CHAPTER 9: JEALOUS

132 8 0
                                    

[KERA POINT OF VIEW]

* * * *

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama saking mukha. Ramdam ko rin na parang meron akong kasama at katabi. Parang meron ding naka yakap saking baywang.

Nanglingunin ko ito ganon na lang ang ikinagulat ko ang mala angel na mukha ni kyro ang bumungad sa'kin habang mahimbing pa itong natutulog. Imbes na umalis sa ganitong posisyon hindi ko magawa dahil sa mapang-akit na mukha nito.

Hindi kona pala namalayan na pinagmasdan kona ito. Ang ganda ng shape ng mukha nito dumagdag din ang mahabang pilik mata niya and especially here pointed nose, mula sa ilong nito dumapo ang paningin ko sa pinkish lips nito.

'Diyos ko Kera mahiya ka naman sa sarili mo! Tulog yung tao tas pinagpapantasyahan mo!' Natampal ko na lang ang sarili ko dahil sa mga naisip pero hindi parin umalis ang tingin ko dito habang mahimbing parin natutulog.

'Kaya pala ang daming nagkakagusto dito.'

"Are you done staring at may face?" Bigla nitong banggit dahilan ng ikinagulat ko, agad naman akong lumayo dito na parang hindi alam ang gagawin.

"H-hindi kaya." Saggot ko naman dito at iniwas ang tingin.

Imbes na makipag talo ito sa'kin bumangon na ito at dumeretso sa pagka upo sa gilid ng kama habang baka talikod ito sa gawi ko.

"Liar." Sagot nito at tumayo papuntang bintana para hawian ang kurtina na naka takip dito.

Ginalaw ko yung paa ko mukhang hindi na masyadong masakit kaya bumaba ako dahan dahan sa kama habang naka tungkod ang dalawang kamay ko sa table.

"Salamat makakalakad na ako." Bulong kopa saking sarili.

Bigla naman akong nakaramdam merong humawak sa braso para umalalay. Pag lingon ko dito si Kyro pala.

"Be careful, baka merong part sa loob na hinde pa stable."pagpapaalala nito at bakas ang pag-alala.

'Iwan koba sa taong to kahit simple na salita epektado agad ang buong katawan ko.'

"O-ok lang medyo ok na naman, wala naman akong nararamdamang sakit tuwing igagalaw ko,"

Subrang saya ko dahil makakabalik na ako sa pag-aaral. Mga ilang araw na din ako hinde naka pasok. Pati din pala si Kyro hindi din nakapasok dahil sa pag-aalaga sa'kin at kay Kieron.

"By the way hindi kaba papasok?" Tanong ko dito.

Nag-aalala lang ako baka pagalitan ito ng Daddy niya na hindi siya pumasok dahil sa'kin.

"Tomorrow na lang ako papaso," Sagot nito habang inaalalayan parin ako palabas ng kwarto.

"Ok lang pumasok kana mamaya, kaya ko naman lumakad."

Pero bukas pag ok na talaga babalik na kami ni bunso sa bahay hintayin nalang namin si mama na makauwi.

Imbes na sagutin ang mga sinabi ko dito bigla lang ako nito binuhat na bridal style. Ang kaninang dibdib ko na normal lang ang pag tibok ngayon parang gusto ng lumabas.

Imbes na magreklamo pinalupot ko na lang ang mga braso ko sa batok nito.

"D-dadahan lang." Pagpapaalala kopa dito nang papaba na kami sa hagdan. "Trust me," Sagot naman nito.

Habang pababa ng hangdan hindi ko maiwasan mapa mangha sa loob ng bahay nito. Kung tingnan mo ito sa labas simple lang pero pag dating sa loob nito bawi naman sa design at interior nito.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now