Chapter 10

16 1 1
                                    

Once the sun has set, the moon and stars are free to be out and about. It was already nighttime here in Crestview which signifies the start of our little music festival.

Magkakasama kaming mga SSG officers sa iisang tent dito sa open field. Medyo malapit kami sa may stage at wala masyadong tao sa harapan namin kaya kitang-kita namin ito.

Hindi na namin kinailangan na maging abala ngayon dahil nag-volunteer na ang mga SSG officers ng mga college departments na sila na ang mag-aasikaso ng music fest.

Gabi na pero marami pa ring mga estudyante na nandito sa university. Halos mapuno na ang space sa open field dahil hindi lang kaming high school department ang nandito—nandito rin ang mga estudyante ng iba't-ibang college departments. Buti nga at hindi siksikan at nakakagalaw pa kami ng maayos kahit na ang daming tao.

Nag-uusap ang mga katabi kong officers habang tahimik lang akong nagmamasid sa paligid. I still can't believe that we managed to pull this one off. Mahirap pero kinaya naman.

Naputol ang aking pagmamasid maging ang pag-uusap ng mga kasamahan ko nang marinig namin ang tunog ng electric guitar na sinabayan ng malalakas na tambol. Agad kaming napatingin sa stage kung saan matatagpuang naka-pwesto na ang banda ng university. Nasa gitna na ng stage ang Six Degrees South at hawak na ng vocalist nila na si Dom ang mic.

Nakarinig kami ng pagsubok sa mikropono bago tuluyang ngumiti si Dom at itinaas ang kan'yang kamay.

"Are you ready, Crestview?"

Sa pagbating iyon ni Dom ay nagsimulang magsigawan ang mga kasamahan ko at ang buong crowd. Sinabayan naman ng drummer ng banda ang pagsigaw ng mga manonood.

"Good evening, Crestview! We are Six Degrees South and it'll be our pleasure to give you guys a night you won't forget," Dom introduced.

Mas lalong lumakas ang sigawan mula sa crowd. From my peripheral view ay nakita kong tumatalon-talon ang mga bunso namin sa grupo. Excitement was evident from the both of them which made me feel excited too.

"We'll be starting off the night strong with a recently trending song," Dom said, teasing the crowd. "At alam kong alam niyo 'to kaya 'wag kayong mahiyang sumabay sa amin," he flashed a smile before continuing. "Ladies and Gentlemen, here's Six Degrees South's take on Sunkissed Lola's Pasilyo!"

Ang sandaling katahimikan ay nabasag ng marinig namin ang tunog ng electric guitar na tinutugtog ang intro ng kanta. As expected, malinis ang pagkakatugtog kaya mas nilakasan ng mga manonood ang kanilang mga sigaw.

"Favourite ko 'to!" Sigaw ng katabi kong si Thalia habang gumagalaw kasabay ng tugtog. Napangiti na lamang ako sa kanya bago siya sinabayan.

Lumipas ang unang kanta na sinisigaw namin ang mga lyrics nito.

"Unang kanta palang pero parang mapapaos na ako!" Malakas na sambit ni Rielle na siyang tinawanan namin.

Hindi niya ata sinasadya na mapalakas kan'yang boses kaya agad na nanlaki ang mga mata nito bago tinakpan ang kan'yang bibig. Nakita namin na natatawa rin ang banda sa harapan.

"Narinig ka ata nila Rielle," nakangising sabi ni Macy sa katabi nito.

"Ay wala na, nahihiya na ako," tugon ni Rielle na nagtago sa hood ng kan'yang suot na jacket. 

"Huwag naman muna sana kayo mapaos dahil marami pa kaming kantang inihanda para sa inyo," ani Dom mula sa stage na nakatingin sa direksyon namin.

I Wish You KnewWhere stories live. Discover now