Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung huli ko siyang makita, iyon ay sa bahay niya pa. The morning after that night, nakauwi na rin ako kahit pa ayaw niya dahil madulas pa ang kalsada.
Naging abala ako sa paghahanap ng mapapasukan kung sakali pero ang sabi kasi ni Jessica ay matutulungan niya ako roon. Sabi niya rin ay bibisita siya ngayong araw kaya naghanda na ako ng simpleng hapunan. Dadaan pa raw kasi siya sa bookstore malapit.
I finished the bucket hat I was crocheting habang naghihintay ng pagdating niya. Tinignan ko iyon sa salamin. Hindi ko masyadong gusto ang kulay. Itinabi ko nalang iyon at nagscroll sa Facebook at bigla lang pumasok sa isip ko. I wonder if may pictures si Adriana sa account niya.
I tried searching for her name at wala masyadong lumabas. Iilang tagged pictures lang iyon at ang profile picture niyang naka private din naman.
"Private person naman pala si Madam." bulong ko sa sarili ko. Tumunog na rin ang doorbell kaya ibinaba ko muna ang tablet para pagbuksan ang bisita.
Pagbukas ko ng pinto ay agad na napawi ang ngiti sa aking labi. "Hi!" masiglang bati ni Jessica sa akin. "By the way, I saw Adriana on the way here so I invited her since you already knew each other. Sorry if I didn't tell you." aniya saka na pumasok sa loob after I opened the door wider. I smiled awkwardly.
"Hi." bati naman ni Adriana nang matapatan niya ako.
Tahimik lang siyang nakaupo sa sofa pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin kaya inaya ko na silang kumain sa dining table dahil nangangatog na ang mga tuhod ko sa presensiya niya. Dalawang linggo lang at ganito na naman ang nararamdaman ko.
"What do you call this again?" tanong ni Jessica sabay turo sa ulam na nakahapag sa lamesa.
"Adobo, Jess. A local Filipino dish." sagot ni Adriana. Tumango naman si Jessica at nagsimula na ring kumain. Mabuti ay nagustuhan niya. She even asked for the recipe.
"Such a delight to have two Filipino friends."
"If we spoke in tagalog, you won't be able to understand us." pahayag ni Adriana. "You won't even know if I’m already cursing you or what."
Natawa ako sa sinabi niya. Eto namang si Jessica ay parang naiinis na sa pangt-troll sa kanya.
"I know putangina mo." sabi pa niya in her Canadian accent which made me laugh. Naputol lang ang pagtawa ko nang makitang nakatingin na naman sa akin si Adriana.
"You two are trolling me. Will this be the reason I'll hate Philippines, huh? Because of you two!" asik niya sa amin kaya lahat kami ay natawa nalang.
Nagligpit ako ng pinagkainan pagkatapos naming kumain. Si Jessica naman ay pumunta ng living room.
"Tulungan na kita." aniya at pinagpatong patong ang mga plato.
"Huwag na, kaya ko na 'to."
"Alam ko, gusto ko lang tumulong."
Hinayaan ko na siya. Ako naman ang maghuhugas. Ang di ko lang inaasahan ay ang pagstay niya roon at ang panonood niya sa akin.
"Puntahan mo na si Jessica roon. Wala siyang kasama."
"She's watching. Gusto ko rito." tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Doon ka na at manood kasama niya." pilit ko pa pero umiling lang siya sa akin.
"I'd rather watch you." uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Bakit ako?