MBC: 39

280 11 11
                                    

Chapter 39

"Wanna come?"

Mula sa pagkakatulala sa kawalan. Lumipat ang tingin ko sa nakalahad na palad sa harapan ko. Napatitig ako roon ng matagal.

Umakyat ang paningin ko. Mula sa palad, braso, hanggang sa mukha ng nagmamay-ari ng palad na iyon.

It was Kane.

He was wearing a genuine smile on his face na siya mas nag pa-gwapo pa lalo sa kaniya.

"S-saan?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatitig sa gwapong nito.

"Next week na ang Bakasyon. Wala ka bang pinaplano?"

Oo nga pala. Bakasyon na next week. Dahil lutang ako nitong mga nakaraang araw. Nakalimutan ko ang tungkol roon. Pero heto ako, nasa Dean Office at doon inuubos ang oras gayong dapat kasama ko si Thal at nagpaplano ng gagawin namin sa darating na bakasyon.

"Ikaw? Bakit ka nandito? Wala kabang date?" Balik-tanong ko sa lalaki sa halip na sagutin ang tanong niya.

Umiling siya.

"Nah. Ikaw sana ang gusto kong kadate." He said, smirking.

Umangat ang isa kong kilay.

"Ako?"

"Hmmm? Tutal mag ex-fiancé naman tayo kailangan mong bumawi sa akin dahil tinanggihan mo ako." May mapaglarong ngiti sa mapupulang labi nito.

"I didn't."

"You didn't? So...gusto mo din akong pakasalan?"

"Kung wala ba akong choice."

Humagalpak siya ng malakas. Kaya naman ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa kabuuang ng Dean Office.

"Kung hindi sana dumating si Leo edi sana kasal na tayo at siguro...may tatlo na tayong anak."

Binato ko siya ng nalukot na tissue na nasa ibabaw ng table ko pero mabilis nitong nasalo at walang-kahirap-hirap na shinoot sa trashcan.

"Sira!"

"Is that bad? Mag-asawa naman na tayo non." Giit pa ng sira-ulo.

"Shut up Velasquez!" I hissed.

Tumawa lang ang lalaki. At mayamaya ay naupo na siya sa bakanteng upuan at matamang tinignan ako. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"Wala kabang practice?"

"Wala. Our Captain is busy dating your ex-bff." Nakangising sagot niya.

I made my Pokerfaced.

And ano daw?

So their Captain is busy dating Darlene?

Ha!

So, talagang sineryoso nito ang pakikipagrelasyon sa best friend ko!

Well!

Bagay naman sila!

Isang brusko at isang napakaarte!

"Hindi ka ba naiinggit? Or I should say, nagseselos?" I heard Kane mocking.

Hindi ako kumibo.

"Bali-balita ang pagiging sweet ni Captain sa girlfriend niya." Pagtutuloy ng lalaki at tila para bang nangaasar ang tono nito. "Maraming nagsasabing bagay na bagay sila. And I bet, They're right."

Naikuyom ko ang mga palad.

Sa ilang araw na kumalat ang balitang iyon tungkol sa dalawa. Kaliwa't kanan na ang tsismis. Mula sa estudyante hanggang sa mga teacher! May mga kunong broken-hearted sa mga fans ng lalaki dahil hindi na ito single. May mga mangilan-ngilan namang nanghihinayang dahil bakit hindi raw ako ang nakatuluyan ng lalaki samantalang ako ang hinahabol. May ilang natuwa naman dahil mas gusto nila ang best friend ko sa lalaki. At may ilang naman nalungkot dahil hindi naging kami.

MARRYING the BILLIONAIRE CAPTAIN Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon