Chapter 05

12 0 0
                                    

Our fifth subject teacher was absent today. Wala itong iniwan na kailangan naming gawin kaya may free time kami ngayon. August suggested that we go to our office para doon tumambay at gawin 'yung project namin.

Tinanguan ko lamang siya bago inayos ang aking mga gamit. Nang matapos ako ay inangat ko ang tingin ko sa kan'ya. Nakatayo na ito at tila hinihintay na lamang ako na matapos.

"Tara na?" He asked, tilting his head as he does so. I smiled a bit at him as a response before standing up.

Sabay kaming umalis sa classroom at muling nilakad ang hallway ng fourth floor.  Wala masyadong estudyante sa labas, hudyat na kami lamang ang may free time ngayon.

Tahimik lang kaming naglalakad ni August. Nasa ground floor na kami ng building nang magsalita ito.

"Gusto mo bang dumaan sa canteen?" Tanong niya. Napaisip ako saglit bago tumango. Kailangan ko na ulit ng kape.

August led the way to the canteen. May iilan kaming kaklase na naroon din nang makarating kami. Binati kami ng mga ito at binati rin namin sila pabalik.

We made our way to the stall. August volunteered to order so I just told him what I wanted. As he was paying, nag-ambag ako by the way, I tried to carry the paper bag we had. But my plan failed as he seemingly knew what I was about to do and beat me to it. That left me with only my iced coffee at hand.

I looked up at him and frowned, but he only gave me a knowing look and a smile. I huffed out air in defeat.

Once he was done paying, we exited the canteen and started making our way to the office. Katabi lang ng canteen ang main building ng high school department kaya hindi namin kinailangang maglakad ng matagal.

Nakapatay ang ilaw sa office nang makarating kami. Walang tao na naroon sa loob. Binuksan ko ang ilaw at naglakad kami ni August patungo sa table namin. Inilapag nito saglit ang mga pinamili maging ang bag niya bago binuksan ang AC ng office.

Nilabas ko naman 'yung mga kakailanganin naming mga gamit para sa project habang si August ay nilabas ang mga pinamili naming mga pagkain. Nang matapos ako sa ginagawa ay ipinasa niya sa akin ang pinabili kong tsitsirya. Ngumiti ako pinasalamatan siya. Hindi nagtagal ay nagsimula na rin kami sa paggawa.

Nagsuot ako ng earphones at pinindot ang paborito kong playlist. I was scrolling through the numerous websites that Google presented while munching on my chips. Hindi nagtagal at nakakita ako ng isang magandang site at pinindot ito. Babasahin ko na sana ang nilalaman nito nang maramdaman ko ang pagkalabit sa akin ng taong nasa tabi ko.

I slowly teared my eyes away from my laptop screen and directed my gaze towards him. I looked at him intently, waiting for what he has to say. Tinanggal ko rin ang suot kong earphone sa kanang tenga para marinig siya.

"Sorry to disturb, pero pwede padamay sa soundtrip?" He asked, chuckling softly.

Medyo nag-loading ang utak ko sa request niya. Inilahad ko ang kamay ko na may hawak na earphone sa kan'ya.

"Gan'to ba?" I asked, looking uncertain.

August's eyes looked at my hand and then back at me. He looked amused.

"Pwede na rin," he replied, taking the earphone from my hand and placing it on his right ear.

I adjusted the placement of my other earphone and placed it on my left ear. I opened my phone and pressed play, continuing the song that I was previously listening to.

I looked back at August who mouthed me a quick "thank you" with his signature smile and got back to what he was doing. Looking at us, I couldn't help the pounding in my heart from getting a bit stronger. Isn't this the kind of thing that couples would do?

I Wish You KnewWhere stories live. Discover now