Kabanata X

9.4K 265 52
                                    

Kabanata X

Tulala ko lamang pinagmamasdan ang kisame habang pinag-iisipan kung matutulog pa ba ako o hindi. Napabuntong-hininga ako ng maala ang naging trato sa akin ni Psalm kanina, kung tignan niya ako ay para bang ibang tao ako kaya naman hindi ko maiwasan ang magtampo. Buong gabi niya akong hindi kinakausap at sa tuwing tatabihan ko siya ay ilag siya sa akin kaya ang nangyari ay mag-isa ako ngayon sa silid ni Allen. Wala namang nakakatakot rito ngunit hindi pa rin maiaalis sa akin ang takot dahil dati itong silid ng taong matagal ng patay. Who knows baka mamaya ay narito pa ang kaluluwa niya at binabantayan ang kanyang silid. Ugh! Mabilis kong itinaklob sa sarili ko ang comforter dahil sa isiping iyon. Damn it! Kung anu-ano kasing iniisip ko heto't tinatakot ko pa ang sarili ko.

Ilang sandali pa ay hindi na ako makahinga at pinagpapawisan na rin ako dahil hindi ako sanay sa kulob na lugar kaya dahan-dahan kong ibinaba ang kumot ko. Ang praning lang ng dating ko subalit hindi ko naman kasi maiwasang matakot baka mamaya ay may bumulaga na lamang na Allen sa harap ko. Ayan na naman yung goosebumps ko! Dahil hindi rin naman ako dinadalaw ng antok ay napagpasyahan ko na lang na lumabas para uminom ng mainit na gatas, baka makatulong pa iyon upang dalawin na ako ng antok na kanina ko pa inaasam.

Iilang ilaw na lamang ang nakabukas sa may sala at sa kabuuan niyon ay madilim na. Dahan-dahan akong naglakad upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Grabe naman pala ang buhay rito sa probinsya bukod sa maaga silang natutulog ay napakatahimik pa ng lugar. Nagulat na lang ako kanina dahil alas-nueve pa lang ng gabi ay nagpapaalam na silang matulog at pinapatay na ang mga ilaw sa kusina.

Malayo-layo rin iyong pinakamalapit na kapitbahay at ang isa pa'y hindi ko marinig iyong mga sasakyan sa may kalsada. Nagpapasalamat talaga ako ay mayroong signal rito at wifi kung hindi ay aakalain kong nasa sina-unang panahon ako. Tulog na rin marahil ang mga katiwala kaya naman lakas-loob na lang akong nagtungo sa may kusina kung saan muntik na akong mapatili sa nadatnan ko.

Si Aaron na topless at umiinom ng tubig! Gulo-gulo pa ang kanyang buhok at bakas ang pawis sa kanyang dibdib at abs! Mas lalo yata akong nauhaw kaya naman bago pa ako tuluyang mawala sa sarili ko ay ipinahayag ko na ang aking presensiya sa kanya. Nakakabaliw iyong titig niya lalo na noong mahagip ako ng mga mata niya. Nakasuot naman sana ako ng roba ngunit pakiramdam ko ay nakahubad ako sa harap niya. Bago lumapit sa kanya ay itinali ko muna ng husto ang aking roba.

"Auldey? Bakit hindi ka pa natutulog?" Akala ko'y aalis na siya pagkatapos ilagak sa may sink ang kanyang pinag-inumang baso pero nagkamali ako dahil sumandal pa siya at humalukipkip. Hindi ko tuloy malaman kung iinom na ba ako ng tubig o sasagutin ko muna siya. Bago pa ako makaapuhap ay kumuha na siya ng panibagong baso at ipinagsalin ako ng malamig na tubig mula sa pitsel. Ay ang sweet!

"Sir, hindi naman po kasi ako sanay matulog ng maaga. Alam ninyo naman, di ko po nakasanayan ang buhay probinsya." sinamahan ko pa ng kaunting pagpapa-cute ang boses ko bago nilagok ang ibinigay niyang tubig. Ito na yata ang pinakamasarap na tubig na natikman ko. Ibig kong humagikgik pero baka mapaghalataan na ako. Ang gwapo niya talaga lalo na sa malapitan at isa pa naka-topless pa siya sa harap ko! Lagi ko naman nakikita si Psalm na nakahubad lang sa bahay pero iba pa rin talaga kapag sa lalaking may malisya ko.

"Naiinitan ka ba Auldey? Namumula ka." seryoso pa din niyang sita. Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi at agad nakaramdam ng hiya. Kung anu-ano na naman kasi ang naiisip ko. Ang seryoso ni Aaron nitong mga nakaraan o ganito lang talaga siya? Alam ko kasi na nakikipagbiruan din siya sa mga empleyado niya.

"And please, Aaron na lang ang itawag mo sa akin at huwag mo na rin akong i-"po" dahil pakiramdam ko ay kasing edad ko lang ang Papa mo. Tsk." dahil sa sinabi niya ay tuluyan na akong napahagikgik.

Midnight Lover Duology : Huling Sayaw (Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon