Prologo 1.1 : Somewhere We Only Know

504 38 6
                                    


Prologo  1.1 : Somewhere We Only Know

(Click for the theme song for this novel)

Bayan ng N.E

23 Years Ago


"Manang, gusto niyo pa po ba?" nakangiting sabi ng batang babae, na noo'y anim na taong gulang, sa ale habang nakaupo pa rin ito sa sidewalk ng iwan niya ito kanina.

Napatingin ang Ale sa batang babae. Lumapit na sa kanya ang bata kanina at hindi siya puwede magkamali dahil pareho pa rin ang itsura ng damit na maganda at halatang mamahaling dress na suot nito, nakaponytail pa rin ang buhok at pareho ang inosenteng mukha kaya sigurado siya pareho ang batang babae.

"Apay po." sabi ng batang babae na tila naluluha ito habang binibigay ang tinapay sa babae.

"Di ba pinaalis ka na ng Mommy mo?" sabi ng Ale sa batang babae.

"May kausap po siya, busy po siya. Lagi po siya busy sila ng daddy ko, wala siyang oras sa akin, ayaw niya ako laro." pabulol na sabi ng batang babae sabay kain ng tinapay nito na halatang mamahalin, at iyon din kasi ang binigay nito sa Ale kanina na hindi pa kinakain ng naturang Ale.

"Play ka muna sa kotse niyo habang naghihintay ka." sabi ng Ale na tila kahit unti nawala ang pag-aalala niya kung nasaan ang mga anak niya na sinabi ng asawa niyang dinala ng mga magulang nito sa ibang bansa.

"Ayaw niya ako maglaro, ayaw niya ako madumihan, ayaw niya ako tumawa." sabi ng batang babae saka nito kinuha ang tinapay na isa at inilapag sa kandungan ng babae saka umupo ang batang babae sa tabi ng babaeng mukhang nababaliw. Madumi na ang damit ng ale, may sugat ang mga paa at sa batang isip na iyon ng batang babae ang gusto nito ay maranasan ang maging madumi.

"Gusto mo ito." sabi ng Ale na ikinatingin ng batang babae sa ale ng abutan siya ng mamon na hindi niya kilala ang pangalan nasa mumurahing plastic kasi iyon nakalagay.

"Hingi." sabi ng batang babae sabay abot ng mamon sa Ale.

Napatingin ang Ale sa batang babae ng agad na buksan ng bata ang mamon na hawak nito at walang arte na kumain ito sa tabi niya habang ang tinapay na mamahalin na ibinigay ng bata ay nasa kandungan niya.

"Masarap ba?" sabi ng Ale na tumulo ang luha ng maalala ang bunsong anak na babae.

Napatingin ang batang babae sa Ale at ngumiti ito.

"Opo." napangiting sabi ng batang babae sabay titig sa Ale na madumi na ang damit.

"Madumi ako, layo ka kaunti baka magkasakit ka." sabi ng Ale sa batang babae ng pagmasdan siya nito.

"Ayaw nila magsuot ako ng ganyan, gusto ni Mommy pretty ako lagi. Ayaw niya ako makitang umiiyak, ayaw niya ako makita nagwawala, ayaw niya makita grades ko na mababa, gusto niya nasa sentro ako lagi, ayaw niya ako." sabi ng batang babae saka nito kinain pa ang mamon na ikinangiti ng ale.

"Kasi siguro kasi gusto lang niya the best para sa anak niya. Hindi ka niya ayaw, pagmamahal ang tawag doon." sabi ng Ale na ikinatingin ng batang babae dito.

"Wala silang time sa akin, sama nila ako para ipakilala sa lahat na dapat behave ako lagi. Gusto ko maglaro, pero hindi puwede dapat daw kasi maging big girl na ako agad at iyon ang sabi nila. Pagod ako sa pinapagawa nila sa akin." sabi ng batang babae na naluluha sabay hawak sa damit ng Ale.

4.3 The Fake Heiress : 4th Gen Series #3:  Hades and Elis: COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon