Chapter 6

0 0 0
                                    

Lexzile Malyari's Pov

Nandito na kami ngayon sa bangka papunta sa kung saan kami nanggaling bago mapadpad sa isla.

"May maaabutan pa kaya tayo?" tanong ni Kyu.

"What if nagkalat na ang mga alien doon?" dagdag pa nito.

Napatingin naman ako sa katana na nasa paanan ko. Mayroon kasi kaming nadaanang store na may iba't-ibang weapons bago kami pumunta noon sa isla.

"Sana ligtas lang sila," I said.

Tumango-tango pa ito habang pinagmamasdan ang nakuha niya ring katana.

Hindi nga nangyari ang zombie apocalypse na lagi kong sinasabi kay Kyu, nagkaroon naman ng mga mananakop na alien.

"Hoy sinapian ka na ba?" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Kyu.

"Natawa ka kasi, mukha kang baliw." Nang dahil sa sinabi niya ay tumawang muli ako. Inirapan niya na lamang ako na siyang mas kinatawa ko pa.

What if nangangagat din ang mga alien tapos matutulad ka sa kanila pag nakagat ka? Hindi na imposible 'yon diba? Nagka alien nga bigla eh.

Natawa na lamang ako. Minsan talaga ang weird ng mga fantasies ko.

"Guys dapat iniwan nalang natin si Zile, natawa siya mag-isa omg baka baliw na siya," rinig kong sabi ni Kyu kaya mas tumawa pa ako.

Pansin ko naman ang pagngiti ng iba dahil mukhang nagegets nila na inaasar ko rin si Kyu.

"Stop na Zile, mukha kang nakatakas sa mental. Sabi na dapat pinatingin na kita kay Mommy. Anong klase akong kaibigan? Natuluyan ka tuloy," tila emosyonal na sabi nito.

Mas lalo lamang akong natawa. Hindi ko rin alam bakit natatawa ako ngayon. Weird ko talaga sometimes.

Naramdaman ko namang may umupo sa kanan ko, nasa kaliwa ko kasi si Kyu.

"Hey," bati nito.

Tiningnan ko naman ito bago nginitian at tinanguan. I can say na comfortable ako sa presence ni Ash lalo na rin pag magkausap kaming dalawa. Parang matagal na kaming magkakilala.

"Bakit ka sumama?" tanong nito.

Dahil dito, natawa na naman ako. Ang weird kasi ng dahilan ko eh.

"Ang boring kasi," sagot ko rito. Tumawa naman ito kaya mas lalo akong natawa.

Bakit ba ako tawa ng tawa ngayon? So weird. Ayoko nanga, uso pa naman yung pag tawa ka raw ng tawa or masaya ka may luhang kapalit.

"Right, same!"

Muli naman kaming natahimik. Ewan ko ba, bukod kay Kyu ay wala ng ibang natagal kausapin ako. Hindi ko kasi alam paano magpapahaba ng usapan. Mas prefer kong makinig na lamang kagaya ng lagi naming ginagawa ni Kyu. We are opposite incomes in personalities.

Kyu is friendly and I'm not. She loves talking, I prefer listening. She's noisy and I am not. She loves socializing while I hate that. But of course, we also have some things in common.

"Malayo pa ba tayo?" rinig kong tanong ni Kyu sa katabi niyang si Hide na nagkibitbalikat lamang bilang sagot.

...

"Zile, wake up." Naimulat ko ang aking mata dahil sa narinig ko.

"I am sorry," sagot ko kay Ash. Nakatulog na naman ako sa braso niya.

"It's okay, you can do that always." Nginitian ko naman ito at nagpasalamat.

Tahimik lamang ang paligid pero naging alerto pa rin kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The World StopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon