Lexzile Malyari's Pov
Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas dahil pati ang orasan ay hindi nagana. Nakatunganga lamang kami ni Kyu rito sa bahay. Walang internet at signal.
Malakas na bumuntong hininga si Kyu.
"Ano ba 'yan. Paano tayo mag eenjoy kung ganito?" inis na sabi niya at humiga sa aking higaan.
Hindi ko siya sinagot at tanging pananahimik lamang ang aking ginawa.
"Teka naririnig mo ba 'yon?" nakakunot noong sabi niya.
Dali-dali kaming lumabas para makita kung anong bagay ang naglilikha ng malakas na tunog.
Bago pa man makatapak ang paa namin sa labas, gulat na nanlalaki ang aming mga matang nakatingin sa kalangitan.
"UFO ba 'yan?"
Hindi ako sumagot. Hindi pa rin nag sisink in sa akin ang nangyayari.
Bigla na lamang akong hinigit papasok ni Kyu at agad niyang sinara ang pintuan. Rinig namin ang sunod-sunod na pagsabog sa labas.
"Sabog ka ba? Bakit ba ang lutang mo? Mukhang sinakop na tayo ng alien!"
Kitang-kita ko ngayon ang frustration sa kan'yang mukha.
"Hindi na tayo ligtas dito," mahinahon kong sabi.
Kung magpapatuloy ang pagsabog, maaaring madamay ang bahay namin.
"Aalis tayo? Saan tayo pupunta?" kunot noong tanong nito.
Nagkibitbalikat ako. "Basta, kailangan nating makalayo rito. Baka may iba pang taong gumagalaw katulad natin. Kailangan nating manghingi ng tulong."
Nilibot ko ang paningin sa sala. Paano sila mama?
"Siguro nga!" tarantang sabi nito matapos ang malakas na pagsabog na tila malapit sa amin.
Wala na kaming inaksayang oras at agad kaming nagbihis at nag-ayos ng mga mukhang kakailanganin namin.
"What if sa grocery store tayo? Para maraming pagkain diba!"
Tumango na lamang ako. Ang problema namin ngayon ay paano makakalabas nang hindi nadadamay sa pagsabog.
Ano ba kasing nangyayari ngayon? Parang kahapon lang ay isa akong 2nd year college student.
"Teka lang!" Dali-dali akong bumalik sa kwarto ko para kuhain ang librong ginawa naming dalawa.
"Tara na."
Patuloy lamang kami sa pagtakbo hanggang sa maramdaman naming nakalayo na kami sa mga pagsabog. Napatingin kami sa kalangitan.
Mayrong limang tila UFO kung saan nagmumula ang mga pangsabog. Sinakop na ba kami ng alien?
"Binabawi ko na ang sinabi ko, hindi pala masaya 'to. Mas gusto ko pang mabaliw sa kolehiyo," malungkot na sabi niya.
Kahit na tila sobrang mapanganib ng sitwasyon namin ngayon, wala akong naramdamang takot. Makikipaghabulan ba ako sa buhay ko?
"Sana panaginip na lamang ang lahat."
No, ayokong maging panaginip ang lahat. Kung panaginip man ito, ayoko ng magising at bumalik sa malupit na mundo.
Nagsimula kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa isang mall.
Nginitian ako ni Kyu. "Well, free shopping!" Excited pa siyang nagtatakbo pa loob. Na pa iling na lamang ako.
May mga tao pa rin sa paligid namin pero kagaya ng mga magulang ko ay hindi rin sila gumagalaw.
Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng kaluskos. Alam kong narinig din ni Kyu 'yon dahil agad din siyang napatigil. Dahan-dahan itong lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
When The World Stops
Misterio / SuspensoPaano kung paggising mo, ikaw nalang ang nagalaw? Paano kung paggising mo, tila mga istatwa ang mga nasa paligid? Paano kung makahanap ka ng mga katulad mong gumagalaw pa? Hahanapin niyo ba ang sagot sa kababalaghang inyong kinamulatan? o Pagsasakaw...