FRIENDSHIP BUILT

9 2 0
                                    

LIRHU'S POV

Batid kong may paparating sa 6th floor, sigurado akong isa ito sa mga kaklase namin. Mabilis ang paglalakad niya, tsk ang weak naman natatakot ba siya?

Sinadya kong banggain siya dahil upang makilala ko na rin. Wala pa kasi akong nakikilala na mga babae sa kaklase namin tanging silang Lorhen, Pran at Lurhov lamang.

Dumeretso ang lakad ko at nabangga nga niya ako.

"Hala, pasyensya na po. Hindi ko sinasadya akala ko kasi walang tao dito kaya nagmamadali ako" abala siya sa kaniyang gamit kaya hindi nagkataon na makita niya ang mukha ko, sa dilim na rin kasi ng paligid.

"ayos lang, dadalhin na kita sa dorm mo baka ano pang mangyare sayo dito" sambit ko dahil hindi ko rin batid na safe ang lugar na ito.

"Hindi ayos na ako, kaya ko naman ang sarili ko," dali-dali siyang tumakbo papalayo sa akin at hindi ko na siya naabutan pa. Ni hindi ko manlang natanong ang pangalan niya.

pero ang soft niya ah at alam kong napakaganda niyang babae.

PRAN'S POV

alas nwebe na ng gabi, at kailangan na naming apat na matulog. Magkasama kasi kami ng dorm ganon din kila Prae. Buti pa dito napipili mga gustong kadorm kaya pinili naming apat na sa iisang kwarto para mas maging makilala pa namin ang isa't isa.

Maganda naman ang kwarto. Malaki, hindi mainit kahit walang aircon, at maayos naman tingnan. Sadyang nakakatakot lang talaga at parang dati na itong abandonado.

Unang araw pa lang pero kabado na ako. Hindi sa mga subjects at pt namin kundi sa eskwelahan mismo. Naisip ko na naman ʼyong lalakeng nakaitim kanina. Wala ring tumangkang magsabi na sa kaniya na bawal magsuot ng kulay itim sa unang klase. Hindi kaya't takot sila?

Binalewala ko na lamang iyon, tulog na silang lahat, wala rin akong magawa kaya naglaro nalang ako ng ml magdamag.

'Defeat'

Ah tangina.

Lostreak nalang lagi.

Maya-maya pa nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Hindi ko maipaliwanag pero halatang nakakatakot itong puntahan. Hindi naman gaano kaingay ngunit rinig na rinig ko ang trahedyang nangyayare.

Na cucurious narin ako ngunit natatakot rin, gustuhin ko mang lumabas ay hindi ko magawa dahil curfew namin ng 10 pm.

hala shit. napagtanto ko na 3:30 am na pala. dali-dali kong inayos ang higaan ko at natulog nalang hindi ko na pinansin pa ang ingay sa labas. Siguro wala lang iyon.

Wala naman sigurong killer na pumapatay ng estudyante dito sa eskwelahan, ʼdi ba?

Revealing the Mysteries of High School (novel) Where stories live. Discover now