"So, you're not resigning anymore?" she whispered habang nilalaro ang buhok ko.
Of course, we ended up on her bed. Where else would we end up? "Hmm, I don't know." sagot ko at tumingala sa kanya dahil naka-unan ako sa kanyang braso.
"I can pretend you didn't submit a resignation letter to me. Just tell me what you wanna do." aniya saka ako hinalikan sa noo.
"Ayun pa pala. You ditched work yesterday and you did it again today."
She shrugged. "And so? Take a leave. One week. Spend it with me." sambit niya.
I looked at her in disbelief. What the hell? Kung anu-ano naiisip neto. "You're crazy. I can't do that! Hindi pa nga ako isang taon na nagtatrabaho." payahag ko at inikutan siya ng mata. Hinila niya lang ako na naging dahil nang pagsubsob ko sa dibdib niya.
"You always complain. Shut up and stay here in bed with me." hinigpitan niya lalo ang yakap sa akin. Hindi na ako makahinga kaya hinampas ko na ang braso niya. May karapatan pa siyang tumawa, tss!
"I almost died! Nababaliw ka na."
"Ilang beses ba kitang nasermunan dahil sa selos ko?" she said bago nagkunwaring nag-iisip.
"Those are very minimal mistakes. I was surprised you caught them."
"I purposely searched for them."
"So inaamin mong papansin ka?"
She rolled her eyes. I knew it. Pinahirapan niya ang buhay ko dahil lang iniiwasan ko siya at gusto niyang magpapansin. She's terrible.
"I'm good at what I do. Well, I believe I am."
"You did so well." she murmured. "Such a good girl." and patted my head bago ako muling halikan sa noo at tumayo na. Namula ako sa sinabi niya at tila may nagkakarambola sa tiyan ko. I reddened like a freaking tomato.
I wore her long sleeves, yung hinubad niya kagabi...I mean, ako ang naghubad sa kanya so, ...yeah. Anyway, I saw her cooking kaya hindi ko na siya inabala. Naligo nalang muna ako at pagkatapos ay handa na ang mga pagkain sa lamesa.
Pag-upo ko ay agad siyang pumwesto sa aking likuran. My hair is wrapped with a towel kaya malaya niyang na-amoy ang leeg ko.
"Why didn't you take me with you?" aniya. She's now brushing her nose on my skin. It sent me shivers.
"L-let's eat first..." suway ko.
Hindi naman siya umangal pa at umupo niya. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. Alam kong nakita niya ang pamumula ng mukha ko, dahilan nang malapad niyang ngisi.
Kumain kami nang tahimik. Sa wakas ay tumigil siya sa pagiging pilya niya. Pagkatapos ay pumunta siya ng living room and got busy with work for an hour. Ako naman ay walang masyadong ginawa kundi panoorin siya.
Pumasok ako ng kwarto para mag-charge ng phone when I came across hers. Ilang beses itong nag vibrate kaya chineck ko na. Only to find out it was Felice. I didn't intend to read the messages pero naka-show iyon sa screen niya. I bit my lower lip. I felt so nervous. Nakasulat doon na namimiss niya na si Adriana at nagtatanong kung kailan sila magkikita.
Is there really nothing going on between them? Paano ako? Saan ako?
Pinutakti na naman ako ng kung anu-ano. Hindi ko na mapigilan na hindi mag-isip. Sa tagal ko sa kwarto at dalawang oras na pala ang lumipas. Dinatnan niya akong tulala.