CHAPTER 12: SNABERS

93 7 0
                                    

—KERA POV—

Parang nawalan ako ng gana pumasok sa nakita ko kanina.

Pero wala akong choice kundi ang pumasok na lang, ng nasa loob na ako ng room ay pabagsak akong umupo sa seat ko. Umupo naman si David sa tabi ko, pero di ko ito pinansin.

"Nag Recess kana?" Tanong nito sakin sabay kuha sa cellphone niya at naglaro at kung ano man 'yon ay hindi ko alam.

"Oo tapos na kanina pa." Bored kong sagot dito.

"Mabuti naman pala, mukhang ang hina mo ata ngayon ah anyari?" Tanong niya ulit pero ang fucos niya ay nasa sariking cellphone parin nito.

Kala ko babae lang ang mahilig sa chismis pero di alam na isa din pala itong chismoso si David, pero parang  hindi naman halata eh kasi parang hindi ko naman yata siya nakikitang may kausap na babae dito sa room namin even marami namang lumalapit sakaniya.

"Wala naman."

'Sinungaling ka kera' bulong ko sa sarili ko.

"Siguro may lagnat ka." Sabi niya sabay salat sa noo ko. Na bigla naman ako sa ginawa niya.

Tiningnan ko naman ang kamay niyang nakasalat sa noo ko, pero agad niya naman itong tinanggal.

"Maayos naman ang temperature mo ah, parang wala ka namang lagnat at mukhang hindi ka naman lalagnatin." Sabi niya at muling binaling ang attention sa cellphone niya

"Sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na may lagnat at lalagnatin ako!" Balik ko, pero nagkibit balikat lang ito.

Bigla naman pumasok si Kyro pero hindi ko ito pinansin.

Nagsimula na mag turo 'yung teacher namin. Si David naman ay bumalik na sa upuan niya.

Nakinig nalang ako, buong klase. Hanggang sa uwian na kaya agad ko naman niligpit ang gamit ko at nilagay sa bag.

" KERA! Sabay kana sakin!" Palabas na ako ng gate ng campus ng marinig ko ang boses ni David, nilingon ko naman ito at nakita ko itong nakangiti habang lumalapit sa gawi ko.

Ayan nanaman siya, napakulit talaga ng lalaking 'to parang bata, ampt.

Nakita ko naman dumaan si Kyro, sa tabi namin ni David at sobrang sama ng tingin nito kay David, 'yong tipong kahit anong oras ay kaya niyang pumatay ng kaibigan.

Hindi ko na lang ito pinansin. At sumabay nalang ako kay David, dahil madadaanan rin naman niya ang subdivision namin.

"Kera, gusto mo bang pumunta sa bahay namin sa linggo, may party kasi samin." Basag ni David, sa katahimikan dahil simula nong pumasok kami dito sa kotse niya ay ang tahimik namin

'Party? Mukhang mabanggit ko lang kay mama ang salitang 'yon hindi na agad ako papayagan.

"Ahm, hindi ako sure eh kung papayagan ako ni mama, pero try ko lang na mag paalam sakaniya." Saad ko, susubuka ko lang talaga kung papayagan ako ni mama  pero sana nga payagan ako dahil kapag nanyari 'yon, 'yon ang unang pagkakataon na makaka subok ako ng sinasabi nilang party.

"Aasahan ko 'yan ah, and don't worry I already invite your friends naman para di ka magmumukhang loner doon," anya.

Napaisip naman ako kong nandon rin si Kyro.

Syempre party 'yon ng kaibigan niya eh kaya malamang imbitado din siya.

"Ganon pa, sana nga payagan ako," sambit ko.

"Papayagan ka no'n, at sasabay ka narin kay Kyro na pumunta sa bahay at do'n nalang ako maghihintay sainyo," sabi niya.

Patago namang lumuwa ang dalawang mata ko. Seriously? Sasabay ako sa lalaking 'yon?
"Sige," iyon lang ang na sabi ko at saka bumalik sa katahimikan.

Dahil sa bilis ng oras hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa labas ng subdivision at akala ko don niya lang ako ibababa pero pumasok ito at inihinto ang ang sasakyan niya sa harap ng gate namin.

"Its here." Proud nitong sabi habang naka ngiti. Tinanggal ko na 'yong seatbelt ko at bumaba.

"Thank you David, sa paghatid sakin." Pagpapasalamat ko dito.

"You're welcome Ms. beautiful." Balik nito sakin at kumindat pa.

Parang pumula naman yata ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Bye ms. beautiful see you on sunday." Pagpapaalam nito sakin at saka pinaandar  ang sasakyan niya at ako naman pumasok sa loob na lutang pero nakangiti.

"Hoy, ate!" Sigaw ni Kieron sakin.

"Ayy bakla!" sigaw ko din dahil sa gulat.

"Bakit ka nakangiti ng mag isa diyan, baliw ka ba?" Tanong nito, grabe naman makabaliw ang isang 'to, sa ganda kong 'to mababaliw lang?

"Baliw mo mukha mo!" Sagot ko sakaniya sabay irap.

"Ma, inlove si ate Kera!" Sumbong naman niya kay mama na nasa kusina pala nag luluto.

"Inlove mo mukha mo!" Inis kong sabi dito at saka tumalikod.

Pumasok  ako sa kwarto at nag bihis ng damit, naka black t-shirt at merong logo ng NASA at blue maong short.

Maya-maya naman ay tinawag ako ni Kieron, at kakain na daw kami.

Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa kusina. Naka handa na yung pagkain merong adobong manok at fried chicken, at meron ding juice.

Nang prente na akong naka upo ay saka ko naman na alala ang sinabi ni, David.
"Ma? Mag papaalam po sana ako sainyo, kung pwede po sanang pumunta ako sa party ng kaklase ko, kung papayag po kayo." Sabi ko kay mama habang kumakain, sana nga payagan ako.

"Sinong kaklase ba 'yan?" Tanong niya habang ngumunguya. "Si David po ma," sagot ko sakaniya.

"Oy, siya ba 'yong crush mo ate?" Na nunuksong tanong naman sakin ni Kiero, at kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Tumahimik ka nga, hindi ikaw ang kina kausap ko!" Balik ko sakaniya sabay irap.

"Kera, malaki kana....alam mo na 'yong tama at mali, pero papayagan lang kita kung kasama si Kyro," napangiwi naman ako.
Hyts, pati ba naman 'tong si mama fan pa ni Kyro? P-pero mas okay din naman kung sasama siya first time ko rin naman 'to eh, pero sana nga sumama siya pero okay lang din naman na hindi.

"Sureball akong sasama din 'yon ma, dahil magkaibigan sila ni David at alam kong imbitado din siya," saad ko.

Satingin ko naman pupunta siya pero sa tingin ko mukhang hindi rin dahil sa tingin ko mukhang hindi niya kasundo si David ngayon.

"Mabuti naman kung ganon, peeo huwag kang iinom don ah, dahil pag nalaman kong uminom ka hindi ka na talaga makaka ulit na pumunta sa party-party na 'yan." Paalala nito sakin sabay nguya, agad naman kuminang ang dalawa kong mata.
"Opo ma, promise po hindi ako iinom!" Saad ko naman.

At pagkatapos namin kumain ay ako na ang nag lipit at pagkatapos kong mag ligpit ay agad na akong pumasok sa kwarto ko para matulog lalo't last day na bukas ng klase namin dahil byernes na.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART Where stories live. Discover now