THE FIRST DAY OF SCHOOL

19 2 0
                                    

"I am Prae Garvastro, and I think Farah Domenant, deserve the position of secretary," ngumiti siya sa akin at tumango naman ako.

"Prae ano ba, hindi ko deserve 'yan. Ang pangit ng sulat ko..."

"Ano ba deserve mo 'yan, tsaka kailangan ka namin"

Hindi ko na pinakinggan pa ang pag-uusap nila at dinalian ko na ang pag-elect ng mga officers sa class 12 1/6.

"Any nomination for Treasurer? Ito ang pinakamahalaga dahil siya ang hahawak ng pera" ani ko.

"Sir. Hask I nominate myself"

"your name please"

"Lurhov Catareno, wait sir 'di ba kailangan ng treasurer ng auditor?" tumangon naman ako.

"Siya sir," tinuro niya ang babaeng katabi niya sa upuan.

"Pangalan mo dali,"

"Anong pangalan? hindi pa nga ako pumapayag e"

"Ang choosy mo. Uy pls Ms. Secretary anong pangalan nito?" pinilit na tinanong ni Lurhov si Farah kung ano ang pangalan ng kaibigan nito kaya napilitang sabihin ito ni Farah.

"S-She is K-Kiegh Luieqez," sambit naman ni Farah.

"Okay, Kiegh Luieqez is our auditor together with the treasurer Lurhov Catareno" ang lahat ay nagsigawan at nagtawanan sa sinabi ko.

"Ayiiiii! Sir may loveteam na ba tayo 'dito?"

"Uy Lurhov gusto mo si kiegh ano?"

"ngi si Kiegh kinikilig, may chemistry ang dalawa"

"Okay, class. Let's continue. For P. I. O and bussiness manager. I want a girl and boy for this"

Nag expect ako na madami ang tataas ng kamay nito ngunit dalawa lamang ang gumawa at sakto babae at lalake.

"Your name please"

"Sir, I nominate..." I cut her words.

"I said your name please"

"I am P-Piploy T-Tanwari?"

tumango ako at lumingon sa estudyanteng nakataas parin ang kamay.

"your name?"

"Sir? pangalan ko? Ah... ah... I am Lorhen Gregonzo"

"Okay good. How about the muse and escort"

"Excuse me, Sir. As the secretary of this section. I nominate Prae Garvastro and Rryan Ortiz."

*ringgg!! *ringggg!! *ringgggg!

Finally ay natapos na rin at sakto tumunog na rin ang bell. May pupuntahan pa kasi ako at bawal akong ma late. "Okay class, dismiss." huling sambit ko sa kanila bago ako tuluyang umalis.

PRAN'S POV

Sa wakas, ay ako rin ang naging presidente sa 12 1/6 na ito. Kaya lahat ng iuutos ko ay dapat nilang sundin kung hindi kailangan nila akong pagsilbihan haha.

Pumunta ang attention ko sa board ng class namin. Nakasulat doon ang lahat ng pangalan ng mga officers.

PRES: NARCELLO, PRAN
VICE PRES: DEOCCERO, LIRHU
SECRETARY: DOMENANT, FARAH
TREASURER: CATARENO, LURHOV
AUDITOR: KIEGH LUIEQEZ
P. I. O: TANWARI, PLOY
BUS. MANAGER: GREGONZO, LORHEN
MUSE: GARVASTRO, PRAE
ESCORT: ORTIZ, RYAN

"Prae pala pangalan niya. Ba't ko kaya nakalimutan 'yon e halos magkaparehas lang pala pangalan namin," kamot noo kong sabi.

"Aray, ano ba? sino naman itong-" galit kong saad dahil may bumatok sa ulo ko.

"so you already know me?" ah 'yong school muse bigla-bigla nambabatok hindi pa nga kami close fc ka ha.

"ang sakit non ah, ano ba problema mo?" nakahawak pa rin ako sa ulo ko dahil sobrang sakit ng pagkabatok niya.

"Look, explain this to me"

Pinakita niya sa akin ang post niya tungkol sa eskwelahang ito. Iyon 'yong narefresh ko nung nakaraang linggo.

"Oh, ano namang meron dyan? huwag mong sabihin na alam mong tiningnan ko 'yan? Stalker mo ha" Straight ko the point na ako alam ko namang stalker ko siya.

"Kapal mo, nilike mo 'yong post ko. Syempre malalaman ko talaga"

ha? haha gagi.

"Ano? s-sinong nagsabing nag like ako dyan?" bumilis ang tibok ng dibdib ko kaya binatukan niya ulit ako.

"Arayyy!"

"Mr. President. Maaari mo po bang iunlike 'yong post ko?" ngiting ani nito at nagpablink blink pa ang mga mata.

"sige, 'yon lang naman pala" kinuha ko ang phone ko at niunlike ang post niya pero syempre pinindot ko rin ang 'add friend'

"Tapos na, maaari na ba akong matulog Ms. Muse?" Tumalikod ako sa kaniya at natulog sa upuan ko.

"Tapos naman na ang klase Mr. Pres kaya sa dorm ka na matu-"

"Sh, natutulog ang tao. Ang ingay mo"

biglang natahimik ang paligid at hinihintay ang sagot niya ngunit walang sumagot siguro umalis na 'yon. Ienjoy ko na ang pagtulog dito tutal ako naman ang class president dito.

Revealing the Mysteries of High School (novel) Where stories live. Discover now