[KYRO POINT OF VIEW]
Unlucky day! Nandito ako ngayon sa labas ng classroom namin, bigla nalang kasing bumagsak ang malakas na ulan at wala pa akong dalang payong.
Habang naka tayo dito sa labas ay nakita kong lumabas rin si Kera mula aa loob ng room namin at mukhang wala din siyang dalang payong. And it's been a few days that she still ignored me.
Sa tuwing magkasalubong kami agad siyang umiiwas. Parang nahihiya itong tumingin sakin kapag nagakakasalubungan kami sa daan.
"Kera!" Tawag ng kaibigan niya na si Tanya. Na siyang nag pa agaw ng attention sa mga studyante sa hallway.
"Ang bunganga mo Tanya, ang lakas."
Rinig kung saway ni Sabrina dito. And i see Kera who is already embarrassed.Tsk, pati ako narindi sa boses ni Tanya, ang daldal at napaka ingay, even in our room.
"So, sino ang kasama mong umuwi ngayon, Kera?!" Tanong naman ni Sabrina kay Kera.
Nasa likuran na nila ako ngayon at sila naman ay nasa harapan na, dumaan yata si Kera kanina na parang hindi ako nag exist sa mundong ‘to.
“Wala, hihintayin ko nalang tumila ‘tong ulan at saka humanap ng taxi masakyan pa uwi.” Bored nitong sagot sa kaibigan niya, ewan ko ba kung bakit ako nakikinig sa usapan nila, mukha tuloy akong chismoso.
But I pretend that I'm not listening in their conversations.
"Are you crazy girl, sa tingin mo ba hindi ka ma aabutan ng dilim dito?! Eh, mukhang bukas ng umaga pa nga yata titila 'tong ulan eh!" Maarteng sabi naman ni Tanya.
"Tanya is right, kung maghihintay ka pa sa pagtila ng ulan maaabutan ka talaga ng dilim dito, ganito nalang gamitin mo nalang muna 'tong payong ko at humanap ka ng taxi sa labas para maka uwi ka." Ani sakaniya ni Sabrina, sabay abot sakaniya ng payong.
"She's right!" Pag sang ayon naman ni Tanya.
"Tsk, huwag niyo na nga akong problemahin umuwi na ngalang kayo, kaya ko na 'tong sarili ko!" Balik naman ni Kera sakanila.
Bago pa man nila ako mamatyagan na nakikinig ako sakanila ay kinuha ko nalang ang headset ko sa bag.
Pero maya-maya naman ay lumapit sakin si, Tanya.
Nagsalita ito pero hindi ko naman narinig dahil sa lakas ng volume ng headset ko. Pero kita naman siguro niyang naka headset ako diba?
Tsk.
Pero agad ko naman kinuha ang headset na nakasalpak sa tenga ko.
"What did you say?" Tanong ko dito.
"Sabi ko pwede moba eh sama si Kera pauwi!" Sagot nito with high voice pa.
Tumingin muna ako sa pwesto ni Kera bago sumagot kay Tanya.
"Bakit ko naman siya isasama?" Bored kong sabi sakaniya.
"Kasi magkakapitbahay lang kayo!" Sagot niya naman.
"Tsk, sige na nga," inis kong balik sakaniya.
"Papayag karin pala mag iinarte ka pa!" Usal nito sabay talikod sakin at nag martsa pabalik sa gawi nina, Kera.
"Girl, isasama ka raw pauwi ni Kyro," rinig kong sabi ni Tanya sakaniya at pansin ko naman ang pamumula nito.
"Hyts, bakit mo naman ginawa 'yon?!" Inis na tanong ni Kera sakaniya.
"Mas mabuti ng ginawa ko 'yon kesa naman mag hintay ka dito na tumila ang ulan hanggang mag dilim!" Sermon sakaniya ni Tanya.
Para naman hindi na ito maka tanggi sakin ay sumabat na ako sa usapan nila.
"Alam mo kong hindi ka sasama sakin, 'wag di naman kita pinipilit eh bahala ka na lang na maghintay dito sa pagtila ng ulan hanggang sa dumilim." Inis na sabi ko sakaniya, so 'yon na ba 'yun Kyro, akala ko ba gusto mo siyang isama pauwi?
"Tsk, sasama na!" Napipilitang sabi niya na kinangiti ko rin ng patago. "Sasama ka naman pala mag iinarte ka pa," bulong ko.
"May sinasabi?" Usisa naman ni Kera, "may narinig ka ba?" Pilosopong balik ko na kinangiwi niya naman.
"Tsk, umalis na ngalang tayo," sabi ko at saka hinablot kay Sabrina ang hawak niyang payong.
"Wala ka talangang manner!" Ani ni Sabrina pero hindi ko nalang pinatulan at agad binuksan ang payong.
"Aalis na kami," paalam ni Kera at saka sumilong sakin sa payong.
"Ingat kayong dalawa, Ky take care of my friend ah," sambit ni Tanya, at saka sabay sabay silang kumaway samin at kinawayan din sila ni , Kera.
Nang makarating na kami sa parking lot na ay pina una kong pumasok sa loob sa may front seat si Kera at pagkatapos ay sumunod na ako at sinara ang payong.
Kahit nasa loob na kami ng sasakyan ang weird parin, ng mapa andar ko na ang makina ay nag fucos nalang ako sa pagmamaneho.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami subdivision na tinitirhan namin.
Balak ko sanang sabihin kay Kera na malapit na kami sa mga bahay namin, kaso nakatulog ito.
Hininto ko muna yung sasakyan sa labas ng subdivision, at saka pinagmasdan ang maamo niyang mukha, talagang napakaganda niya at ang labi niya ang nakakaagaw ng attention ko, ang sarap niyang halikan, tangina ano 'tong pinag-iisip ko? Her lips is a perfect shape, even her eyebrows, ang ganda nito. Meron din pala siyang nunal sa tungko ng ilong niya, at talagang hindi siya nakakasawang tingnan para sakin.
Bago ko pa man mahalikan ang labi nito ng wala sa oras ay pinaandar ko nalang ulit ang sasakyan at inihinto ulit sa harapan ng bahay nila na katabi lang din ng bahay namin kong saan ako tumutuloy ngayon. Bumaba ako sa kotse ko at saka nag gatebell, maya-maya naman ay bumukas na ito at bumungad sakin ang mama niya.
Nakatila narin ang ulan.
"Kyro?" Sambit nito sa pangalan ko.
"Magandang hapon po tita, sinabay ko lang po si Kera nasa kotse ko po siya at nakatulog po," magalang kong sabi sa mama niya.
"Batang to!"
Bumalik ako sa kotse at saka binuksan ang pintuan sa frontseat na kung saan naka pwesto si Kera, at saka ito binuhat na pang bridal style, nilakihan naman ni tita ang bukas ng gate dahilan para makasya kaming dalawa. Oh ghad ang bigat pala ng babaeng 'to!
Pinasok ko ito sa loob ng bahay nila at saka inihiga siya sa may sofa nila habang mahimbing parin ang tulog nito.
Si Tita naman nasa labas at kinuha ang bag ni Kera, na naiwan sa kotse ko. Pero maya-maya rin naman ay pumasok na ito at dala ang gamit ni, Kera.
"Naku, maraming salamat po sa paghatid kay Kera dito sir Kyro!" Pasalamat naman ng mama niya, ngumiti naman ako ng tipid.
"Walang anuman po tita," balik ko naman at saka ngumiti ulit ng tipid.
"Mabuti pa dito ka nalang kumain at isa pa nakapag handa naman ako sa table namin!" Yaya niya na kinataas naman ng dalawang kilay ko.
"Thank you nalang po tita, pero sa bahay nalang po ako," magalang kong tanggi sakaniya.
"Ay sayang naman, pero dapat sa susunod dito kana kumain ah?" Anya, marahan naman akong tumango.
"Opo, sige po mauuna na po ako!" Paalam ko "salamat sa uulitin ijo!" Sambit niya, tinanguan ko nalang ito at saka umalis na.
Pag ka rating ko sa bahay namin ay pinarada ko ang kotse sa garahe at saka dumeretso sa dinning area at kumain at saka naligo.
Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko muna ang sarili kong buhok at habang naghihintay akong matuyo ito at nag scroll ako sa nf ng facebook acc ko, at napagpasiyan ko rin na e add si, Kera. Kung saan ko man na kuha ang pasyang 'yon ay hindi ko alam.
I search her name at lumabas naman ito. In his profile, she's wearing black half shoulder dress that's really look well to her. At ang cover photo niya naman ay sunset.
Pinindot ko 'yong add bottom then ni log out ko na, at nilapag sa bedside table ko at saka natulog.
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART
Teen FictionHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sakaniya. At nong dumating yong araw na umamin na sakaniya Yong taong gusto niya, parang hindi niya ma imagine na ng yar...