Chapter 6: Drunkards!

236 12 10
                                    

CHAPTER 6

Matthew's POV

"Babe.. you're so hot." kinagat niya yung labi niya halatang ng seseduce.

"Ikaw babe aren't you hot with those clothes on?" sabay kindat.

Hindi ko na napigilang sumabat, "WTF Get a room!" mga walanghiya sa harapan ko ba naman maglandian? Tumawa lang si Shawn sabay hila dun sa babae papalayo samin. Babaero talaga kahit kailan.

"Okay lang bang hayaan natin siyang ganyan? Kakakasal lang niya like 30 mins ago." napatingin ako kay Alec na ngayon ay umiinom, napapadalas na ata yung pag-inom niya.

Pagkatapos ng kasal ni Shawn ay dinala niya agad kami dito hindi na nga kami umattend sa reception. Tiyak na nag-uusok na sa galit yung parents niya. Buti nalang wala si appa siya lang naman yung kinatatakutan namin or should I say sinusunod namin. Sobrang close kasi talaga namin sakanya kaya kahit magkakaiba kami ng ugali magpinsan napalapit kami sa isa't isa dahil na rin sa kanya. May aatenan daw siyang isa pang kasal kaya hindi na siya makakasama sa reception. Salamat naman dahil naka alis din kami.

At dun naman sa tanong ni Alec? para namang may magagawa pa kami diyan sa pinsan naming malandi nanalaytay na ata sa dugo niya ang pagiging babaero. "Pabayaan mo na siya. After all, we were all forced to wed." walang isa samin ang may gusto nito. Lahat kami napilitan lang ni isang beses hindi pa sumagi sa isip ko ang magpakasal pero tignan mo nga naman tatlong araw na simula nung kasal ko.

"You know Shawn all he wants is to have fun! no strings attached." kung gaano kahilig magbasa ni Alec ng libro ganun din kahilig ni Shawn mambabae.

"Puro kalokohan lang alam nun." dagdag ko pa.

Tumawa si Alec. Ano namang nakakatawa dun sa sinabi ko? Sapakin ko 'to eh.

"Nanggaling pa talaga sayo yan? Sino kayang mas maloko sa inyong dalawa?"

"Maloko lang pero hindi babaero." aaminin ko ako yung mahilig mang-asar sa aming tatlo pero loyal naman ako sa taong gusto ko. Kaso ano pa ang magagawa ng pagiging loyal ko eh nakatali na ako sa isang babae na hindi ko naman gusto.

Hindi ko nga kilala eh ano nga ulit yung pangalan niya? Sally? Shymae? Sushi? shit di ko maalala. Pamilyar lang ako sa mukha niya kasi nakita ko ata siya minsan sa university parehas pa ata kami ng pinapasukan kaasar lang TSK!

Natigilan ako sa pag-iisip sa babaeng yun ng makita ko si Shawn na naglalakad pabalik sa table namin. O ba't nandito na siya? Ang bilis naman.

"That was fast." hindi pa umuupo si Shawn kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya ng sabihin yun ni Alec. Paniguradong bitin 'to pustahan pa! Wala pa ngang ten minutes.

Umupo na siya sa tabi ni Alec. Napatawa nalang ako ng malakas ng makita ko yung mukha niya. "May boyfriend pala." sabi niya sabay tawa din. Baliw na ata 'tong si Shawn siya na nga nasuntok nagagawa pa niyang tumawa.

May dugo pa yung lips niya pero yun lang naman yung tatsa niya. "Sino ba nanalo?" hindi ito ang unang beses na may nakasuntokan yang si Shawn dahil sa pagiging babaero niya.

"Para mo na ring tinanong kung sino ang mas gwapo sa aming dalawa." kinuha niya yung alak sa kamay ko. Bwisit 'to.

"Sino nga ba?"

Tinignan niya ng masama si Alec, "Akala ko ba matalino ka Alec?" ininom muna niya yung alak bago siya sumagot, "Syempre ako!" nag pogi sign pa ang gagu.

Tinawanan lang namin siya ni Alec. Maya maya pa ay hinila niya na kami sa dance floor.

Ang hirap pilitin ni Alec grabe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THEY'RE MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon