Chapter 07

14 0 0
                                    

It was a Saturday and we didn't have any classes but being a part of the SSG required little sacrifices like this.

All fourteen of us were present on campus today. Dumating na kasi 'yung hiniram ng university na tents at mga tables, and since malapit na rin naman 'yung araw ng event namin ay napagdesisyunan naming simulan na ang pag-aayos sa mga ito.

Present din ngayon ang mga miyembro ng SSG ng mga college departments. They helped us out and after three hours of working ay natapos na namin ang pag-aayos sa may open field. It was tiring but it was also fulfilling at the same time.

Now, we're just resting in our office. Nakatambay habang hinihintay 'yung pagkain namin na ma-deliver. While waiting, we engaged in a light and funny conversation. At syempre hindi pwedeng mawala ang mga bardagulan—courtesy of Thalia and Asher.

Pumalakpak si Rielle, tila kinukuha ang atensyon ng lahat. Nang manahimik ang lahat ay saka ito magsalita.

"Oh, sino sa inyo dyan ang may date na sa fourteen?" Taas kilay nitong tanong sa amin.

"Ako, bakit?" Agad na tugon ni Slater na may ngisi sa mga labi.

Naghiyawan ang lahat sa narinig. Nakita ko ang pagsiko ni Jules kay Slater habang ginulo naman ni Nicollo ang buhok nito.

"Itong Grade 10 na 'to oh, ang yabang," maingay na kumento ni Thalia. 

"Bakit? Inggit ka?" Nakangising tanong sa kanya ni Asher.

Pinanlisikan ni Thalia ng mata si Asher bago ito binatukan. Napadaing si Asher at masamang tinignan ang babae. Nagsitawanan naman kaming lahat dahil sa kanila.

There's hardly ever a dull moment kapag magkasama ang buong SSG. Nandyan sila Thalia at Asher na halos laging nagbabangayan. Dagdag mo pa na nandito rin ang duo na si Jules at Slater. Maging si Rielle na mahilig makipag-usap at mag-open ng mga topic.

"Oh except kay Slater, meron pa ba?" si Macy naman ngayon ang nagtanong.

"Counted ba kapag friendly date?" tanong ni Alexa habang bahagyang nakataas ang kamay.

Muling naghari ang ingay sa loob ng office.

"Oh my gosh?!"

"Yun oh!"

"Meron?! Sino?!"

"Grabe ka na, Alex!"

"Ayiee!"

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa reaksyon ng mga kasama ko. Pagtingin ko ulit kay Alexa ay para na siyang kamatis sa pamumula niya.

"Sino ba 'yan ate?" Tanong sa kanya ni Lara na katabi lang niya.

"Aba aba, curious ang isa sa mga bunso namin. Ikaw ba wala?" Pabirong tanong sa kanya ni Nicollo.

"Syempre wala, kuya," nakasimangot na tugon sa kanya ni Lara.

"Ikaw?" Tanong naman nito kay Mia na siyang dali-daling umiling.

Mukhang gigisahin pa niya ang dalawa nang batukan siya ni Macy. Katulad ni Asher ay napadaing din ito at hinimas ang kan'yang batok.

"Ikaw ah, tigilan mo na nga mga bunso natin," saway sa kanya ni Macy. Nag-salute na lamang si Nicollo sa kan'ya bago nanahimik.

"How about kayong mga Grade 11?" Ako naman ngayon ang nagtanong.

"Hays, makiki-sana all nga lang ako sa event natin ate eh." ang siyang naging tugon sa akin ni Rielle.

I Wish You KnewWhere stories live. Discover now