mawalan ng isang minamahal ay hagupit na paano pa kaya kung dalawa silang mawawala. I have to be there.

Tinapik ni Aling Dolores ang balikat ni Aaron na ngayon ay napapailing na lang. Nagpasalamat na lamang kaming dalawa sa tulong niya at nagpaalam na upang magtungo kay Psalm.

"Alam kong malapit ka kay Impo. I'm sorry. Maski ako ay nalulungkot din. Malaki ang naitulong niya sa relasyon namin ni Clarisse, siya ang tumulong sa amin noong may nanggugulo sa amin." Yeah. Malaki nga ang naitulong ni Impo, ako lang naman ang may kasalanan kung bakit pumalpak ang pulido na sanang plano. Kung hindi ako nagpadala sa galit at inalalang mabuti ang bilin ni Impo ay di sana wala ako sa ganitong sitwasyon. Malalim ang naging paghinga ko at tinanaw ang madilim ng kalangitan. Damn it!

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon