.
Gabriel's pov:
"Good siguraduhin lang nilang Hindi Sila papalpak. Siguraduhin mo din" Sabi ni bong. Andito Ako ngayun sa opisina Niya para sabihing ok na Ang meeting ko with the suppliers
Masaya Naman Ako sa mga ginagawa ko so ipinagpatuloy ko lang. Pasasaan bat nag bunga din lahat Ng pinag hirapan ko
"Oo na. Sigurado Yun. I have to go may pupuntahan pa Ako" paalam ko, nang bandang bubuksan kuna Ang pinto ay may naalala Ako
"Bong"
"O?" Sagot Niya Ng dimanlang Ako nililingon dahil naka tuon lang Siya sa hawak niyang files "do you still remember Arian?"
Mukhang nag iisip Siya. He look at me,nalilito "Arian?" Ulit pa Niya
"Ariana Hernandez" Sabi ko. Buti nalang naalala ko Ang full name Niya. "what's with Arian?"
"Nakita ko siya Minsan sa mall"."and?"
"You're in the big trouble dude"
At lumabas na Ako Ng opisina Niya, bahala Siya mag isip kung ano Ang ibig sabihin ko dun. Tiyaka malaking gulo to Wala akong balak mag sayang Ng oras para pag usapan Ang tungkol dun
...
Pupunta Ako ngayun sa school kung Saan ko hinatid Si Arian. May mahalaga kaming pag uusapan. Sakto Ang dating ko. Palabas na Sila Ng gate at may Kasama siyang batang lalaki, Yun siguro Ang anak Niya Kay bong.
Binuksan ko Ang bintana Ng kotse
"Say hi to your Tito gab" Sabi ni Arian sa Bata "hi Tito gab!"
"Hi what's your name?" Tanong ko,Nakaktuwa Siya Mukha siyang mabait!
"May name is kurty bong" ngumiti Siya, kanino kaya Niya Namana Ang magandang ngiti Kay bong ba o Kay Arian?. Sumakay na Sila Ng kotse
Sa mall kami nag punta. Kung Saan makakausap ko si Arian at hinayaan naming mag laro muna Si Kurt dahil Hindi Niya pwedeng marinig Ang pag uusapan namin.
"Eh sabihin mo Kay bong Ang tungkol Dito" Sabi ko Kay Arian
"Yun nga Ang balak ko tiyaka kumukuha pa Ako Ng tyempo tiyaka mas madali na ngayun dahil andiyan ka. Tutulungan mo Naman Ako Diba?"
"Oo, tutulungan kitang sabihin Kay bong. In fact nabanggit na kita sakanya kanina" nanlaki Ang mga Mata Niya. She can't wait for the details
"Talaga?! Ano Sabi?"
"Tinanong ko lang kung naaalala kapa Niya and he says yes"
She laughed. "I'm pretty sure Hindi Niya Ako malilimutan. Bilang Naman sa mga daliri Ang mga naging girlfriends Niya right? At higit sa lahat napaka iksi lang Ng pinag samahan namin. Napakaiksi"
I can remember na wala na siyang ginawa noon kundi mag pa cute Ng mag pa cute Kay bong noon, to think na model Siya noon. Noong mga panahong Yun Si Sara Ang last girlfriend niya. Sabi ko noon Kay Arian mahihirapan siyang makuha Ang atenshon ni bong dahil alam ko kung gaano Niya kamahal noon Si Sara. Pero consistent Ang babaeng toh sa pag papacute.
"Naging kayo ba talaga? Gaano kayo tumagal? Isang linggo?"
"5 days, I do consider him as my ex boyfriend, ewan ko lang skanaya. But I don't care, what matters now Si Kurt, my son. Our son. Kailangan niyang malaman Ang tungkol sa bata dahil napaka laki na Ng utang Niya sakin.
"Alm mo bang may pamilya na Siya ngayun?" Tanong ko sakanaya
"Oo. It's a fixed marriage right? How pathetic! Sigurado Ako Hindi mahal ni bonget Yung Asawa niya."
"Nag kakamali ka, mahal na mahal ni bong Si Liza" tiningnan Niya Naman Ako Ng masama
"Kakampi ba kita? Tutulungan moba Ako?!" Tanong Niya "I'm Just stating a fact"
"Whatever. Kayang kaya ko Silang pag hiwalayin. may hawak akong alas, after all asaakin Ang panganay niya" at tinapunan Niya Ng tingin Si Kurt
"So kelan mo balak sabihin toh?"
"As soon as possible. I really need your help! Kailangang mag kita kami."
YOU ARE READING
Kiss Me (Completed)
FanfictionFixed marriage. does it work? how well do you know the person you married? can you accept everything from him? even his imperfictions?