THE UNKNOWN DEATH

11 3 2
                                    

PRAN'S POV

...

Abala silang lahat sa classroom pero heto ako, naglilibot sa buong eskwelahan.


Nakita ko ang isang ganitor sa eskwelahan na 'to. Sobrang himala ang mga nangyayari, isang ganitor lang ang nakikita ko sa napakalaking eskwelahan na' to.



“manong?” tanong ko sa ganitor.


Hindi siya lumingon ngunit tumigil siya sa kaniyang ginagawa.


dahan-dahan niya akong nilingon at tiningnan ng masama na para bang may mali akong nagawa.

“anong ginagawa mo dito? bawal ka dito”


binitawan niya ang kaniyang dalang walis at aalis na sana siya ngunit pilit kong pinigilan siya.



“manong may tanong lang sana ako”


“arayyyy!” hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at tinitigan ako ng masama.



“ang tanong mo ay sa guro mo itanong”


niligpit niya ang mga gamit niya at dali daling umalis. ang sakit ng pagkahawak ng kamay niya. may marka pang iniwan.


“sino 'yong batang namatay kagabi?”


hindi ko alam ang gagawin ko, bahala na ayokong sayangin ang oras ko. tatanungin ko na siya ng deretsahan.


nagulat nalang ako ng patuloy pa rin itong lumalakad ngunit ngayon ay mas mabilis na.



“manong, alam kong may alam ka”



“alam na ano?”



malakas na boses ang narinig ko mula sa likuran ko.


“s-sir,” nauutal kong saad.

lumingon ako muli sa ganitor ngunit wala na, wala na siya sa kinaroroonan niya.


“bumalik kana sa klase mo, baka mahuli kana”


hawak ni sir hask ang uniform ko at pilit ko itong binibitaw mula sa kaniya.


“may itatanong lang sana ako sa ganitor, sir. nakalimutan ko kasi 'yong lesson natin”


yumuko ako ngunit nagulat ako sa sinabi ni professor hask.


“umalis kana, walang ganitor dito”

Revealing the Mysteries of High School (novel) Where stories live. Discover now