Chapter 5

0 0 0
                                    

Herseyy Gill's Pov

Nandito kami ngayon sa isang tv station. Na stalk na kami rito dahil na rin sa dami ng mga nilalang na hindi namin maintindihan sa labas. Nabaril din nila ang binti ng kakambal ko at kaibigan namin kaya hindi kami makaalis dito.

"I hope, may nakarinig ng panawagan natin," Aquilla said. She is my friend at boyfriend ng kambal ko.

Honestly, nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko alam kung may patutunguhan pa ba kami dahil mukhang sinakop na kami ng mga nilalang na 'yon. Hindi ko rin alam bakit kami lamang ang nagalaw pero sana mayron pang nga katulad namin.

Pinagmamasdan ko ngayon ang nanghihina kong kakambal, marami ng dugo ang nawala sa kan'ya.

"You better not die here or I will cut your neck," inis kong sabi rito.

Nakaunan siya sa hita ni Aquilla. Nilingon ko naman si Fourth na may tama rin.

"I think, iwan niyo nalang kami rito," he said. Agad ko itong samaan ng tingin.

"Fourth is right. Wala tayong mapapala kung walang kikilos," dagdag naman ng kakambal ko.

"Shut up dahil ako mismo papatay sa 'yo," inis na sabi ni Aquilla.

Hindi na lamang ako sumabat dahil baka mag-away pa kami sa tigas ng ulo ng dalawang 'yon. Kahapon pa kami hindi nakain at nagugutom na ako ng sobra.

"Gaven, let's go."

"At saan naman kayo pupunta?" nakataas kilay na tanong ng kakambal ko.

"Kukuha ng pagkain, may nakita akong mini grocery sa tapat," sagot ko.

Tumayo naman si Gaven at nag-unat unat pa.

"No, walang aalis. Nakita niyo naman sitwasyon sa labas diba?" Inirapan ko lamang ang kakambal ko at hindi ito sinagot.

He can not do anything naman dahil hindi na siya makabangon.

Kinuha ko naman ang aking katana at bitbit naman ni Gaven ang kan'yang baseball bat.

Nagsimula na kaming kumilos.

"Are we gonna kill them?" he asked.

"Kung makakasagabal sila sa atin, feel free." Napangisi naman siya sa sinabi ko.

Galing kami sa isang mayanang pamilya. Maraming banta sa buhay namin kaya tinuruan kami kung paano pangalagaan ang aming sarili. Itong katana ko ay regalo sa akin ng aking Lolo, he is the one who taught me how to use this.

Mabuti na lamang ay hindi pa nila pinapasok ang building kung nasaan kami.

Nang makarating kami sa first floor ay sineniyasan ko si Gaven na magdahan-dahan. Nagtago ako sa likod ng lalaking nakatayo malapit sa entrance para silipin ang labas.

"Just a few of them, patayin nalang natin," saad ni Gaven na nasa likod ko na pala.

Mayrong tatlo sa tapat. Tinanguan ko naman si Gaven at agad kong sinugod ang pinakamalapit sa akin.

"Nice," puna ni Gaven dahil lumipad ang ulo nung sinugod ko.

Naging alerto naman ang dalawa at agad kaming binaril na tila liwanag ang bala. Mabuti na lamang at madaling kaming umilag.

"We are lucky dahil mukhang sila lang ang nandito. Be quick, baka may dumating pa," Gaven said.

Agad ko namang pinugutan ng ulo ang pinakamapit sa akin at hinampas naman ni Gaven sa ulo ang isa pa.

"Basag," komento niya nang marinig namin ang tila nabasag ng bungo nung hinampas niya.

Wala na kaming inaksayang oras at agad tumakbo sa grocery. Kumuha kami ng tig isang basket na may gulong para roon ilagay ang mga pagkain. Pinaalalahanan ko rin itong bilisan.

When The World StopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon