MBC: 26

294 8 0
                                    

WE HAVE A LITTLE BED SCENE HERE. Kaway-kaway sa mga inosenteng gaya ko. Huwag basahin kung hindi kaya. Minors reader Please be aware.

Thank you!

Chapter 26

"Sir, May bisita po kayo." anang nurse sa loob ng silid kung saan occupy ng lalaki. Nasa likuran ako ng babae bitbit ang ilang pinamili kong brunch.

Nabalitaan kong hindi pa raw kumakain ang brusko so as a generous person naisip kong dalhan siya. Nakakaawa naman kung mamamatay siyang gutom. Dumaan ako sa Italian restaurant at pinagtake-out siya ng pagkain. Charge ko na lang sa kaniya tutal mas mayaman naman siya sa akin.

"Who? Is that my wife?"

Nakita kong napakamot ang nurse sa gilid ng noo nito. Ano na naman kaya ang sinabi ng bruskong ito at napapakamot ng ganon ang nurse?

"Tatanungin ko po Sir,"

Humakbang palabas ang nurse sa pinto at saka ako hinarap.

"Asawa po ba kayo ni Sir Leo?"

Nalukot agad ang mukha ko sa tanong na iyon ng Nurse. Muntik ko pang mabitawan ang mga bitbit ko kung hindi lang ako naging maagap at hinigpitan ang pagkakahawak ng mga iyon.

"Pakisabi sa amo mong iyan dadagdagan ko pa ang karamdaman niya sa oras na hindi siya tumigil sa kalokohan niya!" Inis na sabi ko. Ang dami pa kasing pakulo!

Namutla ang babae at ilang beses na napalunok.

"S-sige po Ma'am. S-sabihin ko po." Mabilis na umalis sa harapan ko ang nurse at bumalik sa loob ng silid. "Sir, D-Dadagdagan raw po ng bisita ang -k-karamdaman niyo sa oras na hindi daw kayo tumigil sa kalokohan." Kandautal na sabi ng nurse sa lalaki.

Nakarinig ako ng halakhak mula sa loob ng silid.

Ang bwesit! Nagawa pang tumawa! Kitang ngawit na ako kakaantay sa labas ng kwarto niya!

"Okay, Papasukin mo na siya."

"Sige ho,"

Hinarap uli ako ng nurse.

"M-Ma'am pwede na raw ho kayong pumasok."

"Thank you," I said smiling.

I started walking inside Brusco's room. Iyon pinto ang nurse na ang nagsara.

Naabutan ko siyang nakasandal sa headrest ng kama. May hawak siyang book. Wattpad book. Ang title na nakalagay sa pabalat ng book ay, MY BOSS by Nassehwp sa bahaging ibaba ng title. (imagination ko lang po ang pagkakaroon ng book huhu)

Kusang umangat ang kilay ko.

So nagbabasa ring pala ang lalaking ito ng nobela?

"Instead of staring at me why don't you come near me and give me the greeting kiss? I much appreciated it, if you do that." He said nonchalantly.

I rolled my eye. Ibinaba ko ang mga bitbit ko sa ibabaw ng long table na nasa dulo ng kaniyang king-size bed.

"Nagkaroon ka na nga ng Testicular nagagawa mo pang manlandi." Pakli ko.

Kaagad na nagbago ang awra niya. His handsome face turned dark.

Padabog niyang binitawan ang libro sa gilid niya.

"And that's because of you! Kulang nalang ay tanggalan mo ako ng future genes mo!" Paninisi pa niya sa akin.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"Sino bang nauna? Hindi ba't ikaw? Kung hindi mo ako basta hinahalikan edi sana hindi mo mararanasan 'yan! And don't say that future gene! It's disgusting!" I hissed.

MARRYING the BILLIONAIRE CAPTAIN Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon