Kabanata XX
"Auldey, hindi pa rin ba babalik si Psalm? Isang linggo na siya sa Bulacan." nag-aalalang sabi ni Papa habang sabay kaming nagmemeryenda sa may garden. Nagkibit-balikat lamang ako at sumubo sa slice ng cake ko.
Isang linggo na kaming nakakabalik rito sa Maynila at ilang beses kong sinubukan na kausapin si Psalm subalit lagi niya akong pinapatayan ng telepono. Bumalik ako sa trabaho at madalas pa rin kaming magkita ni Aaron ngunit nag-iingat kaming mahuli ni Victoria kaya naman nagkakasya na lamang kami sa pagpapalitan ng text messages o kaya ay patagong mag-uusap.
Kapwa kami naging busy sa kanya-kanyang trabaho lalo pa't nalalapit na ang Annual Charity event na dadaluhan ng maraming negosyante, socialite at pulitiko. Mas nahihihirapan ako sa trabaho dahil hindi naman talaga Hotel Management ang linya ko kaya nagpapasalamat din ako sa tulong na ipinapaabot ni Aaron, dahil din doon ay mas nagkakaroon kami ng oras sa isa't-isa. Kahit patago iyon ay masaya na ako basta't nakakasama ko siya.
Masquarade Ball ang napili naming tema para sa may party dahil noong nakaraan ay costume party na siyang iminungkahi ko. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil halos sa akin idinedepende ang pag-oorganisa ng party.
"Kamusta na pala ang gaganaping party bukas? Hindi ka naman ba masyadong na-stress?" tanong ni Papa at humigop sa kape nito.
"Okay lang naman Pa. Marami na rin pong nagkumpirma ng pagdalo nila. Dahil malapit na ang eleksyon sa susunod na taon ay maraming pulitiko ang nais na dumalo. I suggest po sana na mas higpitan natin yung security." I said.
"Very well. I-coordinate mo na lang din yang concern mo kay Aaron. Malaki ang tiwala ko sa batang 'yon. Kung wala lang talagang girlfriend 'yon anak ay irereto talaga kita don. Sayang." tipid na lamang akong ngumiti ng humalakhak si Papa.
"He's quite a catch" komento ko na lamang at nagpunas ng napkin sa gilid ng aking bibig.
"O siya umalis ka na at baka gabihin ka pa." paalala sa akin ni Papa at tinapik na ako sa may balikat.
"Sige Pa, I have to go. Uuwi din po ako ng maaga. Iccheck ko lang po yung venue and kukuhanin ko din po yung gown ko for tomorrow night." humalik ako sa pisngi ni Papa at tinapik lang naman niya ang aking balikat. Paalis na sana ako ng maisipan kong yakapin ng mahigpit si Papa. Kahit papaano ay napamahal na rin siya sa akin dahil ilang taon ko rin naman siyang kinilala bilang ama. I miss my own father. Matagal na akong ulila at masaya ako dahil may isang tao na kinikilala ako bilang anak.
"I love you Auldey darling." ngumiti ako at mas niyakap ng mahigpit si Papa. I love you too Papa.
"Thank you sa lahat Papa."
"Siyempre naman. You are my everything, Auldey."
Pagkarating ko sa may shop ay naabutan ko si Maribeth kasamas si Victoria na kausap ang designer. Hindi ko inasahan na dito din pala sila nagpagawa ng kanilang gown. Nginitian ko si Maribeth at niyakap. Kaya pala noong una pa lang ay magaan na ang loob ko sa kanya. Sorry din Beth kung nakalimutan kita.
"Auldey! Namiss kita! Buti nagpang-abot tayo dito. Paalis na din kasi kami ni Clarisse." niyakap akong muli ni Beth at sinuklian ko naman iyon ng mahigpit ring yakap. Namimiss ko na ang kabaliwan ng babaeng ito, mahilig pa rin kaya siya sa mga gwapo? May boyfriend na kaya siya sa hotel?
"Dadaanan ko lang din naman ang gown ko. May kailangan pa akong asikusuhin sa hotel." tinignan ko si Victoria na tinanguan lamang ako at plastic na ngumiti.
"Nako paniguradong bongga iyong party! Ikaw pa! Kayang-kaya mo yan." masiglang sabi ni Maribeth at tinapik ako.
"Let's go Beth. Magpapa-spa pa tayo diba? See you tomorrow Auldey." kinagat ko ang labi ko at sinundan na lamang sila palabas ng pinto. Kinawayan pa ako ni Maribeth bago tuluyang makalabas kasunod ni Victoria.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)
ParanormalNang makabalik si Victoria bilang si Clarisse ay wala siyang naging problema sa pagsasama nila ni Aaron. Tanggap siya ng ina nito, namumuhay sa karangyaan at malapit ng ikasal sa pinakamamahal nito. Ngunit ang pag-ibig na kinuha mula sa kasakiman ay...