"Anong nangyari d'yan?" agad kong ibinaba ang bag ko sa tabi ni Victoria at pumunta sa tabi ni Jaida dahil katabi niya ang walang malay na bakla.
"He's drunk," tinaasan ko nang kilay si Victoria. Rinig ko kasi ang sarkasmo niya nang sagutin ako. "Gaga alam ko," siya naman ang tumaas ang kilay.
"Why don't you ask that dumbass?" malditang tanong nito sa akin. Isa si Victoria sa hindi ko nakakasundo sa mga baklang kaibigan ni Nevs, puro away kasi ang nangyayari sa amin kapag nagsasama kaming dalawa. "Tse, manahimik ka na nga lang d'yan, Vic. Puwede ba?" tumaas ang kilay niya, pero hindi ko na 'yon pinagtuunan pa ng pansin.
"What happened, Jads?" ito na lang yata ang matinong kausap sa mga badet na kaibigan ng bruhang Nevs na 'to. Ito lang kasi 'yong taong nakakausap ko ng maayos at hindi ako pinipilosopo at minamalditahan katulad sa bruhang Victoria na 'yan.
"He's drunk and devastated," hindi maiwasan ng pagmumukha ko ang pagtataka sa kaniyang sinabi and he noticed it. "Touru cheated on him," nanlaki ang mga mata ko. I couldn't help but be shocked, even though I had fully predicted that gay man would cheat on him.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Nevs na para isang lantang gulay. Walang lakas ang katawan niyang gumalaw at para siyang tarsier na nakakapit nang sobrang higpit kay Jads habang umiiyak na parang bata.
"I can take care of him, Jads," nakangiting hasik ko sa kan'ya. Bumuntong hininga siya at alam kong hindi naman 'yon para sa akin kun'di para sa kaibigan niya. "Cyone, I apologize. if I'd asked you to send Nevs back to his condo. I have an important matter to attend to kasi and I can't rely on Vic to take him home," tumango ako dahil hindi naman big deal sa akin 'yong paghatid kay Nevs sa condo niya.
"You look tired, Jads," kusang lumabas 'yon sa aking labi. Ang hirap din kasing hindi mapansin lalo na't I can't see his smile in his eyes. "Hmm? Don't worry about me, darling. Okay lang ako," tumango na lang ako dahil mukhang ayaw niya itong pag-usapan.
"We're leaving," hasik ko sa kanilang dalawa, pero si Jads lang ang tiningnan ko dahil nakakaasiwa ang pagmumukha ni Victoria. Ugh, I want to rip that face of his! "Be careful, Cyone."
I bid goodbye to them both once more after Jads helped me put Nevs into my car. Syempre, hindi mawawala d'yan ang mapanglait na mata ni Victoria kaya I rolled my eyes at him at bago pa siya gumanti ay agad ko na ring pinaandar ang sasakyan.
Habang nagmamaneho nang sasakyan halos hindi ko matanggal ang tingin ko kay Nevs. He looks so miserable and hindi ko 'yon kayang tingnan. Bakas pa rin ang luha sa mukha niya at ang lungkot na nararamdaman niya.
I parked my car in parking lot of his condo and stepped out to take him out in the backseat car. Magaan naman si Nevs dahil naka maintain ang diet niya kaya hindi na rin ako nahirapan pang ilabas siya sa sasakyan.
"Cyone darling," tumingin ako kay Sarah. Isa siya sa mga taga-bantay sa front desk and nakilala ko na rin siya nang dahil kay Nevs. "Lasing ba si Neveah?" tumango ako habang nakatingin naman siya sa kasama ko.
"Mauna na ako, Sarah," nakangiting paalam ko rito at naglakad patungo sa elevator.
Habang nasa elevator kaming dalawa ni Nevs ay bigla ko na lang narinig ang mahinang hagulgol niya at kusang yumakap sa akin ang katawan niya. Hinayaan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa at para mas lalo pang maging okay ang nararamdaman niya ay hinagod ko ang likuran niya.
"T-touru cheated on me..." halos pumiyok na siya upang masabi lang 'yon sa akin. I remained silent at patuloy pa rin na hinahagod ang likuran niya. "That jerk! Akala ko gusto niya ang a-ass ko!" hindi ko naiwasang matawa.
"Let's go—what the fuck, Nevs!" naisigaw ko sa gulat dahil bigla niyang hinila papasok sa elevator ang lalaking papasok pa lang sana. Gulat din ang nakarehistro sa mukha ng lalaki katulad ko.
"Nevs," tawag ko sa kan'ya, pero hindi niya ako pinakinggan at parehas kaming napasinghap nang lalaki nang bigla niyang hawakan ang dalawang pisngi nito.
"Omg! No!" parehas naman naming sigaw nang lalaki sa kan'ya.
Lumapit ako sa kanila at sinimulan siyang hatakin, pero nagulat ako dahil nanlalaban sa akin ang bakla. His serious eyes were looking directly at the man at katulad na lang kanina ay pareho kami ng reaksyon ng lalaki.
"Neveah!" hindi ko na alam ang gagawin ko nang ilapit niya ang mukha sa lalaki. Hindi na rin nakagalaw ang lalaki dahil siguro sa gulat kaya sa sobrang taranta ay pumasok ako sa pagitan nila at doon ko naramdaman ang malambot na labi ni Neveah.
Oh my fucking god!!
My eyes grew more widened when his lips wrapped mine. Bawat haplos ng labi niya sa labi ko ay ramdam na ramdam ko. Mariin akong pumikit at hinawakan ang kaniyang pagmumukha. Pilit ko itong itinanggal sa akin at nang tuluyang nagawa ay mabilis sa alas kwatro kong sinampal ang mukha niya.
Gasp.
'Yan ang narinig ko sa lalaking kasama namin sa elevator matapos niyang makita ang pagkakasampal ko kay Neveah. He turned his head to face me before focusing on my lips. I scowled as I noticed him swallowing.
Gwapo siya at matangkad, pero baka matrauma siya dahil sa nangyari ngayon. I massage my head because of the trouble Neveah made. Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay habit niya pa rin ang manghalik ng kung sino kapag lasing siya.
"Hello?" he flinched. "Uhm, huwag kang matakot. I'm not trying to attack you. I just want to accept responsibility for what my friend did and para na rin humingi ng sorry."
"H-huh? No, it's okay. S-sige mauna na ako."
Bumuntong hininga ako at tiningnan ang papalayong bulto ng natatarantang lalaki, at saka tumingin kay Neveah na bagsak sa harapan ko.
"You're dead, Neveah Levine."
**
Author's note:
Hello, guys! I know na nagustuhan niyo ang story ng baklang si Neveah at ang gagang si Alycone. But this is my final update on their story, as it is simply a promotional post on Wattpad. Huhu, sori mga accla, originally, nasa Dreame app po talaga ites, and I didn't expect na papatok pala siya rito sa watty. But anyways, thank you for the support! If you're interested, basahin niyo na lang sila sa Dreame, but endure the slow update, lovelots! But the Marriage Blanc which is gayxgirl din, hindi pa siya naka signed sa Dreame at mukhang wala naman akong balak. Ayun na lang ang basahin niyo, mwah! 💗
BINABASA MO ANG
Cloak and Mask
Romance"I'll do it if that's the only way to convince you to agree to what I want, merlat." - Neveah Levine Swerte siya dahil lumaki siyang may mapagmahal na magulang at marangal na trabaho na kayang ipagmalaki ng mga magulang niya. Nguni't ang makilala at...