—KERA POV—
Sunday ngayon kaya walang pasok sa school. Andito ako sa sala namin habang nanonood ng tv.
Biglang naman umopo si kieron, habang may kinakain na chocolate. Wala ngayon si Mama dito at Kami lang dito naiwan sa bahay.
Wala kasi si Mama dito. May duty ito sa kumpanya na pinapasokan niya.
"Bunso pahingi ako niyan." Paghingi ko dito habang naka lahad ang kamay. Natatakam kasi ako sa kinakain nitong chocolate.
"Ayaw ko!" Pag tanggi nito. Ito talaga si bunso ang damot. Kaya wala akong nagawa at tumayo ako at lumakad papuntang kusina at kinuha yung last na chocolate, na naka lagay sa refrigerator.
Pag katapos bumalik ako sa sofa kung saan naka upo si Kieron habang nanonood ng tv.
"Ate diba crush mo yung anak ng sir ni mama si kuya Kyro?" Biglang tanong nito habang ngumonguya ng chocolate. Napatingin naman ako dito pero nasa TV parin ito nakafocused.
Alam niya kasi na crush ko si Kyro dahil ako ang nag sabi sa kanya. Pano kasi ang kulit kaya wala akong choice kundi ang sabihin. Pero bago pa ako mag sabi dito sinabihan kuna ito na wag niyang ipagkakalat.
"Oo, Bakit?" Tanong ko dito ang binalik ka agad ang tingin sa harap.
"Kahapon kasi nakita ko siya na lumabas sa kanilang gate, tas merong Babae na maganda ang naghihintay." Pagsumbong nito sakin.
Bigla ulit ako lumingon dito na may pagbabakasakali na mali ang nakita nito.
Meron kasing bahay sila ni Kyro dito. Bali dito lang siya tumitira. Kung saan kami nakatira bali subdivision ang tinitirahan namin. May isang bahay din sila na yun talaga ang kanilang tutuong bahay na mansion.
Iwan koba sa kaniya pinili niyang tumira mag isa kisa doon sa kanilang mansion. Siya lang kasi ang mag-isang nak ng mga Fernandez. At siya lang mag-isa naka tira diyan sa malaking bahay, na malapit samin.Minsan pumopunta lang ang kaniyang Mommy at Daddy tuwing bibisitahin siya.
Naka punta na ako don sa bahay nila dati, kaso matagal na i think nasa 13 pa ata ako, sinama ako ni mama. Nung nag birthday yung Mommy ni Kyro.
Kaya don ko siya na kilala at naging crush. yung tawag na love at first sight. Isa ako sa na victim ng ganong idea na nagkagusto sa lalaki.
"Tutuo ba yang sinasabi mo bunso?" Paninigurado ko dito.
"Oo ate sigurado ako. Tas humalik pa yung babae sa pisngi ni kuya Kyro." Wika nito na lalong nag pakirot sa puso ko.
Diba normal lang ang ganito kung alam mong may kasama yung crush mo na iba. Syempre masakit yun lalo na pagdating sakin.
"Tas ano pa nakita mo bunso?" Tanong ko dito kahit may kirot kaunting nararamdaman. Gusto ko rin malaman baka meron pang nakita si Kieron.
"Tas sumakay na sila sa sasakyan ni kuya Kyro." Dugtong nito. Kala ko meron bumuntong hininga naman ako at nag focused sa panood ng tv.
'Hirap talaga pag gwapo at mayaman yung crush mo. Maraming nagkakagusto.' Mga salitang nabuo sa utak ko
"Baka pinsan lang niya!" Sagot ko dito.
Pero merong parte sakin na baka nga meron nang nililigawan si Kyro. Na diko lang alam.
"Siguro nga ate." Sagot naman nito pabalik. habang naka focus na sa tv.
Nawalan ako ng gana manood kaya tumayo ako para lumabas ng bahay at magpapahangin sa labas.
"Saan ka ate?" Tanong ni bunso
"Sa labas mag babike, magpapahangin na din." Sagot ko naman dito.
"Ahh sge ingat."
Lumakad na ako at kinuha ko ang aking bike na kulay pink maliit lang ito. Tamang tama lang na makatapak sa lupa ang mga paa ko. Pagkatapos lumabas na ako ng gate.
Tumingin ako sa relo ko kung what time naba. 7:30 pa lang ng umaga. Tamang tama ang ganda ng panahon ngayon. Di gaanong masakit ang sikat ng araw.
nakasuot lang ako ng white t-shirt at naka black doll pen short.
Sinimulan kona ang pag pidal nadaanan kopa ang bahay na tinutuloyan ni Kyro. Tumingin ako dito mukhang walang tao.
Kaya pinagpatuloy ko lang ang aking pag pidal. Dito lang din ako sa subdivision nag iikot dahil malawak rin ito. Meron ding mga play ground na tinatambayan tuwing papalubog ang araw.
Out of knower bigla na lang pumasok sa isip ko yung sinasabi ni Kieron kanina.
"Tas humalik pa yung babae sa pisngi ni kuya kyro." Umulit ito sa pandinig ko ang sinabi ni Kieron. Bigla lang ako na balik sa ulirat ng natanaw ko si Kyro.
Naka suot ito ng white t-shirt at naka jogging pants na kulay gray at sapatos na kulay white. Meron itong headphone na naka sabit sa kaniyang liig. Nag patuloy lang ito sa pag takbo. Tumingin pa ito saglit sakin.
At nginitian ko naman ito pero di man lang gumanti.Na balik lang ako sa reyalidas nung medyo pababa na ako. May part kasi dito sa loob ng subdivision na mataas na daan.
Nung plano kuna sanang mag preno na gulat ako ng hinde ito gumana parang tatalon ang puso ko dahil sa kaba.
Pabilis ng pabilis yung takbo ng bike diko na ito ma control. Kaya sumigaw ako habang naka focused sa daan.
"T-t-tulong! M-mama!" Sigaw ko habang papabilis yung takbo ng bike. Parang iiyak na ako habang bumibilis ang takbo nito at ganon din ka bilis ang tibok ng puso ko.
Nakita ko si Kyro na tumatakbo ito habang hinahabol yung bike na sinasakyan ko.
"K-kumapit ka! F-focused lang sa daan!" Sigaw nito habang tumatakbo ng mabilis.
Habang papabilis din yung takbo ng bike lalong dumobli yung kaba ko ng matanaw ko sa unahan yung kanal. Doon lahat dumadaan ang lahat na mga tubig na ginagamit ng mga naka tira dito.
"K-Kyro B-Bilisana mo!" Sigaw ko na halos mamaos na ako, habang nasa daan parin ako nakatutuk.
At ayon nga binilisan nito ang pag takbo. Pero di parin nito maabotan ang sinasakyan kung bike. Parang maalis ang kaluluwa ko nong malapit na ito sa kanal. Mga ilang segundo lang naramdaman ko na lang na bumagsak ako kasabay ng bike na sinasakyan ko.
"A-aray ko!" Naramdaman kong sumakit bigla ang paa ko. Pag tingin ko dito dalawang sugat ang na tamo ko sa tuhod ko banda.
"Shit!"dinig kong mura sa likod ko.
"A-aray ko ang sakit ng paa ko!" Mangiyak ngiyak kong sabi habang tinitingnan ang tuhod ko na namumula na ito ngayon dahil sa galos.
Tiningnan ko yung bike ok lang ito pero ako yung kawawa.
"Hey! Don't move baka merong injured ang ibang katawan mo!" Sabi nito pero diko ito pinakinggan. Tumayo ako ng dahan dahan pero malas nga lang bigla na lang ako nakaramdam ng pagkahilo.
Naramdaman ko na lang na pabagsak ang katawan ko sa saminto pero hindi ito ang nabgsakan ko dahil merong brasong ang sumalo sakin.
"Tsk!" Dinig kong hasik nito bago ako tuloyang na walan ng malay.
YOU ARE READING
MY COOL CRUSH STOLE MY HEART
Novela JuvenilHindi niya enix-pect na matagal narin pala siyang gusto ng taong gusto niya, at kumu-kuha lang pala ito ng tiyempo para umamin sakaniya. At nong dumating yong araw na umamin na sakaniya Yong taong gusto niya, parang hindi niya ma imagine na ng yar...