Kabanata 18 : Pagpasok

320 61 21
                                    

Libre na po ito, kaya huwag niyo ng kopyahin, gayahin at ireformat para masabing sa inyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Libre na po ito, kaya huwag niyo ng kopyahin, gayahin at ireformat para masabing sa inyo.

Matuto ng salitang RESPETO!!!!

..................

Kabanata 18 : Pagpasok

NLC, Makati

"Number 96 Astraea Valiente." sabi ng host na ikinatingin ng lahat ng marinig ang pangalan ni Astraea.

Umakyat si Astraea na ikinangiti ni Elis dahil kahit nakaroba lang si Astraea mamahalin iyon, satin ang tela na hindi basta-basta ang presyo.

Samantalang ng makita ni Jan Carl si Astraea mabilis nito dinampot ang hinanda kanina at bigla itong sumigaw na ikinagulat ng lahat.

"Zero!" malakas na sabi ni Jan Carl ng paakyat pa lang ng stage si Astraea na ikinatawa ng lahat ng itaas pa ni Jan Carl ang placard na zero.

"Hahaha! Wala pa nga eh." sabi ng mga nanonood na empleyado at alipores ng mga aplikanteng na hindi na napaalis ni Elis.

"Grabe ito. Sandali hindi pa ako nagsisimula." sabi ni Astraea ng sumigaw si Jan Carl.

Tiningnan ni Astraea ang tatlong Prinsipe na hindi naman napaalis ni Jan Carl dahil pumirma ang mga ito ng kontrata bilang judge at isang kaso iyon kapag umalis ang mga ito.

"Sandali lang ha. Manood kayo." sabi ni Astraea sa tatlong Prinsipe.

"Sige, manonood kami." sabi ng isang Prinsipe na ikinangiti ni Astraea at ikinatingin ng masama ni Jan Carl sa pinsan.

"Okay! Sandali para mas intense." sabi ni Astraea at nagsimual ito tumayo sa gitna ng stage sa bandang dulo kung saan ito magsisimulang lumakad o rumampa.

"Bawal unano dito!" sigaw ni Jan Carl na ikinatawa ng lahat at ikinapigil sa pagtawa ni Elis dahil maliit nga si Astraea at hindi niya trip ang ganoong height pero maganda ang dalaga. Kakaiba ang mukha nito kahit ang balat ay halatang sunog sa araw.

"Hahaha!" tawanan ng lahat.

"Grabe ka! Sandali kasi bubuwelo pa ako." inis na sabi ni Astraea na naiiyak na sa inis dahil hindi siya makaporma.

Umayos si Astraea at akmang maglalakad na ito ng sumigaw uli si Jan Carl.

"Bawal sakang!" sigaw muli ni Jan Carl na ikinatingin ni Elis ng pasimple sa hari, hindi kasi mukhang hari ang katabi niya at hindi rin maitatagong may gusto ito kay Astraea. Distraction ang ginagawa nito sa dalagang rarampa na halata rin na ayaw nito ang ginagawa ni Astraea.

"Hahaha!" tawanan muli ng lahat bukod kay Hades at Lisica na nakatingin ng masama kay Jan Carl.

Napatingin si Elis kay Astraea, malakas ang karisma nito na kailangan naman niya sa model para sa magazine dahil puwede naman iedit ang height nito at ang mukha lamang ang gagamitin niya. May face value si Astraea at hindi iyon maitatanggi isama pa na kakaiba ang mata nito na tila nangungusap o nakakaakit kapag tinitigan ka.

4.3 The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon