—KERA POV—
“HAHAHA! Woy tama na nakikiliti ako banda riyan!” Tawa ni Kyro nandito kami ngayon sa isang park tumingin ako sa paligid walang ibang tao mukhang kami lang nandito.
“Ahh talaga, ito hintayin mo ako HAHAHA!” Habol ko naman dito, takbo naman nang takbo si Kyro. 'Di niya namalayan na maro'n palang isang butas na malaki.
“KERAAA!” Sigaw ni Kyro, ako naman dali dali akong tumakbo papalapit kung saan si Kyro na hulog. Isa itong malaking butas at subrang dilim.
“Kyro! Okay ka lang ba riyan?” Sigaw ko rito nag taka naman ako dahil hindi ito sumagot napaluha na ako habang sumisigaw.
“Kyro! Kyro!” Sigaw ko habang papalabo na ito 'di ko na matanaw 'yong butas.
“Kera! Kera! Kera bumangon ka na riyan nanaginip ka!” Dinig ko 'yong boses ni Mama. Sabay sa pag-ayug sa katawan ko.
“Hmm, a-ano ba 'yan.” Pagrereklamo ko rito. Dahan dahan ko naman minulat 'yong mga mata ko.
Medyo blurry pa 'yong una kung nakita kaya bumangon ako ng dahan dahan at umupo ng naka injan seat.
“Ikaw bata ka mayro'n pa kayong pasok tanghali ka na nagising.” Sermon ni mama. Bigla naman sumakit 'yong ulo ko as in subrang sakit.
“Ayan kasi sinabihan ng 'wag uminom, titikim pa talaga.” Aga-aga sermon na naman.
“Sorry Ma, tumikim lang ako kala ko 'di ako malalasing.” Palusot ko naman dito.
“Ayan tikim tikim hanggang sa malasing.” Pagsasalita nito sabay tayo. “Oh siya, tumayo ka na diyan at maligo ka na. Naka handa na ako para pang almusal, si Kieron pumasok na.” saka lumabas na si Mama sa kuwarto. Ako naman nakatulala lang sa kawalan habang naka upo pa rin sa kama. Humiga na lang ako ulit sa kama subrang sakit pa ng ulo ko. Hanggang sa nakatulog na nga ako.
Naalimpungatan ako dahil subrang init. Minulat ko ang mga mata ko, subrang taas na pala ng sikat ng araw kaya pala napaka init. Bumangon ako at pumunta sa banyo naghilamos lang ako at lumabas na ng kuwarto. Dahil medyo nagugutom na rin ako agad naman akong dumeretso sa kusina.
“Ma!” pagtawag ko mukhang wala kasing tao.
‘Saan ba 'yon.’ Bulong ko at pumasok na lang sa kusina. Mayro'n ng naka handang pagkain. Sinigang na baboy at peritong isda at itlog.
Kumain lang ako dahil subrang gutom ko na rin. 10:30 AM na ng tanghali kaya subrang gutom ko na pala. Pagkatapos kung kumain nilinisan ko 'yong kinainan ko 'di pa rin bumalik si Mama, napagpsiyahan kong bumalik sa kuwarto para maligo. Amoy ko pa rin 'yong alak.
Lumabas na ako sa banyo, nagpatuyo lang ako ng buhok at lumabas na ulit sa kwarto tamang tama rin noong pumasok si Mama.
“Ma! Sa'n ka galing.” Tanong ko rito habang papalapit may dala kasi itong paper bag at suot.
“Nag grocery, wala na kasi tayong stock na mga gulay at frozen.” Kaya pala ang dami ng laman ng supot at paper bag.
Tinulungan ko mag arrange si Mama ng mga binili niya. 'Yong iba nilagay namin sa Ref yung mga paminta naman at tuyo sa cabinet.
“Ma!” Tanong ko rito habang umaayos pa rin ng mga pinamili niya.
“Hmm.”
“Sino pala naghatid dito sa 'kin noong lasing ako Ma.” Tanong ko rito habang hindi pa rin tumingin kay Mama.
Nakita ko naman ito na biglang tumigil.
“Edi sino pa kundi si sir Kyro mo ulit. Grabe kang bata ka nasukahan mo pa 'yong tao.” Sabi ni Mama “Nahihirapan pa itong buhatin papuntang sa kuwarto mo dahil na rin sa gown mo.” Dugtong nito na lalong nagpatulala sa 'kin.
Nagawa ko 'yon? As in hayss nakakahiya talaga.
“Oh! Ano tulala ka riyan dahil sa kagagawan mo.” Paninisi ni Mama sa 'kin.
“Sorry. 'Di naman talaga ako iinom kung 'di 'ko nakita na subrang saya nila ni Faith." Mahina kung sabi habang naka yuko.
“Aba marunong ka na pala ma-inlove ngayon." Patawang sabi ni Mama.
Nangaasar pa talaga, kita na nga na parang iiyak na 'yong tao.
“Syempre naman Ma, may puso rin ako nakakaramdam din.” Pag-amin ko rito.
“'Wag kana magselos do'n! Baka gusto ka rin no'n hindi lang nagpapakita ng motibo. Ito tatandaan mo hindi lahat ng lalaki matapang, 'yong iba kala mo matapang pero pag dating sa love turpe.” Pagpapaliwanag ni Mama sa 'kin. Sana nga totoo kung mayro'n talagang gusto sa 'kin si Kyro.
“Kaya 'wag ka mag-alala baka sa huli magugulat ka lang na umamin ito sa 'yo.” Pagpapagaan ni Mama ng loob.
Lumapit ito sa 'kin at binigyan ako ng mahigpit na hug. 'Kala ko talaga magagalit si Mama.
“Hind ka galit ma? Kung magkaroon ako ng boyfriend?"
“Ba't naman ako magagalit alam ko naman na darating tayo riyan. Pero dapat 'wag papabayaan ang pag-aaral at syempre pakilala mo muna 'yong manliligaw mo sa 'kin. Ok?”
“Oo, Ma. Pakilala ko sa inyo ni bunso, 'yong tungkol naman sa pag-aaral magsikap ako para makapag tapos ako,” sagot ko naman kay mama.
Alam kung papayag si Mama na magkaroon ako ng boyfriend pero inaalala rin nito ang pag-aaral ko.
Natapos namin ang pag-arrange ng mga pinamili ni Mama kaya naisipan namin na manood ng TV.
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART
Teen FictionHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sakaniya. At nong dumating yong araw na umamin na sakaniya Yong taong gusto niya, parang hindi niya ma imagine na ng yar...