Chapter 2: Ikaw?!

868 35 19
                                    

CHAPTER 2

Halos hindi nakatulog ang tatlong dalaga sa kakaisip magdamag. Nang dumating ang umaga ay agad na pumunta sila sa hotel na pagtatagpuan nila ng kanilang future-husband kasama ang kanilang mga mommy's ngunit magkaibang room number ang pinasukan nila. Upang magkaroon naman daw ng privacy ang bawat isa sa kanila sa pagtagpo sa kanilang magiging asawa. Ang pagbanggit lang sa salitang asawa ay nanginginig na sila sa takot at kaba, wala pa rin talaga silang ideya kung kanino sila ikakasal.

Isn't it so unfair? Ito ang paulit-ulit na sinasabi nila sa sarili. Pero ano pa nga ba ang magagawa nila. They believe in the saying "Mother knows best."

"Ikaw?!!!" sigaw ni Saiki sa lalaking nakatayo sa harapan niya na kararating lang din kasabay nila.

Tinignan lang siya nito at naupo sa kabilang bahagi ng sofa kaharap niya.

Oh ghad, why of all people si Ace Matthew pa? Hindi nga talaga nagbibiro si Mommy ng sabihin niyang kilala namin ang groom-to-be namin. Paano'ng hindi makikilala eh sikat na sikat si Ace sa University and even outside dahil sa angking kagwapuhan nito. Oo gwapo siya. Ay hindi, napaka gwapo niya. Pero that's just it. His attitude sucks and he's also known because of that. I really can't stand his guts, ang yabang niya'n sobra!

Nag-uusap sina mom at ang dad ni Ace, I didn't bother listening as If I care. His father complimented me earlier but I didn't bother replying I'm not usually rude but kailangan kung humanap ng paraan para ayawan nila ako, then maybe, just maybe.. hindi nila ipursue ang wedding.

"Tapos na ba kayo'ng mag-usap? Madami pa akong gagawin, mabuti nga't naisingit ko pa 'to sa schedule ko today. Tsk"  pagrereklamo ni Ace

Teka ano daw? Schedule? Pinapatawa niya ba ako? Ano siya artista? CEO? Eh isang hamak na college student lang naman siya. Ito na nga ba'ng sinasabi ko eh, napaka hangin niya talaga kahit kelan.

"You can go whenever you want to. No one's holding you back."  - Saiki

"I'm not talking to you."  Tumingin ito sakanya at nagpatuloy

"And besides, aalis naman talaga ako with or without they're approval."  sabi nito sabay tayo at alis.

****

Sa kabilang room ay naiinip na si Cielo kahihintay sa groom-to-be niya. Pero actually 5 minutes palang ang nakakalipas simula ng pumasok siya sa room ng hotel na ito. Pero para sa kanya ay limang oras na ag nagdaan, malapit na rin niyang maubos ang tubig sa mesa kakainom dahil sa kaba na nararamdaman niya. Pagbukas ng pinto ay hindi agad nakita ni Cielo ang mukha ng lalaki dahil sa hawak nitong libro.

Jusmeyo, ipapakasal pa ata ako ni Mommy sa isang Geek. Omg, naiimagine ko na ang itsura niya kahit natatakpan pa ito ng libro. Makapal na kilay, malaking eyeglasses, malalaking ngipin at—

"Cielo! Ano ba gumising ka dyan nakakahiya ka" pabulong na sabi ng mommy ni Cielo habang mahina siyang binabangga. Hindi niya namalayan ay napapikit na pala siya kakaimagine.

Pagbuka niya ng mga mata niya ay halos, malaglag ito. Tela nakakita siya ng anghel na bumaba galing sa langit pero syempre imagination niya lang yun. Nakatitig siya ngayon sa kanyang man of his dreams! Kay Alec Park. Isa sa mga topnotcher ng University nila at siya ring ultimate crush niya.


OMG. Ikasal niyo na kami ngayon din Lord.

Halos maghugis puso ang mata ni Cielo. Wala siyang ibang masabi kundi "Thank you Lord"


"Stop staring."  - Alec

Saka lang narealize ni Cielo na kanina pa nga siya nakatitig sa lalaking ito.

THEY'RE MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon