"Hi! You're Eli, right?" tanong ni Felice habang kumukuha ako ng water sa dispenser.
Namutla ako agad nang humarap ako sa kanya.
"Y-yes,"
"I'm Felice by the way." sambit niya saka inilahad sa akin ang kanyang palad. Tinanggap ko naman ito. "Hindi ako nakapag-pakilala nung una tayong magkita. That was so rude of me, kaibigan ka pala ni Jess at Adri."
Napakaganda niya talaga lalo sa malapitan. Nakakahiyang dumikit sa kanya. Hindi na ako magtataka kung magustuhan man siya ni Adriana. I mean, this woman is undeniably gorgeous.
"Ah, ano, okay lang iyon. Busy ka rin siguro saka si Jess naman ang pakay mo."
"Si Adri talaga ang pinunta ko noon. Ang kaso, she's always busy kaya bihira ang makasingit sa schedule niya." pahayag niya. "But she makes time for me naman." aniya saka ngumiti sa akin.
Oh, okay. She makes time for her naman pala.
Tumango lang ako bilang response sa sinabi niya. Kalaunan ay nagpaalam na rin siya sa akin.
Nung lunch na ay hinintay ko lang matapos si Jess. Nagpatuloy lang ako sa trabaho dahil ang sabi niya ay siya nalang pupunta sa akin.
Napalingon ako sa gilid nang may biglang nilapag sa lamesa ko. Dalawang lunchboxes.
"What is this?" tanong ko kay Adriana na ngayon ay may hilang isang swivel chair saka dinikit sa upuan ko. She sat beside me.
"Lunch. Sabay na tayong kumain." aniya at binuksan ang isa.
Luminga-linga ako sa paligid. May iilan ang naka-tingin lang sa amin kaya nailang ako.
"Ano kasi, kasabay ko si Jess." sambit ko.
"Sabay na sila ni Felice. Sinabihan ko na. Kumain ka na muna."
Hindi ko siya sinunod kaya nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. Tumingin din siya sa paligid at agad namang nakuha ang dahilan kung bakit hindi ako nagsasalita man lang.
"Tumayo ka riyan. Sa office tayo kakain." aniya saka kinuha ang mga lunchbox saka naglakad na papunta sa opisina niya.
Umiwas ako sa tingin ng iba saka nalang sumunod sa kanya.
"Komportable ka na bang dito kumain?" tumango ako.
"You're my boss. Baka iba na talaga ang isipin nila."
"Ano namang iisipin nila?" tanong niya. Umupo siya sa kanyang upuan. Her arms are crossed habang nakatingin sakin at naghihintay ng sagot.
"Na ano, na baka pinapaburan mo ako. Napag-usapan na natin 'to nung nakaraan."
"Ah. Akala ko baka isipin nilang girlfriend kita. Anyway, ano naman kung oo? Hayaan mo sila."
Huh? Oo? Alin? Saang oo? Na girlfriend niya ako? Hayaan ko silang isipin na girlfriend niya ako?
"H-hindi naman pu-pwede iyon-"
"Eat first. Hindi ka pa rin ba nag-aalmusal?" tanong niya pero hindi na ako sumagot. Binilisan ko nalang ang pag kain ko. Nalilito ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko na masundan.
Nauna akong matapos kumain habang siya ay nagsisimula pa lamang.
After a few minutes ay tumayo na ako. "Babalik na ako sa trabaho. Marami akong tatapusin." paalam ko saka na tumalikod. Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi na ako lumingon.