Chapter 03

18 0 0
                                    

Our classes for the day have just ended, and here I am speed-walking my way to our office. Normally, I would be taking my time—strolling through the halls of the second senior high school building—before reaching my destination. But time isn't something that I have at the moment.

"Excuse me, padaan po!" Nagmamadali kong sambit sa grupo ng estudyante na nasa harapan ko.

Agad silang lumingon sa akin at nang mapagtanto nila kung sino ako ay agad silang nagbigay-daan sa akin. Mabilis ko silang pinasalamatan bago nagpatuloy sa paglalakad.

Bakit ako nagmamadali? I'll have to thank Ma'am Dela Vega for that. Katatapos ng klase nang maka-receive ako ng message sa kan'ya tungkol sa urgent meeting na kinakailangan naming daluhan ni August. 

And for the third time this week ay hindi ko na naman kasama ang lalaking 'yon. Habang naglalakad ay dali-dali akong nagtipa sa phone ko para matawagan siya. Nasa may office na ako nang sagutin niya ang tawag.

"August! Where are you? May meeting tayo!" 

Iyan ang naging bungad ko sa kabilang linya at sa mga tao sa office namin. My phone was kept close to my ear by my shoulder blade as I marched to my table to get the needed documents for the meeting.

"Of all times, ngayon pa talaga nagkaroon ng urgent meeting?" August asked, disbelief was clear with his tone. 

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. I know right. Kung kailan talaga hindi kami na-dismiss ng maaga ay doon pa nagkaroon ng meeting.

"Wala na tayong magagawa. Just get to the conference room," I told him, still gathering the needed documents. 

"Papunta na!" I heard him reply from the other line along with a gust of wind, probably because he started running.

Pinatay ko na 'yung tawag nang hindi siya magsalita. Binulsa ko na rin ang phone ko para mas maayos kong makuha 'yung mga kailangan ko.

"Urgent meeting na naman po ba, ate Calli?"

Natigilan ako sa paghahalungkat ng gamit nang magtanong sa akin si Macy. Umangat ang tingin ko at napansin na halos lahat pala ng mga kasamahan namin sa SSG ay nasa office at may mga sari-sariling pinagkakaabalahan.

"Oo eh. Biglang nagpatawag si Ma'am Dela Vega ng meeting," tugon ko sa tanong ni Macy at muling itinuon ang aking mga mata sa mga gamit na kinukuha ko. 

"Ikaw na muna bahala rito. I really got to go," I said apologetically. 

Macy only smiled and patted my shoulder before nodding. 

"Ako na bahala ate. Goodluck sa meeting!" 

Sunod-sunod na pagbati ng "good luck" ang natanggap ko sa mga kapwa officers ko na nasa office. Binigyan ko sila ng isang tipid na ngiti bago sila pinasalamatan. Nang mabuksan ko ang pintuan sa office namin ay dali-dali akong tumakbo. 

Nasa loob na ng conference room si August nang makarating ako. Nasa loob na rin ang mga President at Secretary ng mga college level na SSG. Mukhang ako nalang ang hinihintay kaya dali-dali akong umupo sa tabi ni August. Makalipas ang ilang sandali ay nagsimula na rin ang meeting. 

The meeting took way longer than expected. Nag-unat ako ng bahagya nang makalabas kami ng conference room. Halos isang oras ang nagugol para dito kung kaya naabutan na namin ang kulay kahel na kalangitan.

"Sunset na pala," mahinang sambit ko bago tumigil sa paglalakad upang masilayan ng mabuti ang papalubog na araw. 

August, who was walking beside me, also stopped to take a look. 

I Wish You KnewWhere stories live. Discover now