Chapter 3

0 0 0
                                    

Ashari Martin's Pov

"Bilis, takbo!" buong lakas na sigaw ko. Hinahabol kami ngayon ng mga nilalang na alam naming hindi tao.

Patuloy lamang kami sa pagtakbo nang mapansin kong wala sa unahan ko si Tairii.

"Huwag kayong tumigil!" rinig kong saad nito na nanggaling sa aking likuran.

Nakadapa ito sa kalsada at nagdudugo ang kan'yang binti. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad ko itong binalikan.

"Sabing umalis na kayo!" Galit itong nakatingin sa akin, kahit buong buhay siyang magalit ay hindi ko siya iiwan. 

Tinulungan naman ako ni Hide na akayin si Tairii.

"Pare-pareho tayong mapapahamak sa ginagawa niyo!" Hindi namin siya inimikan at patuloy lamang kami sa pagtakbo.

Sa hindi kalayuan ay may isang babae at lalaking patakbong palapit sa amin.

"Omg kuya!" rinig kong sabi nung babae. 

"Ayos lang ba kayo?" bungad nung lalaki sa amin. Inilingan ko naman ito at tinuro ang may tamang binti ni Tairii.

Kagaya ng sabi nila ay sumunod lamang kami hahggang sa mapansin naming wala na ang mga humahabol.

"Magpahinga muna tayo." Umupo kami sa isang bench na nakita namin.

Napag-alaman naming alien ang tawag nila sa mga humabol kanila. Sabi pa nila ay may iba pa silang kasama.

"Ayos lang ba kung sumama kami sa inyo?" tanong ko. Kung marami kami, maaari naming mahanap ang sagot sa mga nangyayari ngayon. Sana nga ay may paraan pa para bumalik sa dati ang lahat.

Napagdesisyunan naming maglakad ng muli, sabi nila ay baka nag-aalala na ang kanilang kasama. Nag-insist akong buhatin na si Tairii pero sadyang matigas ang ulo, kaya wala kaming nagawa kundi akayin nalang.

Sa tingin ko ay ilang minuto na ang lumipas nang matanaw namin ang isang lalaki at tatlong babae. Sinalubong pa kami ng isang babae.

...

Nandito kami ngayon sa 7/11. Napagdesisyunan kasi naming magpahinga at kumain.

"Hey." A girl who named Lexzile, sat beside me.

"Ah hello," bati ko rito. Nginitian niya naman ako.

"You think na may way pa para maibalik ang lahat sa dati?" Hindi ko namalayan na nakatitig lang pala ako sa kan'ya.

"Hey? Are you okay?" Agad naman akong nabalik sa wisyo nang muli kong marinig ang boses niya.

"We don't know. Ni hindi nga natin alam kung anong nangyayari ngayon," sagot ko rito.

Tumango-tango naman siya.

"Paano kung may way para maibalik ang lahat sa dati pero pwede kang mag stay rito, anong pipiliin mo?"  Napaisip ako sa tanong niya. Well, of course pipiliin kong bumalik sa katotohanan.

Sasagutin ko na sana ang tanong niya pero inunahan niya ako.

"If you will ask me, mas pipiliin kong mag stay rito." Tinitigan ko siya. Kita ko ang kalungkutan sa kan'yang mga mata.

Why? Bakit mas gusto niyang manatili sa hindi maipaliwanag na nangyayari ngayon?

"Weird right? Pero, nothing can change my mind."

Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin dahil kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko na kahit ako naman ay nagulat.

"I'm sorry," bulong ko rito at bumitaw.

Nakayuko lamang ito.

"Hey, I'm sorry hindi ko sinasadya." I am worried, baka kung anong isipin niya.

When The World StopsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon