Chapter 3: Wedding #1

210 13 1
                                    

CHAPTER 3

Malapit ng matapos ang unang semestro at papalapit na rin ang semestral break na pinakahihintay ng magpinsan. Planado na nila ang bakasyon papuntang Siargao pero parang masisira pa ito dahil sa ibang plano ng mga magulang nila.


"Give me enough reason why I should marry that girl!" singhag ni Matthew sa ama


"Malaki ang utang na loob ng angkan natin sa pamilya nila."


Sampung taon na ang nakakalipas..

Kamuntikan ng maglaho ang kompanya na pinaghirapan ni Don Alton matapos siyang pilit ipatumba ng kanyang kasusyo sa negosyo. At hindi lang iyon muntikan na rin siyang mabulok sa bilangguan dahil sa mga kasinungalingang ipinaratang nito sa kanya sa korte.

Walang naglakas ng loob upang tumayo bilang abogado ng matanda dahil malinaw na malinaw na ang pagkatalo nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakahanap ang kanyang sekretarya ng abogado na malugod na pumayag na tanggapin ang kaso. Naipanalo ang kaso at naibalik sa pwesto si Don Alton bilang Chairman ng A&A or mas kilala bilang Alton and Adams na nuon din ay pinalitan agad ng ALTONS na lamang matapos ng mga pangyayari.

Ginawang isa sa board of directors ng kompanya ang noo'y secretarya lamang na si Ben Alfonso matapos nitong maipakita ang kanyang katapatan sa matanda. At si Atty. Sid Lee, ang abogado na tumayo upang ipaglaban ang panig ni Don Alton ay ginawang official lawyer ng kompanya. Sila ay walang iba kundi ang namayapang mga ama nina Saiki at Cielo.


"Wow naman pa! so ipapakasal mo ang anak mo dahil sa utang na loob?" galit na galit na sigaw ni Matthew. Wala siyang pake kung malaki man ang utang na loob nila sa pamilya ng babae na yun. Problema na nila yun at hindi niya. Nasa tamang edad na siya upang magdesisyon sa buhay niya.


"Son alam kung napakalaking pabor nitong hinihingi ko sayo. Pero gawin mo nalang ito kahit para man lang sa appa mo." (Appa = means Dad in korean)

Sandaling natigilin si Matthew. Ang appa niya. Si Don Alton. Ito ang pinakamamahal at paborito niyang lolo. Sobrang malapit ito sakanya kaya nga instead of harabeoji ang itawag niya dito ay mas pinili niyang tawagin itong appa ito na kasi ang tumayong ama niya simula ng pumanaw ang kanyang mama at pinili ng papa niyang isubsob ang sarili sa trabaho.

Hindi siya agad nakasagot mas lalong gumulo ang nuon din ay naguguluhan na niyang utak.

***

"Ang ganda mo talaga babe." nakakalokong sabi ni Shawn sa dalagang kaharap niya. Marahan niya itong hinalikan sa labi na tinugon din ng dalaga. Dahan-dahang naglakbay ang mga kamay niya sa likod nito. Nang bigla nalang may malakas na katok sa pinto ang nagpatigil sa kanila. Napamura ang binata. Masyado siyang nabitin.

"Hoy shawn buksan mo nga 'tong pinto!" rinig niyang sigaw ng ina niya. Napakamot siya ng ulo.

Lintik! akala ko ba bukas pa yung balik nila? marahan siyang naglakad patungo sa pinto at pinagbinuksan ito. Tumambad ang nangagalaiti niyang ina. Agad dumako ang mata nito sa babaeng nuon din ay nakaupo sa kama niya dahil dito ay mas lalo pa itong nag-usok sa galit.

"Naku ikaw talagang bata ka!" pinaghahampas siya ng kanyang ina kaya napatakbo siya pabalik sa loob ng kwarto niya. Pinandilatan nito ang babaeng kahalikan niya kanina at halatang natakot ito kaya mabilis itong nagtungo palabas at umuwi.

"Aray ma! aray koo!" sigaw ni Shawn habang binabato siya ng ina ng kung anong mapulot nito. Mabuti nalang at dumating ang kanyang ama kung kaya't huminto rin ito sa pambabato sa kanya.

THEY'RE MARRIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon